Chapter 13: Exploration

61 16 46
                                    

Aly

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Aly

Hindi ko alam kung anong oras na pero pakiramdam ko biglang bumagal ang oras. Pero madilim na sa labas, dahil siguro sa malakas na ulan. Sa totoo lang gusto ko na talagang matapos ang araw na ito, para bang napaka daming nanyari.

May mga bagong dating, may namatay, may pumatay, at ngayon nakakulong na kami dito sa lugar na ito.

Ayoko ng mag-isip, baka masiraan pa ako ng bait at matulad pa kay Ms. Cora. Pakiramdam ko nga si Ms. Ana na ang susunod na mawawala sa katinuan, parang may nagbago talaga sa kanya eh. Siya pa naman ang pinaka mabait sa amin. Pinaka gusto ko sa kanilang lahat.
Isang ang aming narinig, hudyat na siguro iyon ng hapunan. Dito kami maghahapunan sa loob ng kwarto, buti na lang talaga kasama ko dito si Austin. Parang nakakalungkot kasi na mag-isa kang kakain sa hindi pamilyar na lugar, malakas ang ulan, tapos may napatay pa.

Napaismid naman ako nang si Ms. Ana ang nagdala ng pagkain, kakaisip ko lang sa kanya kanina. Muka ngang nachismis na niya sa lahat ang tungkol sa pagtuloy dito ni Austin, dalawang tray ng pagkain ang dinala niya dito. Actually, kung titingnan mo ang mga dala niya, sobra-sobra para sa amin ito. Maraming putahe, may snacka at desserts pa. Teka parang may balak, yata ang mga ito ah. Gusto ata kaming hindi umalis sa lugar na ito.

"Salamat po, " sabi naming dalawa.

"Ilagay niyo na lang sa labas ng pinto kapag tapos na kayo, " sabi niya at umalis na ito kaagad.

"Kain na tayo, masarao magluto si Ms. Lanie, " nakangiting sabi ni Austin.

Napabuntong -hininga naman ako, nakalimutan ko ng si Ms. Lanie na palaging galit ang nagluluto dito. Masarap talaga siyang magluto pero mukang kailangan ko ng kalimutan ang plano kong tanungin siya sa mga recipe niya, dapat noong una palang naisip ko na iyon.

"Bakit may problema ba? " tanong ni Austin.

"Wala. Si Ms. Lanie pala ang nagluluto, diba palaging galit iyon sa atin, " sabi ko naman.

"Mabuti na lang at hindi naaapektuhan ang kanyang pagluluto. Magpasalamat na lang tayo dahil doon, " sabi naman ni Austin.

Sang-ayon naman ako, sana nga lang hanggang ngayon ay maayos pa rin ang pagluluto niya. Baka mamaya may lason na itong kinakain namin. Hindi rin naman imposible iyon, lalo na at may nangyaring patayan.

Isa pa lang naman ang napapatay eh, o baka dalawa kung isasama si Lance. Hindi rin naman kami sigurado kung ano ba talaga ang totoong nangyari kay Lance o kung magnanakaw ba itong lalaking pinatay.

"Aly, lalamig ang pagkain kumain ka na, " sabi naman ni Austin.

Inirapan ko siya, ngayon naman para siyang nanay ko. Hindi ko talaga mabasa itong kasama ko.

May mesa dito kaya naman doon kami kumain, sakto lang talaga para sa aming dalawa. Sa totoo lang nagugutom na rin ako at masarap talaga ang nilagang baboy, pritong tilapia, at shanghai ni Ms. Lanie. Hindi ko rin alam kung bakit ang random ng mga niluto niya, baka naguluhan na rin dahil sa mga nangyari. Di bale masarap naman. May manggang hilaw pa at alamang.

Hindi ko rin kakalimutan ang mga snacks na binigay nila, may chips, biscuits at cookies. May mga inumin din. Coke, juice, bottled water. Parang gusto yata talaga kaming mag-stay dito.

-------------

Nang matapos kaming kumain ay agad ding nilabas ni Austin ang mga pinagkainan sa labas ng pinto.

"Sinsabi ko na nga bang may namamagitan sa inyong dalawa eh, " napairap naman ako sa boses na iyon. Si Coby. Hindi ko naman siya close, ni hindi ko nga siya nakakausap man lang, well...wala naman talaga akong balak kausapin siya.

"May problema ba doon? " iritableng tanong ni Austin.

"Wala naman, gusto lang sana namin kayo anyayahan sa pag explore ng lugar na ito, " sabi niya. Napataas ang kilay ko at hindi ko maiwasang lapitan sila.

"Bakit? Para saan? Hindi ba bawal? " sunod-sunod kong tanong.

"Relax lang. Para saan pa, edi hanapin iyong mga bagong salta. Hindi ba gusto niyo rin silang mahanap? At saka bawal? Kailan pa tayo sumunod sa utos ng nakakatanda, kaya nga tayo napunta dito eh, " si Beverly ang sumagot.

Hindi ako nakapagsalita. Una, sumusunod ako sa mga utos at hindi gaya ng lahat dito ay nag-volunteer ako, si Austin na din siguro. Pangalawa, nagsisisi ako dahil mukang ako ang nagbigay ng idea sa kanila.

"Ano sasama ba kayo? " tanong ni Asa. Halatang-halata na naiinip na siya.

"Oo, " tipid kong sabi. Alam kong mali, delikado pero wala andito na sila eh.

"Aly, " hinawakan ko ang kamay ni Austin ng mahigpit para hindi na niya matuloy ang sasabihin niya. Halatang nagulat pa ito sa ginawa ko.

Napakamot ito ng ulo. " Sige saan tayo magsisimula? " tanong niya.

"Edi sa kabilang parte ng retreat house, " nakangising sabi ni Coby.

Sa kabilang bahagi, kung nasaan ang iba pang mga kwarto. Wala pang nakakapunta doon, wala ring nakakalam kung ano ang meron sa lugar na iyon.

Nadismaya ang lahat dahil lahat ng pinto ay nakalock, sinubukan pa nikang katukin pero mukang wala namang tao sa loob. Sumilip din si Austin sa isang butas pero wala siyang nakita.

"Wala naman tayong mapapala dito eh, " sabi naman ni Ara.

"Sa kwarto kaya ng mga nakakatanda? " pa inosenteng tanong ni Beverly.

"Babalik tayo kung nasaan ang mga kwarto natin? " inis na tanong ni Coby.

"Sa may kusina kaya? Sa pinaka dulong bahagi iyon sa first floor, hindi ba may kwarto doon? " si Austin naman ang nagsuggest.

Dahan-dahan kaming bumaba para walang makarinig sa amin. Sa kasamaang palad nadaanan rin namin ang madugong sahig na malapit sa front door, napatakip kami sa bibig. Sa totoo lang nang makita ko ang frint door ay parang gusto ko ng tumakbo agad, para makalayo na sa lugar na ito.

Tahimik ang buong dining hall, nasa iisang lugar kasi ang pinaglulutuan kaya naman amoy na amoy ang mga pagkaing niluluto dito, kaya mas lalong nakakagutom. Sa ngayon, wala na akong masyadong naaamoy na pagkain.
Wala kaming balak buksan ang ilaw, kaya kapa-kapa muna.

Nakahinga kami ng maluwag dahil sa wakas ay nakarating na rin kami sa pintuan ng kwarto, sa totoo lang madali lang ito makikita kung hindi lang madilim.

"Sana naman hindi ito naka-lock, " sabi ni Coby. Sana nga.

Hindi ko rin alam kung ano ba ang inaasahan namin na makita sa pagbukas ng pinto pero sigurado ako na hindi iyon ang dapat naming nakita.

END OF CHAPTER  13


Violeta Retreat House ( Sitio Luntian #1 ) | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon