Chapter 25

69.9K 1.1K 154
                                    

Chapter 25: Faith

"Salamat," mahina kong sinabi kay Jackson.

Tumango siya at hindi na rin umimik. Tinulungan niya ako sa dala kong maliit na luggage kahit kaya ko naman ito. Punong puno ang aking isipan, mula sa nangyari kanina sa Manor tsaka sa mismong pagdating namin dito sa bahay ng mga magulang ko. Nais ko munang magpahinga muna.

"Just text me if you need me, Mika." si Jackson.

I smiled and nodded. Kahit nakita niya akong umiiyak kanina, hindi na siya nagtanong. And that is what I certainly need throughout the ride. Peace and silence. Ngayon, pinanood ko siyang umalis na para puntahan din ang pakay nito dito sa Maynila.

Humarap ako sa aming puting gate. It is well-maintained. There are small rusts and it is inconspicuous that no one is leaving here because someone is taking care of the place. Bumabalik sa akin ang lahat. Tila nag-flash sa aking isipan ang mga alaala sa bahay na ito. I was supposed to claim this house legally when I turned eighteen but there are papers that our family lawyer needs to process in terms of my claim in my parents' assets. At naging abala rin ako sa pag-aaral ko kaya hindi ko muna inaatupag iyon.

Pumasok na ako ng tuluyan. Nostalgia of memories came to me like a river flow. Kung kanina papunta dito ay kumikirot at nanlalamig ang aking puso, ngayon mas dumoble ito. Parang nahihirapan akong huminga dahil namamanhid na ako. At alam kong normal lang ito dahil ngayon lang ako nakabalik.

But I smiled. I felt the warmth of our home. I can still feel their warmth until now. It's like they never really left this place. Our home, our shelter. It is like they just went invisible but their presence is still felt.

"Annika?"

Napalingon ako sa hindi pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko. Isang Ginang ang sumalubong sa aking mga mata. Bahagyang tumaas ang aking kilay sa kanya dahil hindi ko siya kilala. O namumukhaan man noon.

She smiled at me. "Ako ang tagalinis dito, hija. Kadalasan ang anak ko, si Joy, pero sabi ni Madame kailangan mo ng tagaluto habang nandito ka kaya ako ang naka-duty."

Mabilis akong umayos ng tayo at ngumiti sa kanya pabalik na may paumanhin na tingin.

"Magandang tanghali po," magalang kong bati sa kanya.

"Pumasok ka na sa bahay ninyo, hija. Binuksan ko na iyan kaninang umaga, umuwi lang ako sandali sa amin."

"Malapit lang po rito ang bahay ninyo?" tanong ko sa kanya.

Tumango siya. "Yung daan na maliit bago dito, doon lang."

I have seen the changes in the vicinity. Halos hindi ko na ito kilala. A lot has changed in the place, there are new houses in the subdivision, the old ones were renovated, there is more population this time. And the only house that hasn't changed is ours.

Pumasok na ako sa bahay. Ngayon lang ako nakabalik dito. I chose not to step in here before because I don't have the courage to do so. Ngayon lang nagkaroon ng lakas ng loob dahil ito na ang realidad.

I roam around the place, I set aside my tiredness. Wala namang nagbabago ngunit sobrang linis lang ng lugar. Halatang inaalagaan talaga ng maayos at kahit walang tumira sa mga kwarto, organisado ang lahat at kompleto ang gamit na naiwan.

Huling pinuntahan ko ang kwarto ni Daddy at Mommy. Their clothes aren't in the cabinet anymore, it was donated before I transferred to Isla de Vista. Bakante ang closet nila at iba pang cabinet. But on top of Mom's dressing table, her favorite jewelry box is shining. Bumibigat ang aking dibdib kaya humugot ako ng malalim na hininga habang nilapitan ito.

The Great Known (Isla de Vista Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon