Chapter 19: Escape

55 16 51
                                    

Austin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Austin

"Lalabas na ba tayo o hindi? Lalabas na ba? " paulit-ulit na tanong ni Aly. Hindi ito mapakali at patingin-tingin pa sa may bintana.

"Tingin ko dapat talaga lumabas na tayo, " sabi niya pa.

"Palagay ko nasa may pinaka likurang bahagi ang pinto palabas, doon natin kailangang pumunta. Hindi pa rin natin alam kung nasaan ang iba nating mga kasama, pero wala tayong magagawa kung hindi kumilos, hindi natin sila pwedeng hintayin."

Tumango naman ito. " Mas mabuting simulab na natin ang paghahanap. Wala tayong mapapala dito sa pag-upo man lang, at isa pa hindi mo ba napapansin wala silang ginagawa? Hindi kaya may pinaplano sila sa atin, kaya dapat bilisan na natin, wala ng ulan kaya mas maganda ito. "

Mukang hindi ko naman siya mapipigilan, wala akong magagawa kung hindi pumayag sa kung ano ang gusto niya. Tama naman siya, baka may kung anong plano sila sa amin.

Sigurado ako na hinintay nila kaming lumabas sa mga pinagtataguan namin at doon nila kami balak salakayin.

Dala ang mga kahoy ay lumabas kami ng kwarto, muli akong nabalot ng kaba dahil wala kaming nakita na kahit na sino. Nasaan na kaya sila, at ano ang ginagawa nila sa mga oras na ito?

Bumaba kami sa may first floor at nagsimulang maglakad papuntang likurang bahagi ng retreat house. Muki kaming hinihila ng front door, malakas ang temptasyon nito pero mas malakas ang trauma at ang alaala ng pagsaksak ni kuya Nesty sa lalaki nang sinubukan niyang lumabas mula sa front door.

Halos mapatalon kaming dalawa nang makarinig kami ng sigaw, dahil doon ay mas binilisan namin ang lakad.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming naglalakad, hindi naman ganoong kalakihan ang lugar na ito pero bakit parang ang tagal na naming naglalakad at ni hindi namin mahanap ang back door. Hindi kaya wala naman talagang back door at umaasa lang kami sa wala.

"May sumigaw na naman, dapat siguro sundan natin ang sigaw baka kailangan niya ng tulong, "bulong sa akin ni Aly.

"Hindi pwede, andito na tayo. Baka mapahamak lang lalo tayo kung babalik pa tayo doon, " sabi ko naman.

Napayuko naman siya at tumango. Alam kong masama ang ginagawa naming pag-iwan pero nararamdaman kong magandang plano ito. Kahit isa lang sa amin ang makatakas, magiging maayos din ang lahat.

Muli naming nilibot ang paningin sa bawat pasilyo at napatitig si Aly sa isang kulay pulang pinto.

"Tingin ko ayon na ang pinto, "masayang sabi ni Aly.

"Mukang iyan na nga, " nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa nakita.

Binilisan na namin ang paglalakad at agad na binuksan ang pinto.

"Saan kayo pupunta? " napatingin kami sa nagsalita si kuya Nesty. Tumingin ako sa paligid, mukang mag-isa lang siya magandang pagkakataon ito.

"Aly, mauna ka na, " sabi ko sa kanya, nakita ko naman ang gulat sa mga mata niya.

"Anong sinasabi mo, hindi kita pwedeng iwanan, " sabi naman niya, nagsimulang tumulo ang mga luha niya. Kaya naman agad ko itong pinunasan. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit, nanginginig ang mga kamay niya kaya naman hinalikan ko ito at pilit na ngumiti.

"Iwan mo ako, maayos lang ako. Kailangang may maiwan dito para may pumigil kay kuya Nesty, " paliwanag ko sa kanya.

Tama. Dapat makatakas si Aly,  alam kong kaya niya at kakayanin niya ang pagtakbo mula sa gubat at ang tanging magagawa ko para sa kanya ngayon ay protektahan siya kay kuya Nesty.

Napasigaw naman si Aly nang sugurin kami ng kuya Nesty, sinuntok ko naman ito sa mukha at hinampas ng kahoy na kanina ko pa hawak. Dahil sa ginawa ko ay nasira ang kahoy, pero hindi ko pa rin napatumba, muli niya akong sinugod at pinagsusuntok. Nang makakuha ako ng pagkakataon ay pinatid ko ito dahilan para matumba siya, pinagsisipa ko ito, tumulong din si Aly sa pagsipa pero pinigilan ko ito at dinala sa may pinto.

"Tumakas ka na, pangako andito lang ako. Hihintayin kita, " niyakap ko siya ng mahigpit bago pakawalan.

"Pero..." hindi na niya naipagpatuloy ang sasabihin dahil itinulak ko na siya palabas.

Wala naman siyang nagawa kung hindi tumakas, mabilis kong sinara ang pinto at hinarangan ng isang mabigat na bagay. Walang pwedeng makasunod sa kanya.

Napangiti ako nang makalabas na siya at nagsimulang kumilos papunta sa may gubat, makaligtas lang sana siya ay magiging masaya na ako. Mapapanatag ang loob ko basta ligtas lang siya.

"Kuya Nesty, ako ang dapat mong harapin, " napangisi ako at mabili siyang sinugod.

Aly

Pagkatingin ko ay wala na doon si Austin. Napapikit ako sana walang mangyaring masama sa kanya. Sana naman ay ligtas siya.

Halos hindi pa ako nakakalayo nang may manghila sa buhok ko napasigaw ako sa sakit. Tiningnan ko kung sino ito si Ms. Ana? Mukang nakaligtas siya sa ginawa namin, hinila ko rin ang buhok nito kaya napasigaw siya din sa sakit.

Mas malakas siya sa akin kaya naman naitulak niya ako dahilan para bumagsak ako,  maraming bato sa kinabagsakan ko kaya ramdam ko ang matinding sakit sa aking katawan. Pinilit kong tumayo pero dinaganan ako ni Ms. Ana at pinagsusuntok.

Hindi ako pwedeng magpatalo, nasa labas na ako. Kailangan ko na lang bilisan para makaalis sa lugar na ito at makahingi ng tulong.

Pinilit kong lumaban pero ang tanging nagagawa ko lang ay galusan siya sa mga braso, nagpumiglas ako nang simulan na niya akong sakalin.

Kinapa ko ang paligid, naghahanap ng pwedeng sandata para makalaban naman ako kahit papaano.

Nabuhayan ako ng loob dahil sa nakapa kong malaking bato, nag-ipon ako ng lakas at ipinukpok iyon sa ulo niya. Bumagsak naman siya sa akin at pinilit ko siyang tinulak para makatayo, nang mapansin kong gumagalaw pa ito ay muli ko itong hinampas sa ulo, at isa pa, at isa pa. At pagkatapos noon ay pinagsisipa ko pa ito. Siguro nawala na ako sa aking sarili, kaya naman hinampas ko siya uli, hindi ko na maalala pero ng mahismasan ako ay agad akong tumakbo patungo sa destinasyon ko.

Makakaalis na ako dito, at makakahingi na rin ng tulong.

END OF CHAPTER 19

Violeta Retreat House ( Sitio Luntian #1 ) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon