Chapter 5: Kuliling
Pagkatapos ng dinner namin ay nagpaplano kami na mamasyal dahill may event pala ang bayan. Ang daming tao sa labas. Dinadalhan ako ni Tita ng dress kaya nakapagbihis ako ng damit pagdating sa restaurant. Kasama namin sila Tito Hermes, Tita Samantha at Kuya Rocco.
When we arrived, Kuya Rocco told me to sit with him and I did. Magkatapat kami nila Tito at Tita. Hindi ko inaasahan na ang daming tao na dumating sa mahabang lamesa at mga kaibigan iyon ng mga Buenavista. Ako lang ang pinaka bata at may mga babaeng anak naman dito ngunit hindi ka-edad ko. Siguro may dalawang babae at ang isa ay parang ka-edad lang nila Kuya Rocco.
Dumating pa ang isang pamilya na may lalaking anak na ka-edad rin nila Kuya Rocco. Nasa gitna ako nila Kuya Rocco at Kuya Eren, nakaupo. Sa kabilang banda ay naroon ang mga taong hindi ko kilala.
Binaba ko ang aking tingin sa aking pinggan. Sinimulan na ng mga waiter at waitress ang paglalahad ng mga pagkain sa hapagkainan. Hindi naman ako nakakasabay sa mga usapan ng pang-matanda. Si Kuya Rocco rin ay naging abala sa pakikipag-usap sa lalaking dumating kanina na mukhang malapit niyang kaibigan. Si Kuya Eren naman ay nasasali sa usapan nila Tito Eros dahil humahanga ang dalawang bigating tao sa kanya.
I took the steak onto my plate and started digging in. Inorder din ni Tita Andresa ang chocolate shake para sa akin kaya ganado akong kumain. I did not mind my surroundings and focused on eating with my food. Napakaraming pagkain sa harapan at gusto ko pa sanang kumain ng grilled pusit ngunit malayo ang platter sa akin kaya hindi na lang.
"So, two years nalang before you take and graduate in Masters?" rinig kong tanong ng isang matanda kay Kuya Eren.
"In God's will, I believe so." pormal na tugon.
The man laughed along. "And hopefully this time, I can see someone from our family bearing your last name."
Napaubo bigla si Kuya Rocco kaya napatingin ako sa kanya. Hindi lang ako ang nagulat sa pagkabigla niya ngunit sila rin na kasama namin sa lamesa. Tumawa si Kuya Rocco pagkatapos pinunasan ang gilid ng bibig. May ngiting aso naman sa labi niya habang nakatingin kay Kuya Eren.
"Time na ba ito, Eren?" aniya na may panunukso na tono.
Umiling ng konti si Kuya Eren. "That is far from my perception of life."
"What do you mean, hijo?" the other man asked.
Tito Eros suddenly spoke, "My son meant that he is still too young to think of a lifetime commitment, Oliver."
"Well, it is better to think for the future while they are still young," anito.
Tumango pa ang isang kaibigan ni Tito Eros. "As soon as possible, you need to look for a noble girl to wed and settle with her when the time is right." and he chuckled. "Or immediately, right Oliver?"
Nagtatawanan ang dalawang matanda at napasimsim naman si Tito Eros sa wine niya. Malapad ang ngisi ng matandang tinatawag nila na Oliver nang bumalik ang tingin niya kay Kuya Eren pagkatapos napatingin sa isang magandang dalaga na nakaupo sa aming harapan.
"Me and my daughter talked about marriage yesterday. She is graduating now, taking a Bachelor of Science in Medical Technology in USC. Sinabi niya sa akin na kahit graduating pa lang siya, handa na siyang magpakasal."
"Oh, Charlotte?"
"Yes, my eldest. Her," turo nito sa babaeng magandang at medyo kulay brown ang buhok niya.
Ngumiti sa amin ang babae ngunit sandali lamang iyon, bumaling agad kay Kuya Eren na mukha mas gusto niya pa itong makasalamuha kaysa sa amin ni Kuya Rocco.
BINABASA MO ANG
The Great Known (Isla de Vista Series #2)
RomansaIsla de Vista Series #2 Mika, the ever beautiful Mika, she grow up somewhere in the aid of a family friend. Innocent and sweet, she grew fond of someone who doesn't want her back. A battle to fight for that love or it is time to prioritize loving h...