Aly
Maganda ngayon ang araw, pero hindi ko alam kung maganda rin ang kakahitnan ko o ng mga kasama kong naiwan sa retreat house. Ilang araw na ba ako dito? O wala pang isang araw ako nandito?
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ba akong nasa kwarto at naghihintay sa detective ba iyon pero hindi pa rin siya dumadating. Umalis na kaya siya?
Paano nga kung umalis na siya at ano na ang mangyayari kung umalis na siya? Alam kong hindi ko siya kayang pagkatiwalaan pa ng lubos, pero siya rin siguro ang nagdala sa akin dito, at mukang siya lang ang makapagpapaliwanag ng lahat. At pati na ang rason kung bakit siya naroon sa lugar na iyon.
I mean thankful ako. Sobra-sobrang pasasalamat ko, pero bakit hindi ako kuntento sa sinabi niya. Dapat ko pang malaman ang lahat tungkol sa kanya o ang katatahonan tungkol sa Sitio Luntian, lalong-lalo na sa retreat house.
Kahit konti naman ay umaasa akong siya na nga ang makakatulong sa amin, na magiging maayos na rin ang lahat at hindi ko na kailangang magpaliwanag pa sa mga kinauukulan dahil may isang detective na palang may hawak sa kasong ito. Isa sa pinaka-kinatatakutan ko pa naman ay ang hindi ako paniwalaan ng mga awtoridad, mahirap naman talagang paniwalaan ang mga nangyayari, besides sinong mga pulis ang tatawagan ko? Mga pulis sa Sitio Luntian? Meron ba? O kung meron man, mapagkakatiwalaan ba sila, parang lahat yata ng mga naririhan sa lugar na iyon ay mga wirdo, yung masamang pagkawirdo.
Ilang sandali pa ay may isang babaeng pumasok sa kwarto, alam kong hindi siya nurse dahil hindi siya nakasuot ng uniporme. Bigla naman akong kinabahan, hindi kaya pinadala siya dito ng mga baliw na iyon?.
"Huwag kang matakot, kakampi mo ako, " nakangiting sabi niya. Muka naman siyang mabait, pero ayaw kong ialis ang kaba at takot. Parang bago ako mapadpad dito ay muntik na akong mapatay ni Ms. Ana, at muka rin siyang mabait. Actually, lahat sila mukang mabait, well, maliban siguro kay Ms. Lanie na parang palagi kaming gustong hambalusin.
"Paano ko naman malalaman na mapagkakatiwalaan kita? " tanong ko sa kanya.
Natawa naman siya. " Hindi ko rin alam pero isa lang ang alam ko, habang patuloy mo kaming pinagduduhan, mababawasan din ng tyansa na makita mo pa ang mga kasama mo na buhay at habang andito ka nakaupo sa higaan at magmumuni, nag-iisip kung kakampi ka ba sa amin, naroon ang mga kasama mo sa retreat house nagdudusa. "
Natahimik naman ako. Tama siya, baka nga hindi ko na sila maabutan ng buhay. Nangako ako sa kanya na babalikan ko siya at dapat tuparin ko iyon.
"Huwag mo namang awayin iyon bata, " sabi ng kakapasok pa lang na lalaki, sumunod naman sa kanya ang detective.
"Magpapakilala muna kami. Ako si Private Investigator George San Antonio, " pagpapakilala niya, matangkad ito mas matangkad sa detective. Pero mukang halos makaedaran sila. Muka ring mas palabiro itong isa.
"Ako naman si Felucia Gramahe, pwede mo akong tawawing Fel or Fely, " pagpapakilala naman ng babae, muka namang mas bata siya sa dalawa.
"Felicia dapat pangalan niyan, nagkamali lang ng spelling mga magulang niya kaya naging Felucia, " natatawang sabi ni P.I George. Sinamaan naman siya ng tingin ni...uhg..Ms. Fel.
"At nagpakilala na siya sa iyo si Detective Jo Ruiz, " dagdag naman ni Ms. Fel, tumango naman ako sa kanya. Seryoso pa rin ang tingin ni Detective Ruiz, parang malalim ang iniisip nito.
"Siguro dapat na tayong magsimula, " biglang sabi ng detective.
"Simula saan? " tanong ko.
"Gusto mong malaman ang tungkol sa Violeta Retreat House hindi ba, makinig ka lang, " nakangiting sabi ni Ms. Fely.
-------
"Matagal na ang retreat house na ito, bago itong maging treat house naging tahanan muna ito ng isang mayamang pamilya, tapos naging military barracks, naging abandonado, muling naging bahay at naging abandonado. Pero siguro dapat mag-umpisa tayo sa mismong retreat house. "
Pagsisimula ni Detective Ruiz, nakaupo lang kaming lahat at nakikinig sa kanya pero halata namang alam na nila Ms. Fely ang kwento.
"Unang-una pagmamay-ari ng pamilya ni Ms. Violeta ang retreat house na iyon. Naging bahay muna nila ang lugar na iyon, nang maglabing-isang taong gulang siya ay napagdesisyunan ng mga magulang niya ay gawin itong retreat house. Ipinangalan ito sa kanya. "
"Bakit na isipan nilang gawin itong retreat house? " tanong ko sa kanya.
"Sa pagkakaalam ko ay sadyang mapagkawanggawa sila. Noong mga panahon daw na iyon ay maraming mga batang naligaw ng landas at gusto nilang ituwid ang mga ito, "paliwanag naman niya.
"Pero paano nag-umpisa ang mga kahindik-hindik na ginagawa nila? " tanong ko pa.
"Sa kagustuhan nilang ituwid ang mga bata ay gumagamit sila ng batas na bakal, ng dahas. Karamihan sa kanila ay hindi na kinakaya ang lahat at tuluyang binabawian ng buhay, ang iba naman ay nakakaligtas ngunit tuluyan ng nagbabago ang ugali at minsan oa ay hindi na nila makausap, " sagot niya.
"Pero wala bang nagtataka kung bakit hindi na nakakabalik ang iba? Walang nagtatanong? Papaano na ang mga kamag-anak nila? O iyong mga kaibigan? " sunod -sunod kong tanong.
"Gaya nga ng sabi ko mga bata sila na naligaw ng landas at isa pa noon naman ay walang mga social media. Iba na nga ngayon, kaya siguro madalang na sila kumuha ng mga biktima. "
"Kung ganoon ipinagpapatuloy lang ni Ms. Violeta ang lahat, pero paano naman ang mga kasamahan niya? " tanong ko.
"May mga malungkot at masalimuot na nakaraan ang lahat sa kanila at sa kanilang vulrenable state ay si Ms. Violeta ang tumulong sa kanila. Ang loyalty nila ay palaging nasa kanya, " si Ms. Fely ang suamgot. Bigla tuloy ako nalungkot, na-guilty ako sa pananakit ko sa kanila lalo na kay Ms. Ana.
"Huwag kang masyadong malungkot. Alalahanin mo ang mga masasamang ginawa nila, marami na silang nabiktima. Maaaring minsan na silang naging biktima pero hindi na ngayon, " seryosong sabi ni P.I. San Antonio. Pilit akong ngumiti, madaling sabihin pero mahirap gawin. Nakakaramdam pa rin ako ng guilt.
"May isa sa kanila na sinabihan kami na hindi naman kami dapat masasaktan, ano ang ibig sabihin niya? " tanong ko sa kanila.
"Ang mga volunteer sa retreat house ay hindi sinasaktan, ang mga dinadala lang doon para mag-contemplate sa mga ginawa nila ang sinasaktan nila. Siguro mga volunteer kayo, " sagot naman ni Ms. Fely, tumango naman ako bilang tugon.
"Dahil nakialam kayo kaya naman wala silang magagawa kung hindi patahimikin kayo. Kung siguro ay nanahimik kayo ay hindi mangyayari ang lahat ng ito, " sabi naman ni Detective Ruiz.
Hindi naman ako nakapagsalita, sana nga ay hindi na lang kami nakialam.
"Iyan na lang muna siguro ang sasabihin ko, "napabuntong-hininga siya at akmang tatayo.
"Sandali! " pagpigil ko sa kanya.
"Bakit? "
"Bakit nakakaya nilang gawin ang mga ito? " tanong ko.
"Hindi ko rin alam, pero ang masasabi ko lang ay naninirahan silang lahat sa Sitio Luntian. Sinasabing may kadilimang bumabalot sa lugar na iyon, kaya kayo hindi na kayo dapat mag-stay sa lugar na iyon. "
"Magpahinga ka na muna at aalis na tayo, " nakagiting sabi ni Ms. Fely.
"Aalis? " nagtaka naman ako sa sinabi niya.
"Aalis. Ililigtas natin ang mga kasama mo, hindi masamang subukan at umasang buhay pa sila hindi ba, " nakangising sabi ni P.I. San Antonio.
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil mabilis silang lumabas ng kwarto.
END OF CHAPTER 22
BINABASA MO ANG
Violeta Retreat House ( Sitio Luntian #1 ) | ✔
Mystery / ThrillerSitio Luntian #1 Isang retreat house sa Sitio Luntian ang nababalot ng misteryo at gagawin ni Alyssa ang lahat upang malaman niya ang katotohanan sa misteryong iyon. Kasama ang heartthrob ng kanilang eskwelahan, magawa kaya nilang mahanap ang lahat...