Chapter 19

59.7K 1.3K 690
                                    

Chapter 19: Brake

Max and Ate Gigi hurriedly took a similar black mexican outfit for Kuya Eren. Hindi kasi kasya sa kanya ang susuotin sana ni Laurence. Hindi Xibalba outfit ang susuotin ni Laurence dahil masyadong all black iyon kaya natural na mexican attire and sa kanya ngunit magkapareho naman kami ng kulay ng susuotin. At the moment, they are preparing Kuya Eren to wear an all black outfit inspired by Xibalba.

I can't process immediately how he is already in front of me but Tita told me when she got back with the water that it was supposed to be a surprise to me. Kaya hindi ko alam dahil balak daw itong isopresa sa akin.

Kasalukuyang inaayos muli ni Ate Gigi ang aking makeup. Nasira kasi iyon noong umiyak ako kaya binilisan niyang ayusin. Si Kuya Eren ang partner ko at pinagpaalam naman namin iyon kay Ma'am Sandoval at sinabi niya na ayos lang daw. Hindi kasali si Kuya Eren sa maaaring manalo ngunit pwede siya maging partner ko sa Mr. and Miss UN.

"Mika, isusuot na natin ito."

I blinked twice and I looked at Ate Gigi. Hindi ko namalayan na tapos na pala siyang mag-kolorate sa aking mukha. Nakapokus kasi ako sa ginagawa nila Tita Andresa at Max kay Kuya Eren. Lumunok ako at marahan na tumango. Kuya Eren squeezed my hand that he was holding before letting me go.

Tumayo na ako saka lumapit kay Ate Gigi. She helped me wore the big red hat before she added the two lovely yellow flowers beside each side of my head. Dumapo ang aking tingin kay Kuya Eren. He is looking at me while Max is brushing his hair to the back. Ngumiti ako ng malapad sa kanya.

Kuya Eren is wearing a black armor-like outfit. Skirt nga ang lower niya and instead of having a face like Xibalba, nananatiling walang makeup si Kuya Eren. May suot siyang gloves at extended ang padding sa balikat niya na may tumatayong kandila. The outfit also has black lighted candles which is placed on his shoulders. Walang head dress si Kuya Eren dahil wala ng oras para gawin iyon ni Max.

"Ano ba 'yan! Xibalba nga pero wala naman pakpak." panunuya ni Kuya Rocco.

"Of course I shouldn't have wings, Rocco." malamig na puna ni Kuya Eren.

"Zero ang creativity at characterization mo."

Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Kuya Eren. Hindi ko man nakita ang reaksyon ni Kuya Rocco pero alam ko na nanunukso ito sa pinsan niya.

"She's my wings. I can't fly without that Goddess." marahan na banggit ni Kuya Eren.

Ngumuso ako bago lumapit sa kanila. "Who's she, Kuya?"

Tumingin silang dalawa sa akin. Nananatiling nakanguso ako, interesado sa pinag-uusapan nila.

"You, Mika. Wala namang ibang iniisip itong si Eren, e."

"Talaga?"

"Kuya Eren loves you so much. Oh, so cringe." panunuya ni Kuya Rocco.

Natawa rin ako.

"Mahal na mahal talaga namin ang bunso," nakangising singit ni Tita Andresa.

Pinasuot ni Max kay Kuya Eren ang black wings. Ngumisi ako ng malapad at excited ng maglakad kasama siya. It is a pair of big black wing with parts of its feathers were already falling. Disenyo ng pakpak ni Xibalba ay medyo punit-punit na kaya ganoon ang suot ni Kuya Eren.

"Ready na ba sila?" si Ma'am Sandoval.

"Yes, they're ready,"

Lumapit si Kuya Eren sa akin, hindi ko talaga maalis sa kanya ang aking tingin. He is like a dark knight in front of me. A dark fallen angel because of his costume that made him look extra intimidating and handsome.

The Great Known (Isla de Vista Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon