Chapter 17: Run

48 16 50
                                    

Aly

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Aly

Nakaramdam ng takot ang lahat, nagsesenyasan pa kami. Kung maswerte dalawa ang maitutumba namin ngayon, kung minamalas kami mapapahamak kami gaya nga ng sinasabi ni kuya Tasyo.

"Bubuksan ko na, " sabi ko sa kanila. Tingin ko mas magtataka sila kung hindi pa bumukas ang pinto, baka magtawag pa siya ng kasama. Kung sino man siya.

Hindi naman umangal ang lahat, para hindi mag-ingay si kuya Tasyo ay binusalan nila ito at dinala sa pinakasulok na bahagi ng kwarto.

Pagkabukas ko ng pinto ay agad kaming nagtago sa gilid nito para hindi kami makita. Pumasok naman siya sa loob, si Ms. Ana. Pagkapasok niya sa loob ay mabilis naming isinara ang pinto. Bago pa siya makagawa ng kung ano man ay hinampas na siya ni Beverly ng isang vase.

Bumagsak ito sa sahig, napatingin kami kay Beverly na tila nagulat din sa kanyang ginawa.

"Bakit? May problema ba sa ginawa ko? " pagtataray niya.

Walang sumagot sa tanong niya, pinagmasdan ko ang nakabulagtang babae sa sahig. Kapag nagising ito siguradong mapapahamak kami.

"Wala. Dalhin natin siya sa higaan at siguraduhing hindi siya makakatakas, may lubid ba dito? " tanong ko habang nililibot ang buong kwarto.

"Hoy. Tanda, may lubid ba? " tanong naman ni Coby kay kuya Tasyo. Tinanggal niya ang busal nito sa bibig.

"Hindi kayo makakatakas dito, tingin niyo ba hindi nila malalaman ang pinaggagawa ninyo? " natatawang sabi nito.

Muli siyang pinagsusuntok nila Asa, sa pagkakataong ito mas malakas ang mga suntok nila.

Hindi ko sila pinigilan, wala naman kaming magagawa pa. Mas mabuti nga kung wala na siya dito, alam kong masama pero kung mahahabol lang naman niya kami sa pagtakas namin, sinayang lang namin ang oras dito.

Tingin ko iyon din ang gustong mangyari ng lahat. Natatakot lang sila sa mga consequences na pwede naming harapin sa hinaharap. Iyon ay kung may hinaharap pa kami.

"Wala ka talagang balak magsalita tanda? " inis na sabi ni Coby.

Tumawa lang si kuya Tasyo.

Hindi ko alam kung na dala lang siya ng galit pero halos mapasigaw kami nang kumuha si Asa ng isang piraso ng basag na base at sinaksak siya.

"Asa! " tawag ng kapatid niyang si Ara.

"Anong ginawa mo pre?! " bulyaw sa kanya ni Austin.

"Hindi ba ito ang dapat na mangyari? Gumising na kayo, wala tayong takas sa kanila. Hindi natin siya pwedeng iwanan ng buhay, at least dapat hindi na niya kakayaning kumilos man lang, " inis na sabi nito.
Aaminin ko na tama ang sinabi niya, babalikan lang nila kami kapag iniwan namin sila ng buhay.

Wala rin. Mapapahamak pa rin kami.

"Tama siya. Wala na tayong magagawa kung hindi lumaban, " pagsang-ayon ko naman.

Violeta Retreat House ( Sitio Luntian #1 ) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon