Prologue

130 36 42
                                    

Aly

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Aly

Isang malakas na sigaw ang gumimbal sa akin, nanggaling ito sa malayo. Sa lugar kung saan ako galing. Pero hindi ako pwedeng bumalik, alam ko ang pwedeng mangyari sa akin kung babalik ako sa lugar na iyon.

Mabili ang pagtakbo ko, hindi ako tumitingin sa aking likuran dahil natatakot ako sa maaaring mangyari. Madilim ang buong paligid, wala akong halos makita. Ang alam ko lang nasa gubat ako, at sana marating ko na ang dulo nito.

Mag-isa na lang ako, hindi ko alam kung may iba pa bang nakaligtas. Kailagan kong makahingi ng tulong, sana makaabot pa ako.

Mahapdi at halos mamanhid ang buo kong katawan dahil sa aking mga sugat. Hindi ko halos maalala kung ano ang nangyari sa amin nitong mga nakalipas na araw.

Nabuhayan ako ng loob dahil sa nakita kong liwanag, kaya mas binilisan ko pa ang takbo kahit sobrang nahihirapan na ako.

Sisigaw na sana ako pero bila aking napadausdos at nagpagulong-gulong

Bangin pala ito. Pero hindi bale, dahil ang dulo ng bangin ay isang kalsada. Pinilit kong tumayo ngunit tila nabalian ako ng buto. Kaya mas minabuti ko na lang na gumapang.

"Tulong..." mahina kong sabi. Alam kong walang nakakarinig sa akin dahil sa sobrang hina ng aking boses.

Kailangan ko paring subukan.

"Tulong..." pinilit kong lakasan ang bosea ko para may makarinig.
Ilang sandali pa may mga yabag akong narinig, napakatahimik ng paligid kaya dinig na dinig ko ang papalapit na mga yabag sa akin.

Kitang-kita ko ang mga paa nito na tumigil malapit sa akin. Pilit kong inaninag ang mukha nito, hindi ito nagsasalita at tila nakatitig lang ito sa akin.

Bigla akong kinabahan, pinilit kong tumayo pero hindi ko magawa.

"Kung ako sa iyo, hindi na ako kikilos pa. " bigla akong kinilabutan sa narinig. Hindi na ako nakalagsalita pa at ipinikit na lang ang aking mga mata.

END OF PROLOGUE

Violeta Retreat House ( Sitio Luntian #1 ) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon