Chapter 6

60.7K 1.5K 353
                                    

Chapter 6: Beautiful

Wala namang sumagot kay Justine sa tanong na iyon at hindi nagtagal nag-iba na naman ang paksa ng aming pinag-uusapan. Patuloy nilang kinu-kwento sa aking ang magagandang pasyalan ng Isla de Vista. Isang maliit na lungsod na halos lahat ng sulok ay maaring pasyalan. Naaaliw naman ako sa mga kwento na iyon lalo na at ang mga karanasan nila sa pag-liligo sa mga ilog at batis.

Sa daming kwento nila, hindi na namin namalayan ang oras at ang pagtunog ng bell ang naghuydyat na kinakailangan naming tumayo at pumanhik sa aming silid-aralan.

Pagkatapos ng aming huling subject sa hapon, biglang pumasok si Ma'am Sandoval. Inakala naming kung may ibang subject pa kami kahit alas kwatro y media na ng hapon ngunit dahil lang pala may first parent meeting bukas. Lahat ay excited dahil din bukas din ay ang election ng classroom officers.

"Mika, change your clothes and join us at the open villa, hija." si Tita Samantha.

Tumango ako pagkatapos nagmano sa kanya. Busy ang mga kasambahay sa mga pinagluluto nila at dinadala ang mga iyon sa may tabing dagat. Having a feast of food in the Manor is no longer a surprise for me. Sa halos isang buwan ko na rito, nasasanay na ako na ganoon talaga sila ka-galante.

"They are here and they are very thrilled to meet you." dagdag ni Tita.

Bahagyang tumaas ng sabay ang aking dalawang kilay. "May bisita po kayo, Tita?"

"Papa and Mama are home. They are all gathered in the open villa."

Kinagugulat ko iyon at hindi na nakatugon pa. Nabusy rin naman ulit si Tita Samantha dahil may tinatanong si Manang Inday. Kinakabahan ako habang umakyat patungo sa ikalawang palapag. Nagbihis ako ng bagong damit na binili ni Tita Andresa sa akin.

Isang magandang lavender dress ang sinuot ko at ang white flip flops ko. Medyo humaba na talaga ang aking maitim na buhok tsaka bagsak na bagsak ito sa aking likod. Hindi ako magaling mag-ayos ng buhok kaya ngayon ay madalas ko itong hinahayaan na nakabuhayhay lamang sa aking likod. I tried fixing my hair into a ponytail but it kept getting uneven or the other side is tight and the center has a bump part.

Bumaba na ako muli para magpunta sa open villa. Paglabas ko lang palang sa bukana ng back back door at naglakad ako sa buhangin, nakikita ko na sila sa open villa. Nasa mahabang lamesa silang lahat nakaupo at hindi ko alam kung sino-sino pa ang mga nando'n.

"My precious is here!" bungad ni Tita Andresa sa aking nang bumaba na ako sa sementadong hagdanan.

Ngumiti ako kay Tita habang umakyat naman sa kahoy na hagdanan. Lahat tuloy sila ay napatingin sa akin na siyang kinahihiya ko. May iilang mukha akong nakita na ngayon ko pa lang nakikita. Two older couple made me first realized that they are the head kind-like owner of Vista Manor.

"Oh, she's cute and dolly,"

"Come, sit beside your Kuya Eren, Mika." si Tito Eros.

"And she's so lovely, Mama."

Umupo ako sa tabi ni Kuya Eren at inusog ko ito ng konti palayo sa kanya nang muntik ko na siyang madaplisan dahil kinakabahan ako. I smiled at all of them especially the older Buenavistas.

"Good afternoon po." marahan kong bati sa kanila.

"You are Mika," tugon ng isang Ginang.

Tumango ako sa mahina sa kanyang tanong. She is the older Buenavista. Like Tita Andresa and Tita Samantha, she is also very sophisticated and so luxurious. Klarong klaro iyon lahat sa kanyang pananamit at sa kanyang boses lalo na sa kanyang pagmumukha. She is pretty too and she's not that old.

The Great Known (Isla de Vista Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon