Aly
"Sigurado ka bang ayos ka lang? " tanong ni Ms. Fel sa akin, nasa isang kulay pulang van kami ngayon. Hindi ko pa masyadong magalang ang katawan ko, ikaw ba naman magpagulong-gulong. Pero hindi ko na ito ininda pa, gusto ko talagang sumama sa kanila, gusto kong malaman kung ligtas ba sila o hindi.
Pinagmasdan ko silang tatlo, tahimik lang ang mga ito, siguro sila na ang pag-asa ko...namin.
"Nasaan na tayo? " tanong ko, para kasing ang tagal na namin dito sa kalsada hindi pa rin kami nakakarating. Hindi ko rin naman alam kung saan kami nagmula, hindi ko na naitanong at hindi rin nila nabanggit. Ang pinakamahalaga lang naman kasi sa akin ay ang maligtas sila Austin.
"Malapit na tayo, iba lang ang dinaanan natin. Mas malayo pero masasabi kong mas ligtas, " sagot naman ni Detective Ruiz.
"Malayo? Ligtas? " naguguluhan ako sa mga sinasabi niya, para bang may mga bagay siyang ayaw sabihin sa akin.
"Maraming mga daan sa lugar na ito, magkakakonekta lang naman ang mga bayan o sitio dito. Sa pinakamalayong sitio tayo nagmula, mas ligtas doon dahil maraming tao, " paliwanag naman niya.
Tumango na lang ako sa paliwanag niya kahit hindi ko naman talaga masyadong maintindihan, hindi na ako nagtanong pa, mukang wala naman siyang balak magkwento pa.
"Dito ka lang, " sabi niya nang tumigil ang van. Nagtaka ako dahil malayo pa kami sa sitio, nasa gitna lang kami ng highway."Bakit. Saan kayo pupunta? " tanong ko.
"Saan pa edi sa retreat house, " sagot naman ni P.I. San Antonio, itinuro niya ang parang isang burol.
"Aakyat kayo? " kunot-noong tanong ko sa kanila.
"Mas madali dito, hindi naman sila pumupunta sa parteng ito. Sa totoo wala pa naman kaming nababalitan na may pumunta sa parteng ito. Aakyat kami at ikaw maiiwan ka dito, kami na ang bahala sa mga kasama mo, " seryosong sabi ni Detective Ruiz.
"Paano mo malalaman kung nasaan sila? At isa pa masyado silang madami, " sabi ko naman.
Tatlo lang sila, at hindi ko alam kung ilan pa ang makakaharap nila, baka hindi nila kayanin sila.
"Huwag kang mag-alala, alam na namin ang aming ginagawa. Kaya namin sila, " nakangising sabi ni P.I. San Antonio.
"Hindi niyo alam kung nasaan ang mga kasama ko, " sabi ko pa. Sa totoo lang gusto ko talang sumama sa kanila.
"Alam ko. Sigurado nasa basement sila o hindi naman kaya nasa lumang chapel, pero konektado naman sa isa't - isa ang dalawang iyon. Kung ako ang tatanungin tngin ko nasa basement sila dahil naroon ang mga rehas, " sagot ni Detective Ruiz. Nagulat naman ako sa sinabi niya, paano niya nalaman ang lahat ng iyon? Nakapasok na ba siya sa loob?
"Basta alam ko lang, wala akong balak sabihin sa iyo kung bakit alam ko ang mga iyon, " dagdag niya na para bang nababasa ang aking iniisip.
Nang aakyat na sila ay mabilis ko silang pinigilan.
BINABASA MO ANG
Violeta Retreat House ( Sitio Luntian #1 ) | ✔
Mystery / ThrillerSitio Luntian #1 Isang retreat house sa Sitio Luntian ang nababalot ng misteryo at gagawin ni Alyssa ang lahat upang malaman niya ang katotohanan sa misteryong iyon. Kasama ang heartthrob ng kanilang eskwelahan, magawa kaya nilang mahanap ang lahat...