Chapter 22

57.7K 1.2K 237
                                    

Chapter 22: Love him


I see trees, it was a bright morning but now it is turning dark. The heavy and dark clouds are forming above like it is about to rain. Hindi ko alam kung nasaan ako. Umiiyak at tumatakbo, hindi ko na muli matukoy kung saan ang aking daan pauwi.

Kanina pa ako naglalakad. Huminto naman ako ng ilang oras nang dinadalaw ng gutom kaya umupo ako kahit saan. My white dress got dirtied because I sat on the broken tree. And my dress got torn a bit because I ran into the woods and some branches and thorns captured the hem of my clothing. Dumidilim ang paligid dahil nagbabadya ang ulan. I don't know where I am. All I can see are trees, tall trees, bushes, green and muddy land, broken twigs and branches, dry leaves on the ground and uneven grassy and muddy paths.

Biglang tumunog ang kulog na siyang hindi ko inaasahan. Napatalon ako at nakayakap sa sarili. Now, I am starting to cry because of the rain and thunder, and because I am irritated at myself. Sinubukan ko ang daan kanina na pinanggalingan ko ngunit hindi ko alam kung alin ang susunod na tatahakin.

Kumulog muli at kahit masakit ang aking paa sa kakatakbo kanina, patuloy akong naglakad sa daan ang hindi ko alam kung ito pa ang daan pauwi. I wanted so badly to remove my flat sandals because the strap has been hurting my feet but I can't walk barefoot in this wild forest.

Nakakita ako ng mga ilaw at mas binilisan ko ang aking paglakad paalis ng gubat. There, I saw houses. These are the houses that are beyond the wheat field and the farm. Umawang ang aking labi dahil ang layo na pala ng inabot ko. I don't know how long I've been gone but the moment I got out from the forest, the skies were much darker.

Mabilis akong umakyat ng bukid, lumapit sa mga bahay na maliliit lamang at gawa sila ng kahoy at mga pulidong bato. Nayon ito ng mga taong nakatira sa dulo ng lupa ng mga Buenavista. Alam kong makakatulong sila sa akin para malaman ko ulit ang aking daan pauwi kaya lakas loob akong lumapit. I noticed smoke coming out from the dirty kitchens and chimney and I heard soft conversations. Sa kabila ng pagbabadya ng ulan, maulap ang paligid dahil medyo nasa tuktok ang Nayon na ito sa bukid.

"Uh, hello po..." mahina kong pasiuna sa isang Ginang na nakitang lumabas ng bahay niya.

Tumingin siya sa akin. "Magandang hapon, hija. Ano'ng sadya mo?"

"Ma-Magtatanong po ako sana kung anong daan ang pauwi ng farm?"

Pinasadahan niya ako ng tingin at kumunot ang noo niya nang nakita ang aking damit na napunit ang gilid.

"Hala, ikaw ba ang anak na babae ni Madame Andresa at Monsieur Eros?" mangha niyang tanong. "Halika, halika. Pasok ka muna baka babagsak na ang ulan."

Giniya niya agad ako papasok ng kanilang bahay. Hindi man ito malaki ngunit malinis ang loob nito at maayos na naka-organisa ang kagamitan. She made me sit on her bamboo sofa and she went to get something from their kitchen. Bumalik agad siya at may dalang baso ng tubig tsaka binigay sa akin.

"Uminom ka muna ng tubig, hija." aniya.

Tinanggap ko iyon at uminom. It only made me realize how hungry I was. How empty my stomach has become. Binaba ko ang baso pagkatapos inubos ang tubig at tumingin sa kanya.

"Bakit ka napadpad rito? Nasugatan ka ba? Anong sinasakyan mo, hija?" sunod sunod niyang tanong.

Lumunok ako, mas lalong nagugutom. "Naligaw po ako sa gubat, hindi ko alam ang daan pauwi."

Suminghap siya. "Naku, ang batang ito. Napakadelikado ng gubat diyan sa baba. May ahas diyan o anong hayop na makamandag. Bakit ka napunta roon?"

"Mama! Dumating na kami ni Papa!" biglang singit ng isang masayang bati.

The Great Known (Isla de Vista Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon