A/N: Check the multimedia to view Zumiere Suarez's official illustration. Credits to the photo's rightful owner.
***
Lunch break at nandito kami sa cafeteria. Kinuwento ko sa kanila ang nangyari kahapon at pinag-agawan agad nila ang love letter pagkabigay ko, muntik pa itong mapunit. Elementary pa yata mula nang makatanggap ako ng mga ganito at hindi na naulit. Kaya nakakapanibago lang para sa akin.
Kung kailan nag college, saka naman may pa love letter. Ba't 'di nalang diretsahan, hindi ba?
Kunsabagay, natotorpe raw siya kaya ayaw magpakilala.
"Infairness, maganda ang handwriting for a boy, minsan lang yang mga ganyan." komento ni Lizel pagkatapos basahin ang love letter.
"Insulto 'yon ha! Maganda rin kaya handwriting ko!" depensa agad ni Ryo na katabi ko ngayon.
"Maganda raw... eh, pang kindergarten nga yung handwriting." bulong ni Joana sa kabila ko, napapagitnaan na naman ako ng dalawa. Hindi nga lang narinig ni Ryo.
"Baka naman babae." biglang imik ni Mira sabay inom ng kaniyang orange juice.
Binatukan siya ni Megan kaya napakamot siya sa ulo niya. "Ano ba! Syempre, sa ganda ba naman ng kaibigan natin halos lahat yata ng gender magkakagusto." depensa ni Mira sa sarili.
"Possible, pero ang weird lang," sabi naman ni Megan.
Naiilang ako sa topic kaya nagsalita na ako. "Lilipas din 'yan, hayaan nalang natin." sabi ko nalang para tumahimik na sila.
Ganun naman dati mga manliligaw ko. Tumitigil sila kapag nakahanap ng bagong nagustohan o di kaya'y napagod kakahintay kaya doon nalang sa easy to get.
Pero lumipas ang ilang linggo ay ganoon parin ang nangyayari. I frequently found love letters in my locker every time I opened it. It was simply a letter filled with poems about me. Same sender at bawat love letter may kasamang spongebob sticker. Inipon ko ang mga ito sa isang kahon. Ayokong itapon. Sayang... Minsan, may kasamang flowers at chocolates din. Hindi ko tuloy maiwasang hindi ma-curious kung kanino galing ang mga ito.
"Bakit klase-klase itong mga bulaklak sa flower vase mo anak?" tanong ni Mama pagkapasok niya sa kwarto ko. I was studying kaya hinatiran niya ako ng meryenda.
"Uh, ano... bigay sa akin Ma." simpleng sagot ko.
Dumaan ang kislap sa mga mata ni Mama nang lingunin niya ako habang may mapanuyang ngiti sa kaniyang labi. Hindi ko alam kung bakit masaya siya.
"Sino naman? Manliligaw mo? Ipakilala mo sa amin!" Hindi ko alam ba't ang saya niya. Samantalang noon, hindi pa siya tumatanggap ng mga manliligaw, lalong-lalo na si Papa.
BINABASA MO ANG
365 Days With You [COMPLETED]
Teen FictionLufena Guttierrez is a beautiful teenager girl, she had it all, the beauty, talent, a loving family and friends. She almost have everything well, except for a boyfriend. She never had one. Wala na kasing nagtatangkang manligaw dahil takot mareject s...