Chapter 8

71K 1.5K 380
                                    

Chapter 8: Sky

"Did you enjoy today with your friends, hija?" si Tita Andresa.

Tumango ako ng marahan. "Opo. Naliligo rin kami sa batis pagkatapos."

"Oh, I can see that." she chuckled. "Next time, you can invite them to our house."

"Sinabihan ko na po sila bago kami umuwi ni Kuya Eren, Tita. Bibisita naman daw sila rito,"

"Okay, maganda iyan. Para kung sakaling may kailangan kayo, matutugunan namin agad. Magpahinga ka na muna, hija. I'll tell Manang Belene to bring you milk to your room."

Sinunod ko ang sinabi ni Tita at umakyat na ako ng hagdanan kung saan ko siya nakasalubong. Pasado alas kwatro na ng hapon, papalapit na ang paglubog ng malaking araw at gusto kong makita iyon. I stayed a bit in my room until Manang Belene gave me a glass of milk before I took my sketch pad and went to the shore.

Umupo ako sa buhangin at ginawa kong upuan ang aking tsinelas. Habang nakatingin sa panghapon araw, may disenyo ng damit na pumapasok sa aking isipan. My hand just did its work and I began to stroke a person using my sharpened pencil.

Bawat hampas ng alon sa dalampasigan ay nagpapagana sa akin na mag-drawing. I have a few coloring materials with me right now and after I made a faceless woman on the sketchpad, I started stroking for a short dress. Isang cocktail dress ang nasa aking isipan na gustong gawin ko.

I am inspired by the shades of the setting sun. Iyon ang ginawa kong kulay sa damit na ginuguhit ko. From orange color to a fading yellow. Ginawan ko rin ng flower crown design ang makapal na headband sa ulo ng modelo ko.

Hinarap ko ito sa kaharap na palubog na araw. Nakuha ko ang kuha ng sunset at nababagay sa ginawa ko na cocktail dress. Bigla kong nararamdaman ang isang presensya na huminto sa aking tabi. Umangat ang aking tingin at nakita kong nakatayo roon si Kuya Eren at nasa kang kanang kamay ang baso ng gatas.

Kinakabahan ako bigla sa presensya niya at binaba ko agad ang aking drawing.

"Your milk," aniya.

Tumayo na ako at kinuha iyon sa kanya. "Iniwan ko ito sa kwarto, iinumin ko naman pagbalik ko."

"Drink it while it is still warm."

Mukhang inaabangan ako ni Kuya Eren kaya hindi ako umapila at ininom ang gatas. Nang naubos ko na iyon, napansin ko na nakatingin siya sa aking sketchpad. Nahuli ko siya at dahan dahan niyang binalik ang tingin sa akin at nilahad ang kamay para sa baso.

Ngumuso ako. "Ako na magbabalik nito sa sink."

"Just let me, it's not a heavy task."

"Okay..."

Binigay ko naman sa kanya iyon. Unang bumalik ako sa Manor, sumunod naman si Kuya Eren at lumiko siya patungo sa kusina nang nakapasok na kami habang ako ay dumiretso sa kabilang lobby patungo ng grand staircase.

Muling binalikan ko ang mga damit na naiguhit sa aking sketchpad. Nakasanayan ko na lalagyan ng petsa ang mga iyon sa araw na naiguhit ko sila.

I watched TV afterwards because that's the other thing I could do to enjoy the rest of the time. Kinabukasan ay linggo na. Natapos namin kahapon ang miniature namin na proyekto ng Science kaya hindi na kami magkikita ng kagrupo ko.

The week passed and with the same regular day. Hindi naman ganoon kadalas ang pakikipag-usap ko sa mga tao sa Manor maliban kina Manang dahil busy sila sa kanilang mga trabaho at negosyo. Every week that passes is so light. Siguro inutusan ni Tita Andresa si Kuya Eren dahil siya na kasi ang palaging naghahatid ng gatas ko bago ako matutulog.

The Great Known (Isla de Vista Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon