Chapter 21: Kapatid
"Hindi mo ako tinatawag," marahan na sabi ni Kuya Eren nang umakyat sa open villa.
I smiled at him shortly. I opened my sketchbook and looked at the unfinished drawing that I have on the very last page. This pad has two hundred pages and I already consumed all of it na pala. Binigay ito ni Daddy sa akin noong galing siya ng Hong Kong.
"Mika..." mahinang tawag ni Kuya Eren sa akin.
Tumingin ako sa kanya. May konting kunot sa kanyang noo at nakapameywang siya. Beads of saltwater drip down from his wet hair and body. Nababasa na ang kahoy na sahig dahil umakyat siya dito at hindi nakakapagtuyo ng sarili.
"Are you okay?" tanong niya.
Marahan akong tumango at pasimpleng umiwas ng tingin sa katawan niya.
"Eren! Balik ka na dito! Maliligo tayo sa malalim," sigaw ng kaibigan nila roon.
"Hindi marunong lumangoy ang mga babae, tig-isa tayong magbantay,"
"Sige na! Ang tagal ninyo!"
"Eren!"
Kinakaway siya ng mga kaibigan para papuntahin doon. I saw the girls waiting for him as well. Kusang inisa-isa ko sila. Ang iba ay walang malisyang nagsasaya at nagtatawanan ngunit may isang babae na nasa tabi ni Irish na tumititig sa katawan ni Kuya Eren. Umawang ang aking labi at nag-iba ang aking nararamdaman sa loob ng aking tiyan.
"Mamaya na," tugon ni Kuya Eren.
Sumimangot ang babaeng iyon. Umiwas ako ng tingin at binalingan na lang ang pahina ng sketchbook. Narinig ko ang marahas na pagpakawala ni Kuya Eren ng hininga.
"Eren, I don't know how to swim kasi. Can you hold me? I want to look at the reefs too,"
Parang naninigas ako sa aking kinauupuan. Napaangat ang aking tingin. 'Yung babae na nakita ko kanina na nakasimangot ay nasa open villa na ngayon. She was biting her lower lip in a weird way and her chinese eyes were sparkling. Lumapit pa siya kay Kuya Eren at diniin ang kanyang malusog na dibdib sa braso. Mabilis na lumayo si Kuya Eren sa kanya.
"Pagod na ako. Magpatulong ka roon sa mga kaibigan mo." malamig na sabi ni Kuya Eren.
"They're all occupied tsaka mas magaling ka lumangoy. I'll be safe with you,"
Napatingin sa aking ang babae na iyon bago muling lumapit kay Kuya Eren. I stood up, I took Kuya Eren's white shirt with me and went to the furthest couch so I won't be able to hear much of their conversation. Sa sahig na ako umupo ngayon kaharap ang payapang dagat.
"Henry, accompany Madison." baritonong tawag ni Kuya Eren.
"E, ikaw nalang." sigaw ng kaibigan niya pabalik. "Busy ako, bro."
"Puntahan mo na, Henry," rinig kong sabi ni Kuya Rocco.
Napatingin ako muli kay Kuya Eren. Ang babae kanina ay umirap sa kawalan bago umalis ng open villa. Kuya Eren turned to me and I immediately averted my gaze away from him. I heard him heavily sighing and his light footsteps drawing closer to me.
"Pinaalis ko na siya,"
Hindi ako sumagot. Nilingon ko siya muli na naka-squat na ngayon sa aking kanan at hindi ko sinasadyang mapatingin sa kanyang hubad na katawan. Medyo tuyo na ang dibdib niya ngunit basa pa rin ang buhok. He caught me looking at his body so I looked away again. Uminit bigla ang aking pisngi sa pagkahiya.
"Is it uncomfortable? Should I wear my shirt?"
Ngumuso ako. "It's okay, either way."
Dumaing siya na parang galit at iritado. Umigtad ako ng konti at agad siyang lumapit sa akin. Nararamdaman ko na siya sa aking tabi.
BINABASA MO ANG
The Great Known (Isla de Vista Series #2)
RomansaIsla de Vista Series #2 Mika, the ever beautiful Mika, she grow up somewhere in the aid of a family friend. Innocent and sweet, she grew fond of someone who doesn't want her back. A battle to fight for that love or it is time to prioritize loving h...