Chapter 21: Survival

55 16 29
                                    

Austin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Austin

Nagkatinginan kami ni Coby, wala rin sila sa mga kwarto. Lalo kaming kinabahan para sa kaligtasan ng mga kasamahan namin, saan naman kaya sila mapupunta? Hindi pwedeng bigla-bigla na lang sila mawawala.

Siguro nga nakatakas na sila, wishful thinking? Siguro nga, pero mas maganda naman na iyon. Sana nga wala na talaga sila sa lugar na ito.

Hindi ko maiwasang isipin si Alyssa, kung nasaan man siya ngayon ay sana ligtas siya. Sana nasa maayos na siyang kalagayan, sana walang nakasunod sa kanya.

"Tingin ko wala na sila dito sa lugar na ito, baka nakaalis na sila. Siguro naman nakaalis na sila, " pilit na ngumiti si Coby.

"Oo, kung wala na sila dito edi ang ibig sabihin ay nakaalis na sila, saan naman sila pupunta, " sabi ko naman sa kanya.

Tumango naman ito, wala na kaming nagawa kung hindi magdesisyon na pumunta sa may backdoor para sundan si Aly. Kagaya nga ng napag-usapan ay lilisanin na namin ang lugar na ito.

Kung ano man ang mangyayari sa amin sa labas ay bahala na ang tadhana, siguro nga swertihan na lang ito. Para bang surival of the fittest ito, matira matibay. Ang sumuko talo, at sisiguraduhin kong hindi ako susuko. Ayoko matalo...hinding hindi ako magpapatalo.

--------

Nang makarating kami malapit sa may kusina, isang kaluskos ang aming narinig sa loob nito. Nagkatinginan kaming dalawa, baka may tao sa loob. Kung kakampi o kalaban ba ito ay hindi alam.

Hindi nagdalawang isip pa si Coby, pumasok kaagad siya sa may kusina. Hindi ko na siya napigilan, kaya wala akong nagawa kung hindi sundan siya. Ayoko naman siyang iwanan dito, lalo na at napag-usapan namin na umalis dito na magkasama.

"Tingin mo sino iyon? " tanong ko sa kanya.

Umiling naman ito. " Wala akong ideya, pre. Pero aalamin ko, handa akong alamin. Bahala na kung ano ang mangyayari sa akin. "

Desidido talaga siya.

"Sige. Sasama ako, " tipid kong sabi.

Wala namang tao sa loob ng kusina, pero alam namin na may isa pang kwarto dito.

Mukang may tao sa basement. Tama isa ito sa lugar na hindi pa namin napupuntahan, maaaring andito sila sa may baba. Kung wala sila sa buong retreat house, o hindi sila lumabas. Ibig sabihin nandito sila sa ibaba o...sa chapel? Muntik ko ng makalimutan na may chapel pala dito, hindi kaya nandoon sila nagtatago?

"Bababa ba tayo? " tanong ko sa kanya.

"Oo. Kailangan natin makita ang ibaba, hindi ba at wala namang nagbabantay noong makapunta tayo dito? Malay mo naman wala paring nagbabantay sa lugar na ito, " sabi niya pa habang ingat na ingat sa pagbaba.

Sana nga. Wala sila, umaasa din ako. Ayokong makipaglaban sa kanila, nakakapagod din.

Unang sumalubong sa amin ang bangkay ng isang babae, sa palagay ko isa ito sa bagong dating. Hindi ko sila masyadong makilala dahil biglaan na lang nangyari ang lahat. Nakakalungkot na hindi ko na sila makikilala pa.

Binilisan namin ang paglalakad dahil sa mga boses na narinig namin.

"Ara? Bev? Asa? " tawag ni Coby.

"Kung may tao dito sumagot kayo! " sabi ko naman, mas nilakasan ko ang boses ko para mas marinig nila ako.

"Coby! " napatakbo kami sa pinanggagalingan ng sigaw.

"Ara! " tawag ni Coby.

Nakita namin siya kasama ang iba pa na nasa loob ng isang rehas at sugatan.

Magsasalita pa sana kami nang makaramdam ako ng isang malakas na bagay ang biglang humampas sa aking ulo.

Bigla akong bumagsak, at tuluyan ng nagdilim ang aking paningin.

Aly

Pagkadilat ko ng aking mga mata ay puro puti ang aking nakita, may swero rin sa aking kaliwang kamay.

"Mabuti naman at gising ka na, " nakangiting sabi ng babae, base sa kasuotan niya isa siyang nurse. Kung ganoon ay nasa ospital ako?

"Nasaan ako? " tanong ko. Pinilit kong kumilos pero biglang kumirot ang buo kong katawan.

"Huwag ka munang kumilos, " nakangiting sabi ng nurse. Mabilis naman itong nagpaalam sa akin at lumabas ng kwarto.

Napabuntong-hininga ako, hindi ko alam kung nasaan ako, kung ligtas na ba ako o kung ano na ang nangyari kila Austin.

Si Austin. Sana ligtas siya, nangako akong hihingi ako ng tulong, na makakaligtas ako at hihingi ako ng tulong, kailangan ko silang balikan...kailangan ko siyang balikan.

Pinilit ko uli gumalaw pero sadyang hindi ko magawa, masakit talaga ang buong katawan ko.

Nasaan na ba ako? Sino nga ang nagdala sa akin dito? Ano na ang mangyayari sa akin ngayon?

"Mabuti at gising ka na, " bati sa akin ng isang lalaking kakapasok lang ng kwarto.

"Sino ka? " tanong ko dito.

"Ako ang nagligtas sa iyo, " sabi naman niya.

Kumunot ang noo ko, siya iyon? Mapagkakatiwalaan ko ba ang lalaking ito? Papaano kung kakampi din siya nila at isa lang patibong ang lahat ng ito? Nasa ibang lugar na ba ako o nasa Sitio Luntian pa rin, kasi kung nasa Sitio Luntian pa rin ako ay siguradong nasa panganib pa rin ako.

"Huwag kang matakot. Hindi kita sasaktan, mapagkakatiwalaan mo ako, " sabi naman niya. Ngumiti ito, pinagmasdan ko siyang mabuti. Siguro mga nasa edad tatlumpu na siya o higit pa, maayos rin ang pananamit niya, at muka naman talaga siyang maayos na tao pero hindi iyon sapat para  pagkatiwalaan ko siya

"Paano naman ako maniniwala sa iyo eh, hindi ko nga ho kayo kilala," sabi ko naman. Natawa naman ito sa sinabi ko, sa totoo lang hindi ko alam kung may nakakatawa sa sinasabi ko.

"Ako nga pala si Detective Jo  Ruiz, " pagpapakilala niya.

"Detective? Isa kang detective? " tanong ko. Hindi ako sigurado sa mga pinagsasabi niya, dapat ba akong maniwala?

Pinagmasdan ko siya, seryoso ang mukha niya at muka naman siyang nagsasabi ng totoo pero malay ko ba kung magaling lang siya umarte.

"Oo, " tipid na sagot nito.

"Papaano naman ako maniniwala sa iyo? " tanong ko, hindi ako dapat basta basta magtitiwala para namang ang bilis ng mga pangyayari.

Napabuntong hininga siya. " Hindi mo naman kailangan magtiwala sa akin, ang sa akin lang kung gusto mong matulungan ang mga kaibigan mo na nasa retreat house, makipagtulungan ka sa amin ng mga kasama ko. "

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Papaano mo nalaman? " tanong ko.

"Gaya nga ng sabi ko, isa akong detective at matagal ko ng binabantayan ang mga hindi magandang pangyayari sa buong Sitio Luntian, at isa sa mga listahan ko ang Retreat house na pinuntahan niyo. "

Napatitig ako sa kanya, hindi ko alam ang sasabihin. Tama ba na makipagtulungan ako sa kanya?

"Isa lang ang dapat mong isagot. "

Sabi niya at iniwan na niya akong mag-isa sa kwarto.

END OF CHAPTER 21

Violeta Retreat House ( Sitio Luntian #1 ) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon