Chapter 2: Sitio Luntian

108 33 89
                                    

Aly

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Aly

"Wake up sleepy head, " pagkamulat ko ng aking mga mata ay mukha kaagad ni Austin ang nakita ko. Naramdaman kong naginit ang mukha ko kaya naman ay napatakip ako ng mukha.

"Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan, " sabi ko na lang. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa.

"Kinilig ka naman, " sabi pa nito.

"Asa ka. Hindi ako kagaya ng mga babaeng nagkakandarapa sa iyo, " sabi ko naman sa kanya.

"Alam ko, " tipid niyang sagot.

Napatingin ako sa paligid mukang andito na nga kami. Maliwanag na sa labas, mukang inumaga na kami.

"Magdamag nagdrive si kuyang driver? " mahina kong nasabi sa aking sarili. Kawawawa naman siya.

"Hindi, " sagot naman ni Austin.

"Wala naman siyang kapalit, " nagtatak ko namang sabi.

"Ako na ang pumalit sa kanya, tulog ka kaya hindi mo naman napansin " sagot niya.

"Are you even allowed to drive?! " gulat kong tanong pero natawa lang siya. Pansin kong madalas ako nitong tawanan, kahit hindi naman nakakatawa ang mga sinasabi ko. Katawa-tawa ba talaga ako?

"Oo naman, kapag nasa liblib na lugar nga lang. " sagot niya kaya napailing na lang ako.

"At isa kawawa naman si kuyang driver. Baka maaksidente pa tayo, " dagdag niya pa.

"Kung sabagay, mabait ka pala. " sabi ko na lang.

"Akala mo ba hindi? " nakangising tanong niya. Hindi na lang ako nagsalita at na unang lumabas ng bus, napansin ko ring may suot akong kulay gray na jacket. Bakit ba ngayon ko lang napansin na may suot akong jacket.

"Kaninong jacket ito? " tanong ko pa.

"Kanina mo pa suot iyan, ngayon mo lang napansin. Giniginaw ka kasi kanina kaya pinasuot ko sa iyo, sobrag himbing ng tulog mo kanina, " sagot naman.

"Sa susunod mo na lang ibalik, " dagdag niya.

"Sige. Salamat, " naramdaman ko na namang naginit ang mukha ko kaya nagiwas na kaagad ako ng tingin sa kanya.

Pinagmasdan ko ang paligid, hindi ito ang inaasahan ko sa lugar na ito. Parang ghost town, napakatahimik ng lugar at parang walang tao. Kaya siguro dito nagtayo ng retreat house, mapuno pa kasi sa lugar na ito kaya mas masarap sa pakiramdam at iwas stress.

"Sitio Luntian, parang hindi bagay sa lugar na ito, " sabi naman ni Austin.

"Paano mo naman nasabi? " tanong ko naman.

"Marami ngang mga puno pero yung mga dahon parang patay na lahat, " sagot naman niya.

Tama nga naman siya,  asaan nga yung luntian sa lugar na ito? Pero malay ko ba na baka noong unang panahon, luntian talaga sa lugar na ito.

---------

Pinagmamasdan ko pa din ang lugar na ito, nasa loob na kami ng retreat house at masasabi ko talagang para kaming nasa isang haunted house. I usually enjoy haunted houses pero parang may mali sa lugar na ito. Hindi ko lang alam kung ano iyon.

" Are you okay? " tanong sa akin ni Austin.

"Are you okay? " tanong ko pabalik sa kanya.

"Oo naman, " tipid nitong sagot.

"Sabi mo eh, " sabi ko naman sa kanya.

"This place is weird, like me. " sabi ko pa. Wala naman ako masabing iba pa.

"You're not weird,  just different. Iyan ang sabi mo hindi ba."  sabi naman niya.

"Basta may kakaiba sa lugar na ito, " sabi ko na lang.

"Basta may kakaiba talaga sa lugar na ito, " pag-uulit ko pero pabulong na.

"Ano pa ang ginagawa niyo dito, halika na at mag-agahan kayo. Mahaba-haba pa naman ang biyahe niyo." nakangiting sabi ng isang babae.

Gumaan naman ang pakiramdam ko dahil sa maamo niyang mukha. Muka naman siyang mabait.

Wala kaming masyadong ginawa, mababait ang mga tao dito sa retreat. Dahil galing daw kami sa byahe magliwaliw muna kami. Sa totoo lang hindi ko naman alam ang gagawin ko sa lugar na ito, iba kasi ang itsura ng retreat house sa isip ko.

Nang gumabi na ay itinuro na kami sa aming mga kwarto, may iba pa pala kaming kasama at wala na akong balak kilalin ang mga ito.

Swerte pa pala kami dito dahil may kanya-kanya kaming mga kwarto. Kahit hindi naman ganung kalakihan ang retreat house na ito.

At dahil wala akong magawa ay naisipan ko na lang na matulog.

Nakarinig ako ng isang sigaw kaya dali-dali akong lumabas ng kwarto ko.

"Aly! " narinig kong tawag sa akin ni Austin.

"Austin, anong nangyayari?! " tanong ko, hindi naman ako mapakali.

Naglabasan na rin ang iba pang mga volunteers at gaya ko gulat din sila.

"Huwag kayong mag-alala. Si Ms. Violeta lang iyon, " tila kinakabahan namang sa sabi ni Ms. Ana.

"Anong nangyayari?! " tanong ng isa naming kasama.

"Mas mabuti pang bumalik na kayo sa mga kwarto niyo. " seryosong sabi ni Ms. Ana.

Mabilis nagbago ang ugali niya, at bigla akong natakot. Pansin ko ring kinabahan silang lahat.

"Bumalik na lang tayo, " narinig kong sabi nung isang babae.

Nagkatinginan kami ni Austin at tumango. Mas mabuti nga siguro na bumalik na lang kami sa aming mga kwarto.

Pagkapasok ko ng kwarto ay agad kong ini-lock ang pinto at hinarangan ko pa ng upuan. May kakaiba akong naramdaman sa sigaw na iyon.

Hindi na ako nakatulog, pilit kong pinakikinggan ang mga yabag o mga bulong sa labas ng kwarto ko. Sumakit na ang ulo dahil halos wala na akong marinig.

"May mga bisita tayo dito! Dapat mag-ingat ka! " nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig, boses babae ito at tila may galit sa bawat salita nito. Hindi ko masyado maintindihan ang sinasabi nila kaya hindi ako sigurado sa mga narinig. Pero kinabahan na talaga ako sa mga pwedeng mangyari.

Huwag kang mag-alala wala naman silang malalaman, at kung meron man alam mo na naman ang dapat nating gawin, "  sabi pa ng isa. Boses lalaki naman ang nagsalita.

Kailangan kong makausap si Austin. Pero paano kung nasa loob kami mismo ng retreat house? Hindi. Kahit saan delikado kami, ang dapat makaalis kami sa buong Sitio. Dahil weird ang buong lugar na ito.

Sabi naman nung lalaki, basta wala kaming alam magiging ayos ang lahat. Iyon muna ang panghahawakan ko habang nag-iisip ako ng plano.

Tumingin ako sa orasan. Three o'clock. Saktong alas tres ng umaga, napailing ako.

Hindi kaya sinasapian ang mga tao o nagbibiro lang sila. Baka naman may kung anong tumama sa ulo nila. Masyado lang yata ako nag-aalala, tama nga ang sabi nila. Ang weird ko, ako talaga ang weird.

Pinilit kong makatulog, dapat may lakas ako mamaya. Tila ba may bumubulong sa isip ko na dapat may lakas ako para mamaya.

END OF CHAPTER 2

Violeta Retreat House ( Sitio Luntian #1 ) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon