Chapter 20

68.7K 1.2K 225
                                    

Chapter 20: New friend


"Uuwi ka ng maaga, Mika?" si Justine.

Tumango ako at mabilis na nagliligpit ng gamit. "Uuwi kasi si Kuya Eren ngayon."

Ilang buwan na rin ang nakalipas at malapit ng matapos ang school year. Busy na busy kami sa palaging praktis sa Moving Up Ceremony. Dalawang linggo ng hindi nakauwi si Kuya Eren at ngayon ay tutuloy na siya. He will be fourth year next year which made it even harder for me to bond with him kaya kapag nandito siya sa probinsya, sinusulit ko ang araw.

"Saan kayo mamamasyal ngayon?" tanong ni Zialvee.

Napatingin ako sa kanya. Nakaupo siya sa aking silya habang nakatayo ako, kaharap ang nakabukas na bag sa armchair habang si Justine naman ay nakasandal sa upuan na nasa likod ng row namin.

"Sa farm lang siguro o sa plantation, depende." mahina kong sagot.

"Mika, halimbawa lang 'to, ah." agap niya at umayos ng upo. "Paano kapag magkaroon ng girlfriend ang Kuya Eren mo? Hindi naman pwedeng ikaw ang inaatupag palagi. Sorry, ah? Hindi ako nag-o-offend, halimbawa lang."

Natigilan ako sa tanong na iyon. Hindi ako makasagot agad at malalim akong napaisip. Alongside thinking of those things, I felt a small pain in my chest. I am used to being pampered by Kuya Eren and thinking of those times getting taken away from me, I felt uneasy and it is painful.

"O baka may girlfriend na talaga, hindi mo lang alam, Mika."

Umiling ako agad bilang depensa. "Walang girlfriend si Kuya Eren. Ayaw niyang magkaroon ng ganoon tsaka kung mayroon man, sasabihin niya sa akin."

"Sa Maynila hindi uso ang girlfriend at boyfriend, flings flings lang. Walang relasyon maliban sa palitan ng paggamit ng katawan." si Justine ulit.

"Hindi ganoon si Kuya Eren." pagtatanggol ko.

"Alam ko na importante sa'yo si Eren pero may ganoon talaga, Mika. Common iyan lalo na at mayaman at guwapo sila, hindi na kailangan maghanap dahil babae mismo ang lalapit. Naaalala mo ang sinabi nila Albert tungkol doon, 'di ba?" sabi ni Zialvee.

Ngumuso ako. I can't imagine Kuya Eren to be like that. A playboy. He seems too perfect and too focused on his studies so I did not believe in whatever they say. Kahit naman noong bumisita ang mga babaeng kaibigan nila, hindi siya interesado sa mga babae. Ayaw pa nga niyang makikipaghalubilo sa kanila, e.

"Zialvee, pinatawag na tayo." singit ni Shawn.

Mabilis na tumayo si Zialvee. "Sabay na tayong lumabas,"

Tumango ako at kinuha na ang aking bag. May meeting sila kaya hindi pa makakauwi. President at Vice President ang palaging hinahanap ng SSG Officers na sumali ng meeting kaya kailangan nilang magpa-iwan.

Nang dumating ako sa Manor, nakauwi na raw si Kuya Eren. After greeting them, I immediately went to get change because they said they will be racing today so I'm gonna go and watch. Sumakay ako sa kulay blue na Bugatti ni Kuya Eren patungo sa racing field.

"Good luck, Kuya..." nakangiti kong sabi.

He smiled widely and kissed my forehead. "Stay behind the fence, alright?"

Tumango ako. "I will,"

"Good girl."

"Eren, time to get in..." tawag ni Kuya Maddox.

Si Baltazar at Wendel ang kalaban ni Kuya Eren sa karera ngayon. They are all wearing safety and fireproof tracksuits in case of emergency and it will protect them if anything bad happens incidentally.

The Great Known (Isla de Vista Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon