Aly
"Hindi niyo alam ang ginagawa niyo, ikakapahamak niyo lang ito, " nakangising sabi ni kuya Tasyo.
"Sa tingin ko kasalanan niyo kung bakit wala kaming alam, dahil wala kayong balak sabihin ang lahat ng nangyayari sa lugar na ito at may balak pa kayong ikulong kami, " galit na sabi ni Asa.
Tama siya. At isa pa malas ang kutob ko na sa panganib din ang kahahantungan ng lahat kahit ano pa ang gawin namin.
Naisip ko rin na tama lang pala na si kuya Tasyo ang nahuli namin dito, dapat mabawasan ang mga lalaking nagbabantay sa lugar na ito dahil mas malalakas sila sa amin. Kung babae naman ang makikita ganoon pa rin ang dapat gawin na dapat mas mabilis lang namin silang mapagtutulungan, parang mali man kung pakikinggan, wala kaming magagawa at alam kong iyon na din ang iniisip ng lahat.
"Wala kaming balak saktan kayo, lalo na at nagpunta kayo sa lugar na ito para tulungan kami. Uuwi rin kayo sa mga pamilya at kaibigan ninyo, kaya kung gusto niyong mangyari iyon ay pakawalan niyo na ako, " sabi pa nito.
"Hindi, " tipid na sabi ni Coby.
"Tingin ko kuya Tasyo may dapat kang sabihin sa amin, " seryosong sabi ni Austin.
"Tama siya, ano ba ang nangyayari sa lugar na ito? " sabi naman ni Ara.
Tumawa lang ito, nagulat naman ako dahil biglang siyang sinuntok ni Asa sa tiyan.
"Anong ginagawa mo?! " tanong ni Austin, may inis sa tono ng pananalita niya.
"Pre, ginagago lang tayo nito eh. Dapat nating malaman kung ano na ang nangyayari sa lugar na ito at isa pa may kutob kaming sila ang pumatay kay Lance, " sabi naman ni Coby.
Tama siya. Tanga na lang siguro ang hindi makapagdudugtong ng mga pangyayari. Walang pulis na mga dumating noong unang makita ang bangkay ni Lance, maging ang pangalawa at si Ms. Cora din. Ni hindi namin alam kung iyong unang nakitang buto ng tao ay mga biktima nila o hindi.
Ang mga kinikilos nila iba. Parang sobrang sanay na sila sa mga nakikita, at hindi namin alam kung nasaan na ang mga bangkay nila.
"Wala ka ba talagang balak sabihin ang totoo? " tanong ko naman."Sinabi ko na ang totoo, wala talaga kaming balak saktan kayo. Nagkataon lang na masyadong nakiusyoso iyong isa ninyong kaibigan, at iyang kuryusidad niya ang naging dahilan kung bakit kailangan siyang patahimikin. Paano ba naman, pumuslit sa kailaliman ng gabi gumala sa buong retreat house at inalam kung saan nanggagaling ang sigaw. Ayun napahamak tuloy, kaya kayo hindi niyo na siya dapat ginaya. Dahil dyan mapapahamak din kayo. "
Nagkatingan kaming lahat, hindi alam ang sasabihin. Hindi ko rin alam kung ito na ba ang hudyat para tumakbo palabas ng lugar na ito o manatili pa dito.
"Iyong mga bagong salta na nakita niyo, sila ang hindi na dapat makauwi, kayo andito lang talaga kayo para tumulong, " dagdag pa niya.
Kumunot ang noo naming lahat, naguguluhan ako sa mga sinasabi niya.
"Bakit? " tanong ko. Hindi ito sumagot bagkus ay tinawan lang niya ako.
Pinagsusununtok na naman siya nila Coby maging si Austin ay nakisali na rin.
"Sagutin mo ang tanong niya, " inis na sabi sa kanya ni Austin.
"Si Ms. Violeta lang ang nakakaalam ng lahat, sumusunod lang kami sa lahat ng inuutos niya. Kaya kung gusto niyo malaman ang lahat sa kanya kayo magtanong, " sagot ni kuya Tasyo.
"Ano. So, wala kang alam? Sumusunod lang kayo sa utos, kapag sinabi niyang pumatay kayo gagawin niyo kahit hindi niyo alam ang dahilan? " tanong ni Ara na tila gustong siguraduhin ang narinig.
Tumango naman ito.
"Bakit? " tanong ko sa kanya.
"Bakit? Hindi na mahalaga iyon. Sumusunod kami sa kanya at kahit ano ang iutos niya ay gagawin namin. Tapos ang usapan, " tila may galit sa tono ng pananalita niya.
Hindi maganda ito, mukang wala kaming mapapala sa kanya. Maliban na lang kung mapakiusapan naming siya na tulungan kaming makaalis dito, pero mukang imposible iyong mangyari. Isa pang kinakatakot ko ay baka maghiganti siya sa amin, kaya dapat masigurado namin na hindi siya makakatakas para hindi niya matulungan ang iba pa niyang mga kasama. Pero paano?
"Wala ka bang ibang balak sabihin o kahit ano man lang? " tanong naman ni Beverly na nakaupo na sa sahig.
Ngumisi naman si kuya Tasyo bago magsalita.
"Mamamatay kayo. "
Napairap naman ako sa sinabi niya. " Siguro nga, obvious naman eh. Nakakulong kaya kami dito kasama niyo. "
"I mean may balak ka bang sabihin na iba maliban doon? " tanong uli ni Beverly habang pinipilit ngumiti.
"Alam niyo. Kahit anong gawin niyo, hindi kayo makakatakas sa lugar na ito. May kadilimang bumabalot sa buong Sitio. Tingin niyo ba at may tutulong sa inyo sa labas? Wala. Lahat sila ay maiitim ang budhi, " natatawang sabi ng lalaki.
"Kung gaanon paano kami makakaalis dito? " tanong naman ni Asa.
"Hindi ka ba nakikinig sa sinasabi ko? Hindi na kayo makakaalis dito, kung nakinig lang sana kayo noon pa, sana buhay kayong makakalabas sa lugar na ito, " nakangising sagot ni kuya Tasyo.
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo o tinatakot mo lang kami? Baka naman may ibang daanan paalis sa lugar na ito, sigurado akong may ibang way para makaalis sa lugar na ito. After all, dikit-dikit naman ang mga bayan dito, sa gubat baka may daan doon? " tanong ko. Hindi naman ito nagsalita, yumuko ko ito na tila malalim ang kanyang iniisip.
Mukang tama ako. Napansin kong maraming puno dito, kaya napaisip ako na baka may iba pang daanan, sa gubat nga lang ang daan.
Ang mga puno lang ang naghihiwalay sa mga bayan, kaya kung maglalakad kami ng walang tigil baka makarating kami sa susunod na bayan at sana normal na bayan iyong mapuntahan namin. Imposibleng wala kahit isang tao sa lugar na iyon, kahit ang liblib na mga lugar ay may mga naninirahan din.
"May daan nga? " tanong ni Coby, nakangisi ito. Mukang napansin din niya ang pagtahimik ng matanda.
"Ikakapahamak niyo ang lahat, hindi kayo dapat kumilos ng ganito, " seryosong sabi ng lalaki.
Biglang kumabog ang dibdib ko nang makarinig kami ng katok sa pinto. Nagkitinginan ang lahat, hindi namin alam kung dapat bang buksan ang pinto o hindi.
END OF CHAPTER 16
BINABASA MO ANG
Violeta Retreat House ( Sitio Luntian #1 ) | ✔
Mystery / ThrillerSitio Luntian #1 Isang retreat house sa Sitio Luntian ang nababalot ng misteryo at gagawin ni Alyssa ang lahat upang malaman niya ang katotohanan sa misteryong iyon. Kasama ang heartthrob ng kanilang eskwelahan, magawa kaya nilang mahanap ang lahat...