Aly
"How did you guys know about this ? " tanong ni Austin sa kanila.
"Don't ask. Hindi ka niya sasagutin, sundan na lang natin sila, " sabi ko naman sa kanya.
"Hindi tayo sigurado kung mapagkakatiwalaan sila, "bulong naman ni Austin.
Napabuntong-hininga naman ako. " Magtiwala ka na lang sa akin. "
Ngumiti naman si Austin at hinawakan ang aking kamay. " Basta ikaw, magtitiwala ako sa iyo. "
"Thank you, " bulong ko.
"Kung wala kayong tiwala sa amin, madali lang naman ang lahat, kung gusto niyo magpaiwan na lang kayo dito, " seryosong sabi ni Detective Ruiz.
Tiningnan lang kami ni Ms. Fel at pilit na ngumiti, para bang gusto niya humingi ng tawad dahil sa inaasal ni Detective Ruiz.
There are two who decided to stay behind. Sila Austin, Coby, Asa, Ara, Beverly and two others that I don't know the name followed us. Sa totoo lang nagulat ako na buhay pa silang lahat, siguro nga wala talaga silang balak patayin kami. Yes, may mga sugat nga kami, pero tingin ko ginawa na lang nila iyon dahil sa desperasyon and Lance, maybe they really don't have a choice but to kill him.
Hindi ko alam kung dahil iyon sa morals nila, hindi ko rin kayang intindihan ang takbo ng mga utak nila. Basta ang alam ko, mapanganib sila at sadyang may kakaiba sa lugar na ito.
"Anong gagawin natin kapag nakita sila, nasaan na ba ang back-up? " tanong ko sa tatlo. Nagkatinginan sila, para bang hindi nila alam kung ano ang isasagot.
Pumasok kami sa isa sa mga rehas, may nakatagong daanan pala doon. Hindi mo mapapansin noong una pera kapag tinignan mong mabuti doon mo siya makikita. Wala na rin akong balak alamin kung bakit alam nila ito, sigurado naman akong wala silang balak sumagot.
"Wala ba kayong balak sagutin ang tanong niya? " malumanay na tanong ni Asa. Sa unang pagkakataon ay walang bahid ng inis ang boses niya, halata sa mata nito ang takot. Gaya ng iba marami rin siyang mga sugat, ayoko ng alamin pa kung ano ang ginawa nila sa kanya.
Napabuntong-hininga naman ako dahil hindi parin sila nagsasalita. Tiningnan ko na lang sila Asa at pilit na ngumiti. Bahala na kung ano ang mangyayari sa amin tutal kahit ano naman ang gawin namin wala pa ring mangyayari kung wala ang tulong ng tatlong ito.
Medyo mahaba-haba ang nilakad namin, nang makalabas kami sa maliit na lagusang iyon ay nasa likod na kami ng chapel. Naalala ko na sinabi nila na baka andito ang mga miyembro ng retreat house, mukang balak din nilang hanapin ang mga ito. Ngunit ano naman kaya ang mangyayari kung sakaling andito nga sila?
"Wow. Nasa likod na tayo ng isang chapel, " tila namamanghang sabi ng isa naming kasamang lalaki, hindi ko siya kilala pero sigurado akong isa siya sa mga dapat nilang papatayin, iyong mga bagong dating sa retreat house. Tahimik lang ang isa pa niyang kasama na babae, nakakapit ito ng mahigpit sa kanya at hindi makatingin sa amin ng maayos.
"Ito iyong lumang chapel na nililinis natin ah, " sabi naman ni Ara.
"Bakit po ba tayo nandito? " tanong ko.
"Para harapin sila, " tipid na sagot ng detective.
"Sila? Haharapin sila? " tila naguguluhang sabi ni Beverly, tumango naman ang tatlo.
"Hindi ba tayo maghihintay ng back-up? " tanong ko at sa pagkakataong ito gusto ko marinig ang sasabihin nila.
"Walang back-up na darating, " seryosong sabi ng detective.
BINABASA MO ANG
Violeta Retreat House ( Sitio Luntian #1 ) | ✔
Mystery / ThrillerSitio Luntian #1 Isang retreat house sa Sitio Luntian ang nababalot ng misteryo at gagawin ni Alyssa ang lahat upang malaman niya ang katotohanan sa misteryong iyon. Kasama ang heartthrob ng kanilang eskwelahan, magawa kaya nilang mahanap ang lahat...