Chapter 24, Title: Halloween Party

73 5 0
                                    



"Anong susuotin ko?" tanong ni Mira habang nakatingin sa harap ng salamin.


Nagsusukat siya ng costume. Ngayong gabi kasi ang Halloween Party na inorganize ng Student Councils para sa lahat.


"Maganda 'yan, with bunny ears haha," turo ko sa isang costume na may bunny ear. Color red yun at fit sa katawan. Nasa bahay nila kami ngayon.

"I want to be unique, kasi," She pouted.


Tumingin ako sa orasan. 6:25 pm na. May isang oras pa kami para maghanda. Pumili narin ako at sumukat nang ilang costume. Sa huli, napili ko yung pinagawa niya noon na black dress ni Sunako Nakahara. Isang sikat na anime character. Hindi ako mahilig sa anime. Gusto ko lang yung dress dahil maganda ang design. Bagay din sa puti kong balat at maitim kong buhok. Kay Mira naman ay Poison Ivy ang pinili niya, nagsuot pa siya ng wig kaya mas lalo siyang gumanda.


May award kasi for Best Halloween Party Costume. Base sa nabasa kong event guide book for the Halloween Party. "Top 10 Best Halloween Costumes... dagdag grades daw 'to Mira." pahayag ko kay Mira.


Papunta na kami ngayon sa school. Nasa loob na kami ng sasakyan nila. Yung driver nila ang maghahatid sa'min papunta ro'n. "Yeah, kaya nga binunggahan ko today. Ano pa?" tanong niya habang nag reretouch ng kanyang make-up.


"May Queen and King for the night award din. May talent and portion din. Depende kung sino gustong sumali at kung sino raw ang mananalo plus grades na raw yun sa mga mabababa mong grades." paliwanag ko sa kaniya tungkol sa nabasa ko.


Tumango-tango lang siya. She then took a selfie of us. Nagtext sa'kin si Zumiere kaya natigil kami. He said his ready to go. I wonder anong suot niya ngayon? Habang busy si Mira sa pag upload sa mga pictures namin sa facebook, ako naman ay iniisip kung anong itsura ni Zumiere mamaya.


"I already tagged you," ani Mira.


"Thanks," sagot ko. May naisip naman ako bigla. "May facebook account ba si Zumiere?" tanong ko kay Mira. Tutal, siya ang mahilig sa social media rito. Minsan lang naman ako mag facebook, puro qoutes lang din ang pinoposts ko.


"Nope. Wala... ibang band members lang ng Letters and Flowers, dami ngang likers at nagpapa fan-sign sa kanila." sabi niya.


Nanghinayang naman ako agad. Wala pala siyang facebook account. Sayang, excited pa naman akong ipagmayabang siya sa social media. Natawa ako sa naisip. Pwede ko parin naman siyang ipagmayabang, wala lang talagang papansin sa facebook account ko. Mas maganda pag sa account niya, para makita nang mga tagahanga niya at malaman nila na sa'kin lang siya. Demonyo akong natawa sa 'king isipan.


Marami ng tao pagdating namin sa malaking hall ng gym. Nakita ko agad ang mga kaibigan ko. Lumapit kami ni Mira para bumati sa kanila. Sobrang ganda nila sa mga Halloween costumes nila. Si Joana ay Vampire. White lady kay Berly, si Megan naman yung villain character na si Cruella. Si Lizel, the Nun. Mas agaw pansin yung kay Ryo dahil Annabelle yung costume niya. Imbes na katakutan, pinagtatawanan siya ng lahat dahil sa two pigtails wig and make-up niya.

365 Days With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon