Chapter 9 : True colors

75 25 50
                                    

Aly

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Aly

Papalabas na sana kami ng kwarto nang tawagin kami ni Ms. Ana, katabi niya si Ms.Violeta. Nako, sinumbong yata kami nito. Baka parusahan kami nito ah.

"Bakit po? " tanong ni Austin.

"May sinabi sa akin si Ms. Ana, gusto ko lang malaman kung totoo ba ito. "

Nakangiti man ito ramdam mong may kakaiba sa kanya, hindi ko maiwasang kabahan at matakot sa kanya.

"Ano po iyon? " tanong ko naman.

"Nakita niya kayong magkasama sa iisang kwarto, totoo ba ang sinabi niya? " tanong nito, nagkatinginan pa kaming dalawa bago sumagot.

"Totoo po iyon. Pero wala kaming ginagawang masama, at tingin ko po naman maling husgahan kami, " sabi ko naman.

"Tama po siya. Wala kaming ginagawa, magkasama lang kami sa iisang kwarto kasi kami lang ang magkakilala dito, " painosenteng sabi naman ni Austin.

Napabuntong-hininga si Ms. Violeta, tiningnan niya si Ms. Ana at tumango ito. Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata ni Ms. Ana tsaka dumiretso sa may pintuan, tiningnan niya pa kami ng masama bago lumabas.

"Anong meron doon? " bulong ni Austin, siniko ko naman siya para matikom niya ang bibig. Baka mapahamak kami dahil sa kanya.

"Pagpasensyahan niyo na siya, huwag kayong wala akong balak parusahan kayo kung iyan ang iniisip niyo. At wala kaming karapantang pigilan kayo sa mga gusto niyong gawin dito, kung tutuusin dapat pa nga kaming magpasalamat sa inyo dahil sa pagpunta niyo sa munting santuwaryo namin, " sabi niya.

"Salamat po, " sabay naming sabi.

"Sana lang ay kayong gagaya kay Lance, nakita niyo na ang nangyari sa kanya, " umiling-iling ito at napabuntong-hininga.

"Wala po kaming balak gawin ang ginawa niya, " pilit akong ngumiti.

"Mabuti naman, sige bumalik na kayo sa kwarto niyo, " sabi naman niya.

Mabilis kaming umalis sa lugar ba iyon, pigil ang hininga namin hanggang sa makarating kami sa kwarto ko.

"Muntik na tayo doon ah, buti na lang at hindi pala mahigpit ang matandang iyon, " natatawang sabi ni Austin, pinalo ko siya sa may balikat.

"Mamaya may makarinig sa iyo! " sabi ko naman sa kanya.

"Wala yan, " natatawang sabi niya.

"Hindi ba ang weird ni Ms. Violeta, may kakaiba talaga sa kanya, " sabi ko naman.

"Ikaw din eh, baka marinig ka niyan, " sabi naman niya.

Hindi ko naman napigilang matawa, tama nga siya. Hindi naman talaga mapigilang mapag-usapan ang tungkol sa kanya o sa mga tao na naririto.

"Tama ka. Gusto mo pagusapan na natin silang lahat eh, unahan na natin si Ms. Ana, bakit ganoon ang reaksyon niya? " sabi ko naman.

"Hindi ko rin alam, parang siya iyong kaklase mong gustong-gusto ka isumbong sa teacher mo, " sabi naman niya.

"Pero mabait naman siya palagi sa atin, parang hindi naman siya ganoong klase ng kaklase. Tingin ko siya iyong kaklase na palaging nakangiti sa lahat, o iyong ate ng lahat, " sabi ko dito.

Tumawa naman ito.

"Tingin ko naman si Ms. Lanie ay iyong pabida mong kaklase. "

"Austin, tingin ko hindi nga siya kaklase parang mas bagay sakanya iyong terror teacher na role, " ngumisi naman ito sa sinabi ko.

Sa totoo lang pinapagaan na lang namin ang aming mga sarili, tutal mukang hindi naman kami makakaalis na.

----------

"Gusto kita makilala, Aly, " seryosong sabi nito.

"Ha? Bakit naman? " tanong ko.

Ngumiti lang ito at napabuntong-hininga, naglakad ito papuntang bintana.

"Wala lang, hindi magkaibigan na tayo? " sagot niya.

Magkaibigan? Sa totoo lang hindi ko naisip iyan, ang palaging naiisip ko ay hindi naman ito magtatagal. Pagka-balik namin sa eskwelahan, babalik na rin sa dati ang lahat. Doon siya sa mga kaibigan niya, sa tingin ng lahat siya iyong heartthrob na mahirap lapitan. Habang ako naman, iyong weird estudyanteng mahirap lapitan. Magkaiba ang buhay namin, magkaibang-magkaiba.

"Bakit hindi ba kaibigan ang turing mo sa akin? " napansin niya siguro ang pagiging tahimik ko.

"Hindi naman, hindi ko lang alam ang sasabihin ko, " sabi ko sa kanya.

"Okay lang, huwag mo muna isipin iyon. Marami pang oras, tingin ko naman mas mahalaga itong problemang kinakaharap natin, " sabi naman niya.

"Salamat, " tipid kong sabi.

Humiga ako sa kama at ipinikit ang aking mga mata, wala namang kaso sa akin kung andito si Austin, dahil muka naman siyang mapagkakatiwalaan, maliban na lang kung bigla niyang maisipang biruin ako.

"Ipipikit ko muna ang mga mata ko, dapat ikaw rin, " sabi ko.

"Gusto mo tabi tayo? " tanong niya, kahit nakapikit ako naiimagine ko ang ngisi niya.

"Hindi, bahala ka nga diyan, " sabi ko naman.

"Joke lang, sige na mamaya na ako. "

Umiling-iling ako. Iyan na naman siya sa pagbabantay niya sa akin, hindi ko talaga siya maintindihan. Alam kong pagod din siya at na-stress na rin sa mga pangyayari kahit ako sobra ang stress ko.

Mabuti na lang at mukang hindi naman naging problema ang paglalagi ni Austin dito sa kwarto dahil kung hindi dagdag problema na naman iyon at baka magaya pa kami kay Lance, gaya ng sinasabi ni Ms. Violeta.

Ewan ko ba iyon kaagad ang pumasok sa isip ko.

Ewan ko ba iyon kaagad ang pumasok sa isip ko. Lalo na at parang makahulugan nang sabihin niya ang tungkol kay Lance. Muli akong napatingin kay Austin, mukang pagod talaga siya.

"Hindi ka na dapat masyadong nag-aalala sa akin, huwag mo na akong bantayan, " sabi ko naman dito.

"Aly, gusto kong bantayan ka. "

"Hindi ka ba nag-alala sa sarili mo? Halata namang pagod ka eh, matulog ka kaya. Hindi pa sapat iyong pagidlip mo kanina, " sabi ko dito.

"Aly, huwag ka ng mag-alala sa akin kaya ko ito, " seryosong sabi niya.

"Alam mo Aus..."

Hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko dahil sa isang kalabog na narinig namin. Mabilis kaming napatakbo sa labas. Pansin ko rin na lumabas sa mga kwarto nila si Ara at ang mga kaibigan nito.

Isang hindi pamilyar na lalaki ang nakahandusay malapit sa may pinto, sa tapat niya si Ms. Cora. Wala itong emosyon, napatingin ito sa amin at ngumiti.

"Mga bata, pumasok na kayo sa mga kwarto niyo, kung ayaw niyong magaya sa kanya. "

Isang nakakakilabot na tawa ang aming narinig at kasabay noon ang isang malakas na pagkidlat.

END OF CHAPTER 9

Violeta Retreat House ( Sitio Luntian #1 ) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon