Chapter 15

65.1K 1.3K 659
                                    

Chapter 15: Crush

Sunod-sunod ang congratulations na natanggap nila Kuya Eren nang lumapit kami sa kanilang pamilya. Sobrang natutuwa ang lahat sa nangyari at ang iba ay sobrang kampante na mananalo talaga ang Wild Yonder dahil kasamang lumaro ang mga Buenavista. Bago kami umuwi ng mansyon, we took a picture in the middle of the court with the whole Buenavista tribe. May makuha rin na litrato na sumama ang iba pang players ng Wild Yonder, pati na rin ang Mayor ng Isla de Vista.

The victory party will be in the Vista Manor. Doon nila i-cecelebrate ngunit hinatid muna nila Kuya Ruhan sila Steven at ang iba pa pauwi at babalik naman iyon sa mansyon pagkatapos. And after the game, I haven't seen Rhoa and the girls. Hindi na sila nakisabay sa kotse at bigla nalang silang nawala pagkatapos ng liga.

"You cried?" nakangising tanong ni Kuya Rocco.

Bahagyang ngumuso ako. "I thought Kuya Eren got hurt badly. He fell really hard."

"Oh, he sure did." halakhak niya. "Anyway, you seem super close with Eren now,"

"This is her, Rocco?"

Napatingin ako sa taong nagsasalita. It is Kuya Elijah and behind him is Kuya Zeke then Kuya Maddox. Kasalukuyang nasa beachfront kami. Sinama ako dito ni Kuya Rocco. Nasa lamesa na ang kanilang mga alak tsaka sa kabila ay naroon ang nakahandang pagkain kung sino ang nagugutom tsaka may cake rin na si Tita Kathryne mismo ang nag-bake.

Kapatid ni Kuya Eren si Kuya Elijah. Mas soft tingnan si Kuya Elijah at mas friendly siya. Iyon ang unang impresyon ko sa kanya ng nakita na ngayon sa personal. At si Kuya Zeke ang pinakabata sa tatlong magkakapatid at siya rin ang neutral sa kanilang tatlo. Ngunit pareho naman silang anim. Guwapo, makisig, matangkad, makapal at kilay at halos kulay brown ang lahat ng mata nila. Medyo may pinagkaiba lang konti sa kulay ng balat. Hindi nakakapagtaka kung bakit maraming humahanga sa kanila lalo na 'yung mga nakasalamuha ko sa paaralan.

"Yep! Mika Alvarez. Daughter of the Late Engineer Ephraim Alvarez and Madame Sarah Alavarez." tugon ni Kuya Rocco.

"I'm Zeke. This is Elijah." nakangiting sabi ni Kuya Zeke.

Ngumiti ako sa kanilang dalawa. Hindi naman nagtagal at naririnig namin ang mga boses na papalapit. Dumapo sa bulwagan ang aking mata at unang nakita si Kuya Ruhan tapos si Kuya Eren at saka na ang players ng WIld Yonder.

"Zeke, Elijah! Mabut't nakauwi kayo,"

"Ako nagdala ng dalawang iyan." si Kuya Rocco.

Nag-apir sila bilang pagbati at ang iba ay naki-fist bump lang bago umupo sa mga bakanteng couch. Hindi ko nakita na pumasok din sila Rhoa at napabaling ang aking tingin kay Kuya Eren na nakatayo na sa aking harapan.

"Move, Rocco." aniya.

Umusog din ako. Hindi kasi kumibo si Kuya Rocco na nasa aking tabi dahil abala sa masayang kwentuhan ng mga kaibigan na bagong dating pa lang. Kuya Eren sitted in between me and Kuya Rocco. Nasa dulo na ako ng couch dahil masikip. Malaki kasi si Kuya Eren, e, tsaka nakaupo na rin si Kuya Rocco at hindi umuusog.

"Ano ba 'yan, Eren. May bakante roon sa kabila." daing ni Kuya Rocco.

Kuya Eren growled. "Ikaw umupo doon."

"Parang kailan lang, halos ipagtataboy mo si Mika. Ngayon sobrang dikit mo na."

"Just shut up, Rocco. Move, magigipit na rito si Mika." mataman niyang sabi sa pinsan.

"Ayaw ko nga. Manigas ka sa pag-upo diyan. Wala namang nag-utos sa'yo na makisiksik sa amin dito."

Dumaing muli si Kuya Eren at gumalaw ang kanyang panga. Ngumuso ako at humawak sa braso ni Kuya Eren bago pa siya magsasalita. Napatingin siya sa aking kamay bago sa aking mata. I shook my head slowly and moved more to the right and front so he can fit in.

The Great Known (Isla de Vista Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon