Chapter 10

64.7K 1.4K 459
                                    

Chapter 10: Dare

"Eat more crab, hija. Here, Tito Eros picked the meat already," nilapag iyon ni Tita Andresa sa aming pinggan.

Kumain pa ako dahil puro seafoods ang pagkain na hinanda ngayon. Sea foods are my favorite dish. Kanina pa ako kumakain at dahil masarap ang pagkaluto ng mga pagkain ay matagal akong natapos kumain.

"Apple juice,"

I smiled at Kuya Eren when he refilled my glass.

"Oh, the rain is pouring so hard outside." komento ni Tita Samantha.

Kahit mga alas nuwebe na noong umakyat na kami lahat sa kwarto upang magpahinga pagkatapos ng mahabang kwentuhan sa living room, hindi pa rin humihina ang pagbuhos ng ulan. Sinasabayan pa nga ito ng kidlat tsaka kulog na malakas.

"Good night, precious one." nakangiting sabi ni Tita Andresa sa akin at pinatakan ng halik ang aking noo. "Your birthday is approaching. Let's plan it tomorrow, okay?"

Tumango ako ng marahan. "Okay po. Good night, Tita. Tito..."

Umakyat na ako ng hagdanan ngunit may pag-aalinlangan at mahigpit akong napahawak sa aking mga kamay. Unang dumating ang kidlat at kasunod naman ang malakas na kulog kaya napahinto ako sa kinatatayuan at pumikit ng mariin.

"Mika," I felt a hand on my shoulder.

Lumunok ako bago dumilat. Nakita ko ang nag-aalala na mukha ni Kuya Eren. Isang malalim na paghinga ang kumalawa sa akin.

"I'll tuck you to bed," marahan niyang sinabi.

I gulped again and let Kuya Eren guide me towards my room. Mahigpit ang hawak ko sa kanya nang biglang kumidlat at alam ko ay susunod naman agad ang kulog. I felt Kuya Eren stopping and pushing the door open.

Sinamantala ko ang pagtigil ng kulog upang humiga na sa aking kama. Tinaas ni Kuya Eren ang kumot upang matabunan ang aking katawan. I closed my eyes but opened it again when he sat on my side.

"Aren't you sleepy too?" pabulong kong tanong.

Marahan siyang umiling. "I'll sleep after the storm passes."

Kinagat ko ang aking pang-ilalim na pisngi. Hindi nakabukas ang ilaw ng kwarto at tanging ang lampshade lang sa aking kabilang tabi ang umiilaw. Kuya Eren is looking down on me without blinking which unconsciously made me pout.

"I'll get you milk," aniya.

Tumayo siya ngunit huminto naman ang pag-alis. I bit my lower lip again and fisted on his shirt. Bumaba ang tingin ni Kuya Eren sa aking kamay na nakahawak sa kanyang damit bago dahan dahan na napunta sa akin.

He sighed. Bumalik siya sa pag-upo sa aking tabi. Ngumiti ako ng tipid at bahagyang umgitad nang dumating ang hindi ko inaasahan na malakas na kulog kasabay ng pagbuhos muli ng ulan.

"You are a thunder scaredy-cat," nakangisi niyang puna.

Gulantang napatingin ako muli kay Kuya Eren nang kinuha niya ang takas ng aking buhok at nilagay patungo sa likod ng aking tainga. Bahagyang nakadungaw na talaga siya sa akin ngayon.

"What are you scared of, Kuya Eren?" mahina kong tanong.

He shrugged at first. "Nothing."

Tumango ako sa tugon niya. Sana ay ganoon din ako. Wala kinakatakutan. Munting kulog nga ay natatakot na ako, ano pa kaya ang ibang bagay.

"Sleep, Mika..."

I nodded again and shutted my eyes.

"Kuya Eren?"

The Great Known (Isla de Vista Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon