Aly
For the nth time nasa kwarto na naman kami, halos sabay kaming naupo ni Austin sa may kama. Walang gustong magsalita, siguro hindi lang kami makapaniwala sa mga nangyari kahit hindi ito ang unang beses na nakarinig kami ng sigaw. Baka mga boses na namin ang maririnig sa susunod.
"Sino kaya iyong sumigaw? " tanong niya.
"Hindi si Beverly o Ara ang sumigaw dahil nakita ko sila, ibig sabihin may iba pa tayong mga kasama. Hindi kaya isa sa mga bagong dating iyon? Hindi natin sila nakikita man lang, " sagot ko.
"Hindi na siguro mahalaga iyon, ang mahalaga ay dapat makaalis tayo dito, " seryosong sabi niya.
"Pero paano? " tanong ko. Ano iyon, lalabas na lang kami bigla? Ganoon lang ba iyon kadali? Edi sana kanina pa namin ginawa kung madali lang pala.
"Basta, siguro naman makakaalia tayo dito ng hindi nila nakikita, " sabi niya.
Napabuntong - hininga ako, kung may makakaalis man sa amin kahit isa, para makahingi ng tulong. Pero sa totoo lang hindi ko rin alam kung saan o kanino hihingi ng tulong. May pagkakatiwalaan ba sa labas ng retreat house? Paano kung wala, hindi rin maganda ang pakiramdam ko sa buong Sitio at isa pa parang wala naman mga tao.
"Tatakas tayo pero paano? Saan tayo pupunta? " tanong ko.
"Oo. Kailangan natin ng tulong nila Coby, dapat tayong makatakas lahat, " sagot naman niya.
"Paano iyong mga bagong dating, sigurado ako na kailangan din niya ng tulong, "sabi ko naman.
"Hindi nga natin alam kung mapagkakatiwalaan natin sila, hindi nga natin sila nakikita, " seryosong sabi niya.
Tama siya. Hindi kami sigurado pero hindi namin sila pwedeng iwanan, paano kung biktima lang din sila? Paano kung hindi din nila alam ang mga nangyayari sa lugar na ito?
Kapag nagkataon, konsenya ko iyon."Iiwan natin sila? " tanong ko.
"Kailangan natin iligtas ang sarili natin, " walang emosyong sabi niya.
"Anong balak mo ngayon? Lalabas na ba tayo sa kwartong ito? " tanong ko sa kanya. Alam kong ang tanging gusto niya ay sundin ang mga nakakatanda, para hindi kami masaktan pero mukang nagbabago na ang kanyang isip. Hindi ko naman alam kung ano ba ang dapat kong gawin, noong huli kong pinili lumabas ng kwarto at sumama kila Coby ay natagpuan namin ang bangkay ni Ms. Cora at bigla akong binalot ng takot na baka alam nila na lumabag kami sa utos nila.
Nope. Ayokong masalita. Natatakot na akong magdesisyon.
"We need to talk to the others first, " sabi naman niya, tumango na lang ako.
Mukang iisa lang ang takbo ng aming mga iniisip dahil ilang sandali pa ay nakarinig kami ng katok, dali-daling binuksan ni Austin ang pinto at sila Coby ang aming nakita. Hindi ito nagsalita at mabilis silang pumasok sa kwarto.
"Kailangan nating makaalis dito, " sabi naman ni Ara. Halata sa mata nito ang takot at kaba.
"Alam ko pero hindi gaanong kadali iyon, tingin ko hindi sila papayag na makaalis tayo sa lugar na ito hangga't hindi nila sinasabi, " napakamot sa ulo si Austin habang sinasabi niya iyon.
"Simple lang ang dapat gawin, " nakangising sabi ni Asa.
"At ano naman iyon? " napataas ang kilay ni Austin dahil sa sinabi niya.
"Una kailangan nating malaman kung ano ba ang nangyayari sa lugar na ito, " seryosong sabi ni Asa.
"At paano iyon? " tanong ko naman sa kanya.
"Plano naming itanong sa isa sa kanila, " sagot naman ni Beverly.
"Tingin mo sasagot sila, at isa pa mukang wala sila sa sarili nila. Madami sila, baka hindi natin kaya, " sabi ko naman. Parang ang dali lang ng sinasabi nila, sana nagawa na namin noong una palang.
"Kaya nga sabi ko isa sa kanila. Isa lang, kayang kaya natin siya kung may gawin man siyang hindi maganda. Okay lang naman siguro kung gumamit tayo ng kaunting dahas tutal nasa panganib naman tayo, " nakangising sabi ni Coby.
Napabuntong hininga ako. Ano pa nga ba ang magagawa, magkikita at magkikita pa rin naman kami kahit anong gawin namin. Harapin na lang namin sila, wala kaming magagawa.
-----------
Hindi ko alam kung bakit wala ang mga nakakatanda, mukang wala naman silang balak na bantayan kami. Mukang umaayon sa amin ngayon ang swerte. Nandito lang ang kami palakad-lakad sa may pasilyo. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat naming makita. Siguro mga sagot sa katanungan namin? Sikretong lagusan para makaalis sa lugar na ito kung meron man.
"Ano kakatok lang tayo sa may pinto at kung sino ang unang magbukas siya ang tatanungan natin? " tanong ni Ara.
" Tama, " tipid na sagot ni Asa.
Sa totoo lang, hindi ako naniniwala na "tatanungin " lang namin siya. Pakiramdam ko hindi madaling basta't magtanong na lang at gaya nga ng sabi ni Coby, baka daanin niya sa dahas ang lahat at malakas ang kutob kong iyon ang mangyayari.
At heto ako, umaasang sana ang pinakamahinang miyembro nila ang una naming makita. Para at least hindi kami ganoong mahirapan. Mas mabuti din kung si Ms. Ana, mukang siya iyong tipo ng tao na hindi kayang lumaban.
Kumatok kami sa unang pinto pero walang nagbukas. Umulit pa kami, naghintay ng ilang minuto pero walang nagbukas. Ayaw namin na sayangin ang oras a paghihintay kaya naman umalis na kami at pumunta sa susunod na pinto.
Ganoon pa rin ang nangyari sa sumunod na pinto, nasaan na ba ang lahat? Hindi naman ganoong kalakihan ang lugar na ito ah? Bakit wala kaming makita na kahit na sino?
"Wala yatang tao, " bulong ni Asa. Halata ang inis sa boses niya.
Ano ang mangyayari pagkatapis nito at walang tao sa buong lugar maliban sa amin? Tingin ko sa labas na ng retreat house ang takbo namin. Siyempre wala na kaming balak bumalik sa mga kwarto namin, sobrang katangahan na sa part namin iyon.
"Tumakas na kaya tayo? " si Austin ang nagsalita.
"Alam niyo, maganda ang suggestion niya, " pangiti-ngiting sabi ni Beverly. Agree ako sa kanya pero hindi ko maiwasang mainis dahil may oras pa siyang lumandi.
Magsasalita pa sana si Asa nang bumukas ang pangatlong pinto, si Kuya Tasyo ang nasa loob na tila gulat na gulat dahil nasa labas kami. Bago pa siya makakilos ay agad siyang tinulak nila Coby at Asa papunta sa loob habang kami naman ay mabilis na sinira ang pinto.
"Anong ginagawa niyo? " tanong ni Kuya Tasyo.
"Tingin ko kami ang dapat magtanong niyan, " sabi naman ni Asa. Pinaupo nila si Kuya Tasyo sa isang upuan.
Hawak - hawak nila si kuya Tasyo. Habang kami naman na nasa may pintuan ay sinisiguradong walang makakapasok sa loob.
Bahala na. Wala ng atrasan ito.
END OF CHAPTER 15
BINABASA MO ANG
Violeta Retreat House ( Sitio Luntian #1 ) | ✔
Mystery / ThrillerSitio Luntian #1 Isang retreat house sa Sitio Luntian ang nababalot ng misteryo at gagawin ni Alyssa ang lahat upang malaman niya ang katotohanan sa misteryong iyon. Kasama ang heartthrob ng kanilang eskwelahan, magawa kaya nilang mahanap ang lahat...