Chapter 38

69.9K 1.2K 423
                                    

Chapter 38: Husband


"Ayos lang ba na ganyan ang suot mo? Hindi magagalit si Eren?" tanong ni Zialvee.

Napalinga ako sa paligid bago sumagot sa kaibigan. "Tayo lang naman dito."

"Sabagay. Akala ko lang sobrang possessive ni Eren. At baka may darating na iba at mga lalaki pa tapos mahuli kang nag-two piece lang." natatawang puna niya.

Napailing na lamang ako sa kanya.

Eren is possessive but not to the extent na halos lahat ng gusto kong gawin ay ipinagbabawal niya. Pinagsasabihan naman niya ako tungkol sa pagsusuot ng bikini in public hindi dahil ayaw niyang makita akong ganoon o dahil sobrang higpit niya sa akin kundi dahil ayaw niyang mabastos ako.

He allows me to wear whatever I want but with precaution which is fine din naman as I understood his point. Ayaw niyang palagi akong nagsusuot ng revealing clothes dahil minsan iyon ang nagbibigay motibo sa isang tao para mabastos kahit wala naman sa intensyon iyon ng nagsusuot.

"Baka may guwapo mamaya," hagikhik ni Justine.

Tumawa ako. "There's a lot in Paris,"

Umismid siya. "Ayaw ko ng LDR, hindi ko 'yan kaya."

"Kinaya naman namin ni Eren."

"E, kayo 'yan, e. Mula pagkabata mo, siguro naman kami na kay Eren ka talaga babagsak kaya kahit gaano man kayo kalayo sa isa't-isa, sa kanya ka pa rin babagsak."

Madramang bumuntonghininga si Zialvee. "Ako design lang sa world. Alikabok lang talaga na palipad-lipad."

Nagtatawanan kami dahil doon.

Currently, we are in the infinity pool trying to unwind after a long shopping spree at the mall earlier. Si Eren naman ay paniguradong nakikinig na ng mabuti sa meeting nila. I heard Kuya Ruhan and Kuya Maddox were there as well to represent the Titos. Saka ko nalang sila babatiin kapag tapos na ang meeting nila at kung maabutan ko pa.

Unplanned celebrations and random talks and catching up hits are different. Kapag pinapalibutan talaga tayo ng mga kaibigan natin, kasamang tumatawa sa mga kwento na parang tanga-tanga lang ngunit napakahalaga ng bawat sandali.

Pasado alas nuwebe ay naisipan na namin na bumalik sa kwarto dahil dumami na rin ang mga tao sa pool. May karaoke room din sa hotel kaya roon kami nagpapatuloy ng kasiyahan. Then I received a text from Eren that he is almost done so I excused myself for a moment to greet Kuya Ruhan and Kuya Maddox whom I haven't seen in person for years already.

Habang nasa lobby ako, tumunog ang aking cellphone at inakala ko na si Eren iyon. It turns out to be from a stranger. Binuksan ko rin naman dahil harmless lang ang nakalagay na mensahe ngunit dahil siguro sa mga rebelasyon na nalalaman, parang umigtad ako at kinakabahan ng konti.

Unknown Number:

Mika, this is Jimuel. Got your digits from Antoinette. I just landed at NAIA, are you still up?

Dalawang minuto ang lumipas sa pag-isip isip ko ng maging tugon.

Me:

Hey. Yeah, I'm still awake. What brought you here to the Philippines?

Nagulat ako ng biglang tumawag si Jimuel. I almost pressed cancel but because my finger slid to the right making me answer it right away. Napapikit ako sa pagkairita sa sarili at nagsalita na si Jimuel kaya wala akong magawa kundi ang itapat ang cellphone sa tainga.

"Mika, are you there?" Jimuel chuckled on the other line.

I silently heaved a deep breath. "Yeah, what's up?"

The Great Known (Isla de Vista Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon