Chapter 18: Xibalba
Sa araw na iyon, nalaman ko na may nangyari pala sa kompanya nila sa Maynila kaya kinakailangan ng umalis. Pati si Tito Eros ay nagpunta ng Maynila, sumunod lang si Tita Andresa sa kanya, kinabukasan. And she also told me that something happened with Don Benjamin's work and that is why he is urgently needed. Heneral si Don Benjamin kaya kahit hindi sinabi ni Tita tungkol tungkol saan ang pagmamadali nila, alam ko na may kaugnayan ito sa kanyang trabaho sa militarya.
Panay ang pag-uwi nila Kuya Rocco sa probinsya mula noon. Tapos na rin kasi ang pinapagawa nilang racing arena na pangkatuwaan. They brought sports cars, the type of cars that are fast and used for racing, and they use that to have fun in the track field. Minsan pumupunta ako para manood at eksklusibo naman ang lugar. Pinapagawa nila iyon dahil isa sa paborito nilang libangan ay ang mag-car racing. Inimbitahan din nila ang mga kaibigan na nais manonood o makilaro sa kanila kaya medyo nakikilala ko na sila.
Medyo oval ang racing field na pinapagawa nila, malaking lupa na pagmamay-ari rin ng mga Buenavista ngunit nasa bakanteng lugar ito na nasa kanluran na bahagi ng Isla de Vista. Malayo sa mga bahay ng naninirahan sa probinsya. Iyon ang bagong libangan nila Kuya Rocco maging ang mga kaibigan nila dito lalo na kung umuuwi sila.
They often come to the province, almost every month, but Kuya Eren can't. Sobrang busy niya sa pag-aaral at may kompanya siyang inaatupag sa Maynila. I am always sad when Kuya Rocco brings that news but I got used to it na. All I have is Kuya Eren's gift na pinapadala niya kina Kuya Elijah tuwing umuuwi sila.
Binuksan ko ang aking pintuan ng mga kumatok roon. Bumungad sa akin si Kuya Rocco na may malapad na ngiti at nakasuot siya ng racing suit.
"We're racing today, you wanna come?" nakangit siyang aya.
Ngumuso ako at umiling. "I might want to just rest for the whole day, Kuya."
"Oh," aniya. "If you're bored here then, go to the arena."
Tumango ako at malapad na ngumiti sa kanya. Humalakhak si Kuya Rocco at ginugulo ang aking buhok kaya sumimangot ako. Ganyan kasi siya palagi, ginugulo ang aking buhok.
"May bagong kaibigan sila Steven. Magaling din daw makipag-karera kaya maglalaro kami ngayon."
"Be careful, Kuya." marahan kong sinabi.
Binigyan niya akong na parang malungkot na ngiti. "Nanonood ka sana kay Kuya, Mika. Makikita mo kung paano ko sila tatalunin."
"It's too hot outside and I don't like to go out today, e." nakanguso kong tugon.
He chuckled. "That's okay. I was just teasing you. Aalis na ako, ah?"
"Ingat ka!" pahabol kong sambit.
Kuya Rocco waved his hand at me with a big smile on his face before he left. Humugot ako ng malalim na hininga. My friends are busy so they can't visit me today. Sabado na muli kaya walang pasok ngayon.
Paulit ulit lang akong naglulukmok sa kwarto kapag walang pasok at wala ako sa modo na lumabas. I just felt something heavy inside my chest. Parang may bumabagabag sa aking ngunit hindi ko alam.
Nilapitan ko muli ang aking dressing table at binasa sandali ang programa para sa nalalapit na United Nation na okasyon ng paaralan. Ako muli ang kandidata na nagrerepresenta sa aming section. Pipili kami isang lugar tsaka ang kanilang outfit ang aming susuotin. May isang linggo pa naman kaya hindi ko pa ito sinabi kina Tita Andresa. Lalo na at busy na busy sila ngayong buwan ng Oktubre.
Being the Miss Nutrition Month is not the only pageant that Ma'am Sandoval encourages me to join. They made me the contestants in various school activities like Intramurals last September. Ipinagpaliban naman ako ng isang aktibidad para hindi ako paulit-ulit na makikita na representative ng aming section. Billiard ang aking sports na dinadala kaya wala akong naging kapareho. Tatlo kasi ang nag badminton at ang iba ay nag-swimming attire.
BINABASA MO ANG
The Great Known (Isla de Vista Series #2)
RomansIsla de Vista Series #2 Mika, the ever beautiful Mika, she grow up somewhere in the aid of a family friend. Innocent and sweet, she grew fond of someone who doesn't want her back. A battle to fight for that love or it is time to prioritize loving h...