Chapter 16

63K 1.6K 955
                                    

Chapter 16: Type

After the lighting of the torch, the Vista flame raised up and the show began. Nagsi-ingayan ang mga katutubong drum, lyre, trumpeta, flute tsaka mga tambourine. Iba iba ang klase ang katutubong instrumento na ginagamit ng bawat mananayaw. Everything is so colorful and lively. Everyone around the plaza is so attentive to the different performances. Naaliw ako sobra nandahil sa mga malikhaing istilo nila sa pagsasayaw gamit ang iba't ibang props at mga malalaking costumes na sa palagay ko ay sobrang bigat.

Habang nasa kalagitnaan ng performance, talagang dinadalaw kami nila Tita ng gutom kaya pasimpleng kumakain sa dalang cookies ni Tita Samantha. Lagi siyang handa kapag ganito, iyon ang sinabi ni Tita Andresa sa akin. Naparami naman iyon ngunit sila Kuya Eren sa likod ay hindi kumakain dahil busog pa.

Pagkatapos ng okasyon, umabot ito ng limang oras mula 11 am bago natapos, may kwentuhan pa sila Tito at Tita kasama ang mga kilalang tao na nandidito rin sa entablado. Iyon ang dahilan kung bakit hindi kami umuwi agad pagkatapos ng masayang programa ng Vista Festival.

Kasalukuyan akong nakatayo sa tabi ni Kuya Eren. Nakatayo na kami dahil tapos na ang event, alas kwatro y medya na ng hapon. Ganoon katagal natapos ang programa. Umangat ang aking tingin kay Kuya Eren nang hinarap niya ako, napukaw ang aking tingin mula sa harap.

"Are you starving?" marahan niyang tanong.

Umiling ako. "Kumakain kami kanina ng crinkles."

I saw him doing a quick run of his tongue on his lips. Mas lalo itong namumula dahil mapupula naman talaga ang kanyang labi. Sumilay ang maikling ngiti sa labi siya habang hinaplos ang aking buhok.

"There will be a lot of people tonight in the house. Did you invite your friends over?" tanong niya.

"Yeah, but they are busy too."

"Oh, that's--"

"Uh, Mika?"

Naputol si Kuya Eren dahil may biglang sumingit sa amin. Tumabi ng konti si Kuya Eren upang humarap sa nagsasalita at nakita ko kung sino iyon. Si Jackson pala ang sumingit. Nakangiti siya, sandaling tumingin lang kay Kuya Eren bago muling tumingin sa akin.

"Uh, hi..." nahihiya niyang pasiuna. "Pwede ba kitang makausap, Mika?"

Kuya Eren suddenly moved much closer to me. Napatingin tuloy ako sa kanyang dahil mababa siyang dumadagundong habang nakatingin kay Jackson.

"Am I invisible here, boy?" malamig niyang tanong.

Napalunok si Jackson at may kaba sa kanyang tawa. Ngumuso ako ng konti dahil mukhang iritado si Kuya Eren. Ganito rin siya kagabi noong nabanggit ang tungkol kay Jackson. Hindi ko alam kung bakit ayaw na ayaw niya kay Jackson, e, mabait naman. Kahit hindi ko siya crush, guwapo rin naman at magalang. Gusto nga siya ni Tita dahil ganyan siya.

"Pasensya na po," paumanhin ni Jackson. "Nais ko lang makausap si Mika, e."

"Uy, ano 'yan?" boses ni Kuya Rocco.

Nakita ko ang paglunok ni Jackson at unti unting lumiliit ang kanyang ngiti. Kuya Rocco stood on my left side now while Kuya Eren was on my right, almost blocking my view of Jackson. Mukhang takot talaga siya at napalingon ako dahil naglalakbay ang tingin niya sa aking likod.

Kuya Maddox, Kuya Ruhan, Kuya Elijah and Kuya Zeke are standing behind us. Ngumuso ako ng konti tsaka yumuko bago tumingin muli kay Jackson.

"Bakit mo siya gustong kausapin?" malamig pa rin ang boses ni Kuya Eren.

"Uh, kasi..." si Jackson at nagkakamot ng ulo. "Sa'yo po ako manghihingi ng pahintulot. Gusto ko pong kausapin si Mika. Hindi naman ako gagawa ng kalokohan."

The Great Known (Isla de Vista Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon