Epilogue

63 10 0
                                    

Aly

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Aly

"Kumusta na kayo? " nakangiting tanong ni Detective Ruiz, halos isang linggo na kami dito sa Delikadesa Victims Rehabilitation Center. Kagaya nga ng pangalan para ito sa mga biktimang kagaya namin.

Simula ng makalabas kami sa hospital, para rin bang nagbago ang ugali ni Detective Ruiz para na siyang kagaya ni P.I. San Antonio, palabiro at palaging nakangiti.

"Ayos naman, pero tingin ko walang gustong maging kagaya niyo, " sabi ko naman.

Tumawa naman ito. " Alam ko, kaya nga hindi namin kayo pinipilit. "

Gusto niya kaming sumali sa kanilang team.  Sa department nila, kakaiba ang team nila dahil pwede silang magrecruit, at may isang P.I. na madalas na kaaway ng mga pulis at pwede silang..ugh pumatay ng mga criminal ng walang tanong-tanong.

At ang mas nakakagulat ay si Kuya Gerardo ang lider nila, matagal na siyang nagta-trabaho sa retreat house pero dahil siya ang bus driver nakakalabas siya Sitio Luntian, doon siya nakakapagbigay ng impormasyon.

Pinagiisipan pa ng iba kung sasali sila, maliban kay Timothy mukang ang isa sa dahilan niya ay ang makasama si Cheska.

"Ano sasali ba kayo? " tanong ni Cheska, turns out she is one of their recruits, she is few years older than us. Pero parang mas bata pa siya sa amin, kaya siguro nagvolunteer siyang pumunta sa Retreat House, unfortunately hindi niya inaasahan ang nangyari, kaya sinuntok niya si Detective Ruiz nang makarating kami ng ospital. Nagulat ang lahat sa ginawa niya pero tumawa lang sila P.I. San Antonio.

"Hindi naman masama, why not try? Gusto ko ding tulungan ang mga kagaya natin, hindi naman yata tama na wala akong gawin kahit alam ko na may nangyayaring hindi maganda sa paligid natin, " sabi ko naman, tumango naman si Austin at hinalikan ako sa pisngi.

"Well, tama ka. Bakit hindi, " sabi naman niya.

"Then, welcome to the team, " sabi niya at saka nilahad ang kanyang kamay, ngumiti ako at nakipagkamay.

Desidido na kami...ako. Gusto kong maging miyembro ng Violent Crimes team Zero. It's going to be a one hell of a journey.

END OF STORY

Violeta Retreat House ( Sitio Luntian #1 ) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon