AlyHindi na ako maaabutan ni Ms. Ana, wala na akong pakialam kung ano na ang nangyari sa kanya. Bahala na kung ano ang mangyayari sa akin. Ang mahalaga makatakas muna ako.
Sumasakit ang buong katawan ko hindi ko alam kung dahil ba iyon sa mga sugat ko o dahil sa pagod, o baka imahinasyon ko lang ang lahat.
Hindi pa man ako nakakarating sa aking paroroonan ay isang malakas na sigaw ang gumimbal sa akin, nanggaling ito sa malayo. Sa lugar kung saan ako galing. Pero hindi ako pwedeng bumalik, alam ko ang pwedeng mangyari sa akin kung babalik ako sa lugar na iyon.
Mabilis ang pagtakbo ko, hindi ako tumitingin sa aking likuran dahil natatakot ako sa maaaring mangyari. Madilim ang buong paligid, wala akong halos makita. Ang alam ko lang nasa gubat ako, at sana marating ko na ang dulo nito.
Mag-isa na lang ako, hindi ko alam kung may iba pa bang nakaligtas. Kailagan kong makahingi ng tulong, sana makaabot pa ako.
Mahapdi at halos mamanhid ang buo kong katawan dahil sa aking mga sugat. Hindi ko halos maalala kung ano ang nangyari sa amin nitong mga nakalipas na araw. Parang nakalimutan ko na ang lahat, parang maayos naman ang paglagi namin dito, tapos nagbago ang lahat sa isang iglap. Hindi ko rin ang alam kung bakit, walang nakakaalam ng dahilan.
Nabuhayan ako ng loob dahil sa nakita kong liwanag, kaya mas binilisan ko pa ang takbo kahit sobrang nahihirapan na ako.
Sisigaw na sana ako pero bigla akong napadausdos at nagpagulong-gulong
Bangin pala ito. Pero hindi bale, dahil ang dulo ng bangin ay isang kalsada. Pinilit kong tumayo ngunit tila nabalian ako ng buto. Kaya mas minabuti ko na lang na gumapang.
"Tulong..." mahina kong sabi. Alam kong walang nakakarinig sa akin dahil sa sobrang hina ng aking boses.
Kailangan ko paring subukan.
"Tulong..." pinilit kong lakasan ang boses ko para may makarinig.
Ilang sandali pa may mga yabag akong narinig, napakatahimik ng paligid kaya dinig na dinig ko ang papalapit na mga yabag sa akin.
Kitang-kita ko ang mga paa nito na tumigil malapit sa akin. Pilit kong inaninag ang mukha nito, hindi ito nagsasalita at tila nakatitig lang ito sa akin.
Bigla akong kinabahan, pinilit kong tumayo pero hindi ko magawa.
"Kung ako sa iyo, hindi na ako kikilos pa. " bigla akong kinilabutan sa narinig. Hindi na ako nakalagsalita pa at ipinikit na lang ang aking mga mata.
"Huwag kang mag-alala hindi kita sasaktan, huwag ka ng gumalaw, alam kong masakit ang buong katawan mo kaya sundin mo na lang ako at huwag ka ng kumilos, " seryoso ang tono ng boses niya.
Naramdaman kong binuhat niya ako at pinasok sa isang saksakyan, hindi ko alam kung ligtas na ba ako o napunta na naman ako sa bagong panganib.
Austin
Napangisi ako dahil halos nanghihina na si kuya Nesty. Wala na kami sa likurang bahagi ng retreat house, nasa pinaka harap na kami kung nasaan ang front door. Hindi ko na halos maalala kung paano kami napadpad dito. Basta ang alam ko lang ay gusto ko siyang mailayo kay Aly.
"Mukang hindi mo na kaya tanda, " sabi ko sa kanya. Tumawa naman ito ng malakas, at umiling.
"Sigurado ka ba diyan? " tanong niya at muli akong sumugod.
Nakaiwas ako, hindi na niya ako kayang saktan pa. Bumagsak siya at tuluyan ng hindi makatayo.
"Austin! " tawag sa akin ni Coby, napatingin naman ako sa kanya. Marami siyang sugat pero mukang maayos pa naman siya.
"Nasaan ang mga kasama mo? " tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam pre, " sabi naman niya, bakas ang lungkot sa boses nito. Alam kong mahalaga sa kanya ang mga kaibigan niya kahit hindi man niya ito sabihin.
"Ikaw nasaan ang girlfriend mo? " parang may kakaiba akong naramdaman sa salitang girlfriend.
"Hindi ko pa siya girlfriend, " pagtatama ko sa kanya, napangisi naman siya dahil siguro sa sinabi ko.
"Hindi pa? " pag-uulit niya, napakamot naman ako sa ulo at napailing.
"Pero nasaan na nga siya, " biglang sumeryoso ang mukha nito.
Dahil doon ipinaliwanag ko ang lahat, na nahanap namin ang isang pinto palabas at kung paano ko siya pinaunang tumakas.
"Sigurado ka bang babalik iyon para tulungan tayo? Sigurado ka bang ayos lang siya? " tanong naman ni Coby.
"Sigurado, "tipid kong sagot.
Sana nga at nakaalis siya ng matiwasay, sa totoo lang may takot akong nararamdaman para sa kanya. Hindi ko alam kung ligtas ba siya o hindi.
"Ano na ang gagawin natin ngayon? " tanong ko sa kanya.
"Susubukan kong hanapin ang mga kasama ko, " seryosong sabi niya.
"Tutulong ako, " sabi ko.
"Kung sakaling hindi talaga natin sila makita, tumakas na tayo. Alam mo naman kung saan ang daan hindi ba, " seryosong sabi niya. Tumango ako bilang sagot. Tama nga siguro na hindi na kami magtagal sa lugar na ito.
"Sigurado ka? " tanong ko.
"Wala naman tayong magagawa, " tipid na sagot niya.
Muli kaming napatingin sa may front door at napailing, mahirap talaga ang temptasyon, mahirap itong labanan. Hindi pa kami pwedeng umalis sa lugar na ito. Susubukan pa naming hanapin ang iba.
Umakyat kami sa may second floor, nadaanan pa namin ang mga kwarto namin pero walang tao. Nasaan na kaya sila?
"Walang tao, nasaan na kaya sila? " halata sa boses ni Coby ang kaba, walang may gusto ng mga nangyayari pero alam ko kung ano ang nasa isip niya. Ayaw man naming isipin iyon pero hindi namin kayang iwasan.
"Hindi kaya nasa kabilang mga kwarto sila? Sa pinuntahan natin, baka andoon sila o baka naman nakatakas na sila, " sabi ko naman.
Hindi rin masamang mag-isip ng maganda, baka nga nakatakas na sila. Hindi ako sigurado pero may tyansang ganoon nga ang nangyari.
"Sana nga, susubukan ko munang puntahan ang kabilang mga kwarto, " malungkot na sabi niya, tumango naman ako.
Ayaw na niya sanang magpasama pero pinilit ko siya, hindi man kami magkaibigan ay gusto ko pa rin siyang tulungan. Gusto ko ring maligtas kaming lahat.
"Salamat, " pilit itong ngumiti.
"Walang anuman, "sagot ko naman.
Patuloy kaming naglakad, habang umaasa at nagdadasal na ligtas ang iba pa naming kasama. Sana nga ligtas silang lahat.
END OF CHAPTER 20
BINABASA MO ANG
Violeta Retreat House ( Sitio Luntian #1 ) | ✔
Mystery / ThrillerSitio Luntian #1 Isang retreat house sa Sitio Luntian ang nababalot ng misteryo at gagawin ni Alyssa ang lahat upang malaman niya ang katotohanan sa misteryong iyon. Kasama ang heartthrob ng kanilang eskwelahan, magawa kaya nilang mahanap ang lahat...