Chapter 9: Play
Nagsimula noong palagi kaming nagkakasabay ni Kuya Eren sa hapagkainan, naging madalas ang pagsasama namin. He usually invites me horse riding and swimming kaya halos araw araw ay uuwi agad ako pagkatapos ng eskwela. Hindi naman ako magaling lumangoy ngunit sinubukan akong turuan ni Kuya Eren. Kaya lang ay natatakot ako kapag bigla ko nalang hindi na abot ang ibaba.
"Uuwi ka na agad, Mika?" bungad ni Justine sa akin.
Tumango ako. Lumapit si Totong sa amin at umupo sa mismong arm ng armchair. Tumatawa siya at inakbayan naman ni Albert.
"Palagi ka naman umuwi ng maaga. Sumabay ka sa amin, Mika. Dadaan kami kina Mang Hong. Hindi ka magsisisi, masarap ang kwek-kwek roon. Maanghang ang sauce tsaka may pipino pa." sabi ni Totong na may aksyon pa.
"Tsaka mura lang, Mika. Libre namin, sumama ka naman," aya ulit ni Zialvee, "Sige na, o. Hindi ka naman mapapagalitan ni Madame, magpapaalam tayo at kahit na isasama pa sa atin si Manong Bilbo, ayos lang."
I pouted a bit. I feel bad for them. Gusto ko rin namang sumama sa kanila kaso may nauna ng nag-aya sa akin, e. Tita won't be angry if I spend time with my friends naman. She is strict in some areas but she never got angry towards me especially with that.
"Uh, inaya ako ni Kuya Eren namamasyal, e." nakanguso kong sabi.
"Ah, 'yun. Si Kuya Eren na naman ang dahilan." si Totong.
"Palagi na talaga kayong nagsasama, e, no?" tanong pa ni Zialvee sa akin.
"Close na sila. Magkakapatid na kasi, e. Ano ang feeling na tinuturi mo na siyang kapatid, Mika? Halos lahat naman ng mga taga Isla de Vista ay alam na may adopted na anak si Madame Andresa at Sir Eros."
Dumaing si Justine. "Hindi nga i-na-adopt si Mika. Naging legal guardian lang sila dahil sa will ng magulang niya,"
"Ah, sorry, ah? Chill ka lang, alam ko 'yon. Pero 'yun ang usap usapan sa bayan kahapon. Pati nga ako tinatanong ni Mama kung totoo ba raw iyon." depensa ni David.
Sumabay ako sa kanila palabas ng paaralan. Masaya talaga silang kasama at kahit ano lang ang naging paksa ng pinag-uusapan namin. I can see myself getting more interactive than before. Nahihiya pa rin naman ako lalo na kung may mga matatanda o guro sa paligid ngunit dahil sa kanila, naiibsan iyon.
"Magandang hapon, Manong...:" bati nila kay Manong.
"O, magandang hapon din sa inyo. May lakad ulit kayo?" tugon ni Manong.
"Kakain lang naman ng murang bilihin sa kalye." si Totong ang sumagot.
"Ay, sige, mag-ingat kayo."
"Inaya nga namin si Mika, Manong, pero busy, e. Sa susunod nalang, isasama talaga namin siya." nakangising singgit ni Zialvee.
"Sige ba pero magpaalam muna kayo kina Sir at Madame. Hindi naman siguro sila magagalit pero mabilis silang mag-aalala."
Tinulak tulak ako ni Zialve gamit ang balikat niya ngunit mahina lamang. "Mahal na mahal ka talaga nila, e, no?"
"Parang tunay na anak na," halakhak na tugon ni Manong. "O, sya, makauwi na kami,"
"Bye, Mika! Kitakits bukas,"
Tumango ako sa kanila at kumaway rin pabalik. Pumasok na ako sa backseat ng kotse habang si Manong naman ay umikot patungo sa driver's seat pagkatapos sinirado ang pinto.
Habang nasa biyahe na kami pauwi ng Manor, nakita ko ang tindahan na hindi naman ganoon kalaki pero nakapunta na kami nila Zialvee diyan upang bumili ng kinakailangan na school supply, may marami silang binebenta. Nakakita ako roon na mga magagandang paper dolls. Bagong dumating lang raw iyon at marami agad ang bumili.
BINABASA MO ANG
The Great Known (Isla de Vista Series #2)
RomanceIsla de Vista Series #2 Mika, the ever beautiful Mika, she grow up somewhere in the aid of a family friend. Innocent and sweet, she grew fond of someone who doesn't want her back. A battle to fight for that love or it is time to prioritize loving h...