Aly
"Huwag kang mag-alala, kakampi mo ako, " bulong niya, wala akong ginawa kung hindi pagmasdan siya. Nagsimula siyang maglakad papunta sa kanila, hindi nila napansin ang paglapit niya, masyado silang abala sa pakikipaglaban. Nilabas niya ang isang baril at tatlong beses pinaputukan si Ms. Violeta, isa sa ulo, dalawa sa katawan. Agad itong bumagsak katabi ni Ms. Fel na nakahiga at tila gulat na gulat, tinulungan niyang tumayo si Ms. Fel.
Tumigil ang lahat sa pakikipaglaban at pinagmasdan siya ng lahat, parang nagslow-mo ang paligid. Kung nasa movie ito, tiyak ito na iyong part na sisigawan ko ang mga characters at sasabihin ko kung gaano sila katanga.
Pero wala ako sa movie, kaya lumabas din ako sa pinagtataguan ko. Ganoon din ang ginawa ng iba pang nagtago, lumapit kami sa kanila ng kaunti.
"Ikaw? Sabi ko na bang traydor ka, " tila inis na sabi ni Ms. Lanie. Nagulat pa ako, sa likod niya ay may dalawang lalaki at isang babae na hindi ko kilala. Hindi ko napansin na may nadagdag pala sa kanila, kanina pa ba sila dito?
"Aly, " lumapit sa akin si Austin at hinawakan ang aking kamay, mas dumami ang sugat niya. Pilit lang akong ngumiti, at pinakinggan ang pag-uusap nila, ngunit bago muling may nagsalita ay pinaputukan ni Detective Ruiz ang isa pa sa lalaking hindi ko kilala, sumunod naman doon ang isa lang lalaki.
"Sinabi ko kasing walang kikilos, " walang emosyong sabi ni Detective Ruiz.
Dahil siguro sa takot, dahan-dahang lumapit sa amin sila Coby. Gusto kong magsalita pero nakaramdam ako ng takot, ngayon alam ko na kung bakit malakas ang loob nilang sumugod kahit alam nilang sugatan kaming lahat at kung tutuusin mas konti sila, dahil kaya nilang pumatay ng hindi man lang nagdadalawang isip. Basta kalabit ng gatilyo, hindi na kailangan maghintay pa. Pakiramdam ko pa nga ay pinipigilan lang nila ang kanilang mga sarili, kung wala siguro kami dito ay baka mas grabe pa ang nangyari sa kanila.
"Jo, bakit mo sinama ang mga bata? " tanong niya kay Detective Ruiz.
"Para back-up? Para mas mabantayan namin? " si P.I. San Antonio ang sumagot.
"Sir Gerardo, hindi namin sila pwedeng iwan. Alam mo ang maaaring mangyari, handa na ba ang lahat? " si Ms. Fel naman ang nagsalita.
Tumango lang si Kuya Gerardo, ilang minuto pa ang lumipas at wala pa ring nagsasalita sa kanila. Hindi ko alam kung bakit, pero mas lalo akong kinabahan. Ilan na lang sila at sigurado ako na kami ang mananalo, pero bakit ako kinakabahan?
Siguro dahil hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Bakit kakampi nila si Kuya Gerardo, hindi ba nagtatrabaho siya kay Ms. Violeta?
"Ano ba tatapusin ba natin ito? " tanong naman ni Detective Ruiz.
Ngumiti naman si Kuya Gerardo at tumango, dahil doon nagsimula na naman ang mga putok ng mga baril. Hindi sila nagtago o tumakbo man lang, nakatayo lang sila. Pilit kong iniisip kung bakit, halos sabay-sabay silang bumagsak.
Bakit hindi sila lumaban?
"Patay na ang lider nila, wala na silang balak lumaban pa, " sabi naman ni Ms. Fel, nakatingin ito sa akin na tila ba nabasa ang iniisip ko.
"So ano na ang gagawin natin? " tanong ng babaeng kasama namin, hindi ko alam kung ano ang pangalan.
"Cheska ano bang klaseng tanong iyan, edi ililibing natin, " nakangising sabi ni P.I. San Antonio.
Kumunot naman ang noo ko at napatingin sa babae, paano niya nalaman ang pangalan niya.
"Mamaya na siguro tayo magpaliwanagan, simulan na natin ang paglibing sa kanila, " sabi naman niya, mukang napansin niya ang mga tingin sa kanya.
-----------
Halos mapaupo ako dahil sa sobrang pagod, pinagmasdan ko ang mga kasama ko. Lahat kami ay naghihikahos, paglabas namin ng chapel ay pinapapunta kami kaagad sa may likod ng chapel at pinaghukay.
Para saan ang mga hukay? Iyan ang unang tanong ni Asa, ang sagot nila ay tawa at ngisi. Napabuntong hininga naman ako, mukang may balak silang ilibing ang mga bangkay.
" Basta kailangan nating gawin ito, " sabi naman ni Kuya Gerardo habang tumutulong sa paghukay.
Nang matapos kaming maghukay ay isa-isa ng nilabas ang mga bangkay, gusto ko mang umiwas ng tingin ay hindi ko magawa. Pinagmasdan ko lang ang mga bangkay, habang tinatabunan nila ang mga ito.
"Nasaan na ang sasakyan namin? " tanong naman ni Ms.Fel kay Kuya Gerardo.
"Nandyan na sa labas, andito na rin ang bus, " sagot naman niya. Ngumiti naman si Ms. Fel sa amin.
"Makakauwi na kayo, pero bago iyon kailangan niyo muna pumuntang ospital."
"Thank you, " sabi ko naman sa kanila.
"At last we are leaving Sitio Luntian. Akala ko mamamatay na ako dito, " nakangiwing sabi ng babae na Cheska ang pangalan.
"Sorry about that Cheska, " sabi naman ni Detective Ruiz.
"You know each other? " tanong naman ng lalaki na hindi ko parin alam ang pangalan.
Ngumiti naman si Cheska. "I'm going to explain everything on the way to hospital, Timothy. "
Tumango naman si Timothy at pilit na ngumiti. Sumasakit ang ulo ko dahil sa mga nangyayari, kakailanganin ko talaga na marinig ang mga paliwanag nila.
Matapos mailibing ang lahat ay dumiretso na kami sa bus, ito ang bus na ang dala sa amin dito. For some reasons, hindi ako makapaniwalang ito rin ang madadala sa amin paalis dito.
Sila Detective Ruiz at P.I. San Antonio, ay sumakay sa pulang van na sinakyan namin kanina habang si Ms. Fel ay kasama namin sa bus."Ayos lang kayo? " tanong ni Ms. Fel.
"Basta makaalis dito, " tipid na sagot ni Ara.
"Sigurado ba kayo na hindi masisira ang bus na ito? " tanong naman ni Austin.
Natawa naman si Kuya Gerardo, siya ang nagd-drive ng bus. Hindi ito sumagot kaya napabuntong hininga naman siya, hinawakan ko ang kamay dahilan para mapangiti siya.
"Sana maging maayos na ang lahat, " sabi ko naman.
"Magiging maayos din ang lahat, huwag kayong mag-alala, " sabi naman ni Ms. Fel.
" I hope so, " bulong ko, hindi ko ito pinarinig sa kanila.
Sakay ng bus na minsang nagdala sa amin dito ay muli kong pinagmasdan ang Sitio Luntian. May pakiramdan ako na hindi ito ang huli naming pagkikita.
END OF CHAPTER 25
BINABASA MO ANG
Violeta Retreat House ( Sitio Luntian #1 ) | ✔
Mystery / ThrillerSitio Luntian #1 Isang retreat house sa Sitio Luntian ang nababalot ng misteryo at gagawin ni Alyssa ang lahat upang malaman niya ang katotohanan sa misteryong iyon. Kasama ang heartthrob ng kanilang eskwelahan, magawa kaya nilang mahanap ang lahat...