Chapter 6: Newcomers

84 28 69
                                    

Aly

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Aly

Pinagmasdan ko ang labas ng Retreat house, napakatahimik ng lugar, siguro dahil na rin sa ito ang pinaka malayo sa residential area.

Napaatras ako nang mapansin ko ang isang lalaki na palakad-lakad, huminto ito sandali at tiningnan ako o siguro itong retreat house, hindi ko masyadong makita dahil malayo nga ang lugar namin.

Muli itong naglakad at huli ko itong nakita na pumasok sa isang eskinita, baka isa siya sa mga residente dito.

Naisip ko na lang na siguro kaya hindi ako sanay sa mga kahimik na lugar dahil lumaki ako sa city, kaya nga ako nagvovolunteer sa mga ganito para sa katahimikan. Kaya hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

"May problema ba? " tanong ni Austin na nasa likod ko na pala.

"Naisip ko lang bakit kailangan pa nila ng volunteer sa ibang lugar kung pwede naman silang humingi ng tulong sa mga tao dito? "

"Walang gustong mag-volunteer, alam mo naman ang panahon ngayon. At isa pa karamihan sa kanila gusto sa City mag-aral o magtrabaho, " si Kuya Nesty ang sumagot.

Hindi ko sila masisisi, maraming opportunity sa City pero kung dito lang sila mags-stay sa isang liblib na Sitio mahirap na.

Kung tutuusin maganda naman talaga ang lugar na ito, konting ayos lang. Para kasing napabayaan na ang buong Sitio. Sigurado mas maganda pa sa naiimagine ko ang lugar na ito noon.

"Wala pa ba ang mga bagong dating? Mukang na-traffic sila ah, " sabi naman ni Kuya Nesty.

"Baka naman po nasiraan, nasiraan din kami ng bus nung papunta kami dito, " sabi naman ni Austin.

Natawa naman si Kuya Nesty, " Baka nga, luma na rin ang bus na iyon, napipinturahan lang. Kailangan pa ng malaking budget para maiayos o mapalitan ang bus."

"At walang mahanap na budget? " tanong naman ni Austin.

"Wala, alam mo naman umaasa lang kami sa donasyon at hindi ito sapat, kaya nga puro volunteer lang kami, " sagot naman niya.

"Ipagpatuloy niyo na lang ang ginagawa niyo at huwag kayong masyadong lalapit dito, baka magalit si Ms. Lanie, " utos ni Kuya Nesty.

"Palagi nga siyang galit, parang kahit anong gawin namin ay kinagagalit niya, " sabi naman ni Austin. Siniko ko ito, ano ba naman iyang mga sinasabi niya, matabil ang talaga ang dila nito.

"Pag pasensyahan niyo si Lanie, malaki lang talaga ang problema niyan. Sabay namatayan ng asawa at anak, pagkamatay nila naging ganyan na siya galit sa mundo. Tinuon na lang niya ang kanyang pansin dito sa retreat house, " paliwanag ni Kuya Nesty.

Kawawa naman pala siya, mukang maraming kwento ang mga tao dito. May mga dahilan kung bakit nila napiling magvolunteer. Halatang natahimik din si Austin, naawa rin siya siguro sa babae. Kung ako iyon baka hindi ko kayanin ang sakit, ayaw kong isipin na baka mangyari iyon pero paano kung mangyari sa akin?

"Pasensya na hindi na ako dapat magkwento, sige alis na ako. Ipagpatuloy niyo na lang ang ginagawa niyo, " mabilis na nawala si Kuya Nesty, ni hindi kami nakapagpaalam. Naiintindihan ko siya, kapag nalaman ni Ms. Lanie na ikinuwento ni Kuya Nesty ang kwento ng buhay niya siguradong magagalit iyon. Kahit naman sino.

--------

"Wow ha, mukang tayo na lang ang may balak na kumilos sa lugar na ito, " inis na sabi ni Austin.

Tama siya. Wala iyong iba naming kasama, ewan ko ba kung saan sila nagpunta. Hindi naman kalakihan itong lugar na ito. Medyo umaasa na lang ako na may ginagawa sila sa kung saan. Baka nasa loob at naglilinis, o baka naman nasa chapel, hindi pa kasi tapos iyon.

Sana na man masipag iyong mga dadating, iyon na lang ang iniisip ko para medyo matuwa naman ako.

"Umasa na lang tayo na sana masisipag ang mga dadating, atleast hindi na lang tayong dalawa ang kikilos, " sabi ko naman dito.

"Alam mo ayos lang talaga sa akin na tayong dalawa lang dito, " nakangising sabi niya, binato ko naman siya ng mga dahon. Hindi talaga ako natutuwa sa mga biro niya.

"Seryoso ako, kung ako lang mag-isa dito hindi ko gagawin ang lahat ng ito baka nga nasa kwarto lang ako eh. Kasama kita dito kaya ko ginagawa ang lahat ng ito, " sabi naman niya, hindi ako makatingin sa mga mata niya. Umiwas na lang ako at pinagpatuloy ang aking ginagawa.

Naghintay ako sa susunod niyang sasabihin pero hindi na ito nagsalita pa, gaya ko ay pinagpatuloy na lang din niya anv kanyang ginagawa.

Ilang sandali pa ay nakarinig kami ng ingay na mula sa isang bus. Mukang andyan na sila, tinigil namin ang ginagawa at sinalubong ang mga ito. Muli kong napansin na wala ang iba naming kasama, nasaan na kaya ang mga iyon?

Halata sa mga muka nito ang inis, dapat na siguro akong masanay sa ganyang reaksyon. Hanggang nandito ako sa lugar na ito, makikita ko ang mga mukhang iyan araw-araw.

"Andito na kayo, sumama muna kayo sa akin, " seryosong sabi ni Ms. Lanie. Malas naman nila na si Ms. Lanie ang sumalubong sa kanila.

Mabait at nakangiti ang sumalubong sa amin, kaya lang dahil doon mukang nakampante ako. Dahil pagkatapos noon puro palaging galit ang naririnig ko.

"Kayong dalawa bumalik na kayo sa ginagawa ninyo, " utos sa amin.

"Pinagagalitan din kaya iyong iba nating kasama? Kasi hindi ko sila makita, nasa chapel ba sila? " pabulong kong tanong kay Austin.

"Sana nga nasa chapel sila at may ginagawa, kanina pa tayo dito. Tayo na nga ang may ginagawa tayo pa ang napapagalitan, nakakainis, " sagot naman sa akin ni Austin.

Sumang-ayon ako kay Austin, mukang kami lang talaga ang nagsisipag ngayong araw pero baka dahil na rin iyon kay Lance. Baka gusto nilang hanapin, nag-aalala sila o kaya naman nagp-plano na kung paano makaalis dito.

Nagkaginginan kami nang makarinig kami ng isang sigaw ng babae, malapit sa chapel ang boses. Muli itong sumigaw at sa pagkakataong ito isang pamilyar na pangalan ang isinigaw niya.

"Lance! " napatakbo kami papunta sa babaeng sumisigaw.

Nagsimulang manginig ang buong katawan ko sa nakita.

Isang bangkay.

END OF CHAPTER 6

Violeta Retreat House ( Sitio Luntian #1 ) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon