Chapter 8: Violeta

77 28 59
                                    

Aly

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Aly

Isang sigaw ang aking narinig kaya naman napabalikwas ako sa kama.

"Ayos ka lang? " nakita ko si Austin na nakaupo sa isang silya na malapit sa kama. Teka, hindi ba siya natulog?

"Austin, hindi ka ba natulog? " tanong ko dito.

"Sinabi ko na sa iyo na babantayan kita, " nakangiting sabi niya, gusto ko pa sanang makipagtalo pero naalala ko iyong sigaw na narinig ko.

"May sigaw...nananaginip yata ko, " sabi ko naman.

"May sumigaw nga..." mahinang sabi ni Austin.

"Puntahan kaya natin? " suhestyon, umiling lang ito.

"Aly, baka mapahamak lang tayo. Sa ngayon, mas mabuting tumahimik muna tayo, " sabi naman niya.

"Austin.."

"Alyssa, ayokong mapahamak ka, " seryosong sabi nito. Pilit akong ngumiti, nararamdaman ko ang pag-aalala niya sa akin. Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing tumitingin siya sa akin.

"Salamat, " sabi ko naman.

"Basta ikaw, " nakangising sabi niya.

"Seryoso Austin, bakit mabait ka sa akin? " tanong ko, hindi ito sumagot. Nakatitig lang ito sa akin, lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso ko.

"Gusto ko lang, " sabi nito, kumunot naman ang noo ko. Ang layo naman ng sagot niya sa tanong ko, gusto ko sanang ipa-explain sa kanya pero pinigilan ko na lang ang sarili ko.

"Ummm. Wala ka bang balak bumalik sa kwarto mo? " tanong ko na lang dito.

"Wala. Dito na lang ako, isa pa mas maganda ang kwarto mo kesa sa akin, " biro niya.

"Edi, matulog ka na lang dito. Maaga pa naman eh, " sabi ko.

"Ayoko nga. Bakit gusto mo tabi tayo? " hindi ko mapigilang hampasin siya, makalokohan talaga ito.
"Palit tayo ng pwesto, sa upuan muna ako. Matulog ka sa kama, " suhestyon ko.

"Ayoko nga. Gentleman kaya ako, " sabi naman nito.

"Hindi naman na ako matutulog, sige na. Please, " pakiusap ko.

"Ayoko nga. "

"Ano ba naman iyan, pumayag ka na, " inis na sabi ko dito.

"Galit ka na ba? " tanong niya, biglang nagbago ang ekspresyon ng mga mata niya.

"Magagalit ako kapag hindi ka nakipagpalitan sa akin, " sabi ko naman.

"Oo na. Ayokong nagagalit ka eh, " sabi naman nito.

-----------

Ilang minuto pa ay nakatulog na din siya, sinasabi ko na nga ba at inaantok din siya. Hindi naman na ako makatulog eh, medyo kinabahan talaga ako sa sigaw na iyon.

Kumusta na kaya ang iba naming kasama, pati na ang mga bagong dating? Alam na kaya nila ang nangyari at kailan kaya namin sila makikita?

Kung ako sa kanila, aalis na ako sa lugar na ito. Pakiramdam ko nakakulong kami sa retreat house na ito.

Ang dami kong katanungan sa mga nangyayari, may pulis kayang dumating? Kung meron man bakit hindi kaya kami tinanong? Hindi ba't dapat kasama kami sa mga kinakausap ng mga iyon? O baka naman hindi sila dumating, bukas kaya o baka mamaya?

Isa pa iyong bangkay ni Lance, saan nila dadalhin? Ano na ang mangyayari sa kanya? Paano kung isa sa mga kaibigan niya ang gumawa noon? Paano kung isa sa mga nakakatanda ang gumawa noon?

Masamang mangbintang alam ko, pero hindi ko maiiwasan.

Ang pinaka mahalaga sa lahat, ligtas pa ba kami sa lugar na ito? Ang mga tao dito ay parang kakaiba, isama mo pa ang weird na lugar na ito. Ewan ko na lang kung hindi ka matatakot.

Sinabi ko na bang nagsisisi ako na pumunta ako dito? Medyo? Pero dahil nagvolunteer ako dito ay nakilala ko si Austin, nalaman ko na mabait pala siya at tunay siya kung magmahal.

Aakalain ko ba naman na mahal niya talaga iyong ex niya, akala ko eh, kagaya lang sila ng mga napapanood sa tv, mali pala ako. Alam kong judgemental ako, pero lahat naman talaga ng tao may pagka-judgemental.

Pinagmasdan ko ang natutulog niyang mukha, mas maamo ang mukha niya pag tulog. Hindi ko mapigilang ngumiti, habang pinagmamasdan siya.

"Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan, " nagulat naman ako nang bigla siyang magsalita.

Bumuka ang mga mata ito at ngumisi.

"Sobrang pula mo, " natatawa niyang sabi, hinawakan ko ang nag-iinit kong mukha. Nakakahiya naman.
"K-kanika ka pa gising? " tanong ko.

"Ngayon lang, naramdaman ko ang pagtitig mo sa akin eh, " natatawang sabi niya.

Magsasalita pa sana siya nang makarinig kami ng katok, nagkatingan kaming dalawa bago buksan ang pinto.

Nagulat pa si Ms. Ana dahil magkasama kami sa iisang kwarto, alam ko kung ano ang iniisip niya ng mga oras na ito. Pero hindi ko iyon dapat problemahin pa, sa pagkakaalam ko may mas malaki pa kaming problema. Napakalaki.

"Bakit po? " tanong ko dito.

"Pumunta kayo sa kwarto kung saan tayo nagm-meeting, may sasabihin lang si Ms. Violeta, " sabi naman niya at umalis na ito. Halatang hindi siya kumportable na makita kaming magkasama sa iisang kwarto.

"Ano kayang iniisip niya ngayon? " nakangising tanong ni Austin, inirapan ko naman ito.

"Ano pa ba? Basta hindi na mahalaga iyon, pinapatawag tayo ni Ms. Violeta, ngayon lang siya magpapakita sa atin ah, " sabi ko naman.

"Malamang dahil iyon sa nangyari kay Lance, " sabi naman ni Austin.

-----------

Andoon na ang lahat nang makarating kami sa kwarto, lahat I mean kami-kami lang, hindi kasama iyong mga bagong dating. Siguro hindi pa nila alam ang mga nangyari.

Isang matandang babae na nakasuot ng kulay violet ang pumasok sa kwarto, natahimik ang lahat dahil doon. May kakaiba sa aura niya na hindi ko maipaliwanag.

"Ipagpaumanhin niyo ang mga hindi inaasahang pangyayari, huwag kayong mag-alala hindi na ito mauulit pa. Maayos na ang lahat, " nakangiting sabi ng matanda. Hindi ko alam kung bakit kinilabutan ako sa mga ngiti niya, sa totoo lang gusto ko ng tumakbo papunta sa pinto at magkulong na lang sa kwarto ko.

"Ano pong ibig niyong sabihin? " tanong ng isa sa amin.

"Huwag na kayong matakot, tunay ngang malungkot na pangyayari ang aksidente kay Lance, kawawang bata, pero dapat niyo paring ipagpatuloy ang nasimulan niyo. Para sa kanya at sa mga sarili niyo, " nakangiting sabi niya.

Anong ibig niyang sabihin na aksidente? Aksidente lang ba ang nangyari kay Lance? Bakit ayaw kong maniwala?

Tumingin ako sa aming paligid, naroon ang mga nakakatandang volunteer sa may gilid ng kwarto. Tila wala silang mga emosyon, pati ang laging galit na si Ms. Lanie, tulala lang sila. Para bang mga wala sila sa sarili.

Ano nga ba talaga ang meron sa lugar na ito?

END OF CHAPTER 8

Violeta Retreat House ( Sitio Luntian #1 ) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon