Chapter 4: Someone's Listening

90 30 88
                                    

Aly

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Aly

"Bumalik ka na sa kwarto mo, "  mahina kong sabi kay Austin. Nakahiga ito sa higaan ko habang ako ako naman ay nasa upuan.

"Bakit natatakot ka na baka may gawin akong masama sa iyo? " nakangising tanong niya sa akin.

"Hindi sira! " inis na sabi ko dito at saka hinampas ang braso niya.

"Aray!  Bakit nga? " tanong niya.

"Para kasing may nakikinig sa pag-uusap natin, " bulong ko sa kanya.

"Paranoid ka lang dahil sa sigaw na naririnig natin, " sabi naman niya.

"Bakit nga may sumisigaw? " mahina parin ang boses ko.

"Narinig mo naman iyong paliwanag nila, " sabi ni Austin at ngayon ay mahina na rin ang boses nito.

"Naniwala ka naman? " sabi ko pa sa kanya. Umiling lang ito.

"Sa tingin ko wala namang naniniwala sa kanila, nakita ko iyong mga kasamahan natin. Mukang hinahanap kung saan nanggagaling ang sigaw, nakita lang sila ng isa sa mga tapag-agala ng retreat house, " mahinang sabi niya.

"Anong balak natin? " tanong ko sa kanya.

"Alis na kaya tayo dito? " suhestyon niya.

"Sana nga pwede, pero mukang hindi natin iyan magagawa. Ni hindi nga natin alam kung nasaan talaga tayo, " paliwanag ko.

"At isa pa ang weird ng lugar na ito, " dagdag ko pa.

"Ngayon mo lang napansin? " kunot-noong tanong ni Austin, umiling ako.

"Paulit-ulit ko ngang sinasabi eh, honestly iyon lang naman ang kaya kong gawin. Ang paulit-ulit sabihin na ang weird ng lugar na ito dahil kahit saan ka magpunta sa Sitio parang gulo lang ang mapapasukan mo, " bulong ko pa sa kanya.

"Siguro nga ganyan ang iniisip mo dahil malayo tayo sa kabihasnan, " natatawang sabi niya.

"Bumalik ka na lang sa kwarto mo, " tipid kong sabi sa kanya. Nakangisi na naman ito sa akin habang pinagmamasdan akong mabuti, bigla akong nailang.

------------

Nang makaalis siya ay agad kong nilibot ang aking kwarto. Ngayon ko lang ito napagmasdang mabuti, sakto lang ang laki.

Tingin ko kailangan ko ring libutin ang loob ng retreat house, para atleast alam ko ang pasikot-sikot. Sigurado ako marami pa akong makikitang mga kwarto dito.

Maraming mga drawer dito sa kwarto ko, hindi na ako nagtaka na ang iba dito ay hindi na nalinis pa.

Konti lang naman kasi ang mga tao dito sa retreat house kaya kinailangan ng volunteer eh. Pinagtataka ko medyo konti pa lang ang volunteer, sa pagkakaalam ko kasi maraming tumutulong dati. Ngayon ko lang narinig ang retreat house na ito pero sa totoo lang maraming beses na din akong nagvolunteer sa iba't-ibang lugar, dito nga lang yung sobrang creepy.

Pero malay ko ba, baka ito lang talaga ang theme na gusto nila. No judgment....pero ang hirap talaga eh.

Pumasok ako sa banyo para maghalughog, hindi ko rin alam kung ano ba dapat ang makita ko, listening device maybe? Kanina ko pa iniisip iyon eh, o dahil ba ito sa hilig kong manuod ng mga mysteries?

Dahil nga siguro ito sa mga pinanunuod ko pero paano kung totoo ang mga nararamdaman ko? Paano nga kung nasa panganib kami? Obvious namang may hindi maganda dito sa lugar na ito.

----------

Hindi na ako nakatulog, dahil ito sa pagkapraning ko eh. Medyo sumasakit tuloy ang ulo ko.

"Ayos ka lang ba? " tanong ni Austin.

Umiling ako, " hindi nga ako nakatulog, " sabi ko pa.

"Bakit? Iniisip mo siguro ako? " nakangising tanong niya, pilit na lang ako ngumiti at inunahan siyang maglakad.

"Hi, you're Austin right? " narinig kong sabi ng isang babae kay Austin, si Ara ata iyon.

Napabuntong-hininga na lang ako at mas binilisan pa ang lakad, gusto ko ng kumain.

Pagdating ko sa dining area ay nakahanda na ang lahat, medyo nahiya naman ako. Dapat siguro tumulong kami kahit papaano.

Uupo nasa ako sa pinakadulong bahagi ng lamesa nang bigla akong hilahin ni Austin. Seryoso itong nakatingin sa akin.

"Dito ka na sa tabi ko, "

Wala naman akong nagawa kundi, sundin siya. Ayaw ko na makipagtalo lalo na at nasa hapagkainan kami.

"Wait, nasaan si Lance?" nag-aalalang tanong ni Beverly.

"Huwag kayong mag-alala, masama lang ang pakiramdam ng kasama niyo, " nakangiting sabi ni Ms. Cora.

"Puntahan kaya namin, " suhestyon ng lalaki, Coby ata ang pangalan niya.

"Huwag na, pinuntahan na siya ni Tasyo, siya na ang magdadala ng pagkain para sa kanya, " nakangiting sabi niya.

"Kumain na kayo, huwag niyong paghintayin ang pagkain, "seryosong sabi naman ni Ms. Sanya. Sa kanilang lahat mukang siya ang pinaka strikto.

Masarap ang luto dito, sa totoo lang masasabi kong ito ang mamimiss ko sa lahat. Si Ms. Lanie ang nagluluto dito, siguro dapat itanong ko sa kanya ang sikreto niya sa masarap na lutuin.

"You should eat more, " seryosong sabi ni Austin habang dinadagdagan ang ulam at kanin sa pinggan ko.

"Okay na ito, " naiilang kong sabi, ano ba ang problema nito?

"Basta ubusin mo iyan, " bulong niya sa akin.

"Oo na, " sabi ko at saka ko siya nginitian.

---------

Matapos kumain ay tumambay kami sa labas, kung tutuusin ay nagbubunot talaga kami ng mga damo. Nagsisimula na nga lang tumindi ang sikat ng araw kaya naman, sumilong muna kami. Ayaw ko sana kaya lang pinilit ako ni Austin.

Sanay naman ako maarawan, wala lang ang araw na ito sa akin. Mukang nakakalimutan ni Austin ang dahilan kung bakit kami andito, mas nageenjoy siya kausapin ang mga kasama namin at magpahinga.

"Ayos ka lang? " tanong ni Austin, napansin siguro na tahimik ako.

"Wala.." magsasalita pa sana ako nang makita kong nakatanaw sa amin si Kuya Tonyo, ang isa sa mga guard dito. Nakatitig siya ng masama sa amin, nakaramdam ako ng konting takot.

"Aly, " nag-aalalang tawag sa akin ni Austin, hinawakan niya ang kamay ko at tumitig sa aking mga mata.

"Austin, tingnan mo si Kuya Tonyo, " bulong ko. Tumingin na siya sa kinalalagyan ni Kuya Tonyo, hindi parin niya inaalis ang titig sa amin.

"Anong ginagawa niyo dito? " may galit sa tono ni Ms. Lanie.

"Wala po, " sabay naming sagot, muli kong tiningnan si Kuya Tonyo pero wala na ito sa kanyang pwesto.

"Bumalik na kayo sa ginagawa niyo, kung ayaw niyo pa magtagal sa lugar na ito, " inis na sabi ni Ms. Lanie. Agad din itong umalis at iniwan kami.

"Ano ba ang tingin niya sa atin? Sa pagkakaalam ko mga volunteer tayo dito, hindi mga magreretreat, " inis na sabi niya.

"Hayaan mo na lang, " mahina kong sabi sa kanya.

Nginitian lang ako ni Austin at ginugulo ang buhok ko.

Napansin kong nagkakagulo ang iba naming kasama, tatanungin ko na sana sila nang biglang nagsalita si Coby.

"Nawawala si Lance! "

END OF CHAPTER 4

Violeta Retreat House ( Sitio Luntian #1 ) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon