Chapter 12

59K 1.6K 974
                                    

Chapter 12: Dependent


"Mika, right? We are staying here tonight," bungad sa akin ni Rhoa.

Tumango lamang ako ng tipid sa kanya. Mas lalong ngumiti siya ng malapad sa akin. Hindi na bikini nag suot niya kundi isang off shoulder dress at nakikita pa rin ang dibdib niya. Umiwas ako ng tingin nang pumasok si Kuya Eren sa mansyon.

"I hope we'll get along, Mika." nakangiti pa niyang dagdag. "You are Eren's sister, I will teach you many things and I'll help you enhance your beauty,"

Hindi ako sumagot. Ayaw kong makausap si Rhoa kaya hindi na rin ako ngumiti at lumiko nalang sa kaliwa dahil lumapit din naman si Kuya Eren. Ayaw kong nandito kasama sila.

"Eren," she giggled.

Binilisan ko ang aking lakad paalis ng sala. Hindi ko narinig kung ano ang pinag-uusapan nila at ayaw kong marinig din iyon. Totoo nga siguro ang haka-haka ko, may alitan lang sila ni Kuya Eren kaya hindi nagpapansinan ngunit ngayon ay nagka-ayos naman.

Pero walang nabanggit siya na may girlfriend siya o kahit sila Kuya Ruhan hindi iyon binabanggit. Ayos lang naman na may girlfriend si Kuya Eren pero sa palagay ko ay bigla lang siyang lalayo sa akin. Ewan ko, hindi ko gusto ng ganoon. At isa pa, hindi ko gusto si Rhoa.

Agad akong umakyat ng hagdanan at dumiretso sa aking kwarto. Hindi ako mapakali kaya pagkatapos kong nagbibihis ng pantulog at nagpunta ako ng third floor, sa white room doon. I can hear their voices on the beachfront, they are having a blast again.

"Hija, gatas mo,"

Dismayado akong napatingin kay Manang Belene. Siya na ngayon ang nagdadala ng gatas ko, hindi si Kuya Eren. Ngumiti ako kay Manang at tinanggap naman iyon tsaka pinanood siyang umalis muli.

Gusto kong matulog pero hindi pa ako inaantok. Bigla na lang akong naiirita dahil naririnig ko pa rin ang halakhakan nila sa baba. Humugot ako ng malalim na hininga tsaka nagpasya na matulog na nga lang talaga sa kwarto. Hindi ko pa iniinom ang aking gatas at dinala ko nalang ito sa kwarto.

I was about to reach my door when I saw Kuya Eren. Galing siya sa kwarto niya at shorts na itim tsaka puting t-shirt ang suot niya ngayon. Agad akong umiwas ng tingin nang nagtagpo ang aming mga mata.

"Mika," tawag ni Kuya Eren.

Nagmamadali akong pumasok sa aking kwarto at sinirado agad iyon. Bago ko pa mabitawan ang hawak na gatas, nilapag ko ito sa malapitang cabinet. A knock and the door knob rolled after I got in. Agaran ko itong ni-lock.

"Hey... Mika." aniya sa kabilang pinto. "Open the door, please. Are you mad at me?"

Lumunok ako at hindi sumagot. Malumanay ang boses niya at dinig ko iyon dahil nakadikit ako sa pintuan, parang tinutulak ko ito kahit sarado naman para hindi siya makapasok.

"Nagbibihis lang ako dahil maliligo tayo ng dagat. Buksan mo ang pinto, please."

I shook my head in dismay.

"Matutulog na ako, Kuya. Hindi ko na gustong maligo," mahina kong tugon.

"Then let me tuck you in. Why'd you have to lock your door?"

Ngumuso ako.

"Open the door, please..."

I gulped. My heart is hammering inside my chest. Inaamin ko na iniiwasan ko si Kuya Eren dahil ayaw kong makita siya na kasama si Rhoa. They are both good looking, they fit for each other but I don't like her for Kuya Eren. I don't like her at all.

"Why?" tanong ko.

I heard him groaning.

"So we could talk."

The Great Known (Isla de Vista Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon