Chapter 24

66 1 0
                                        

"Sino daw yun? Ay hindi mo tinanong? Sayang!" narinig kong sabi ni Nami at hindi ko pa man din dinidilat ang mata ko ay sigurado akong sya iyon. Hindi ako maaring magkamali. Sino naman kaya ang kausap ng babaeng iyon. 


Unti unti kong minulat ang aking mata. Malabo at liwanag ng ilaw lang ang naaaninag ko. Pumikit akong muli, sa pagkakataong ito ay malinaw na ang lahat. Tiningnan ko ang buong kwarto. Wala si Mommy at ang mga kaibigan ko lang at si Hans ang nasa silid. 


I sighed. Pumikit ako at huminga ng malalim. Mabibigat ang bawat paghinga ko dahil sa pagpipigil ng emosyon. Dumilat ako at tinitigan ang kisame. Wala ka padin. 



I smiled sadly. Kinagat ko ang labi ko at huminga ng malalim. Yvan, baby. 


You promised. You assure me. I trust you. 




Pero bakit? Asan ka?


Sabi mo sasamahan moko. Sabi mo nandun ka bago habang at pagkatapos. Sabi mo ikaw ang una kong makikita sa pagmulat ng mata ko? 




Unti unting kumakawala ang luha na pilit kong pinipigilan. 




Pero nasan ka ngayon? Paano ako magiging malakas kung wala ka? Paano ko magpapatuloy ng walang suporta mo? Umalis ka ng walang paalam. Paano ako? Sabi ko hindi ako magagalit diba? Pero bakit hanggang ngayon wala ka.



Walang tunog akong humikbi. Hindi mawala ang kirot sa aking dibdib. Gulong gulo nako. 




Hindi ko alam kung nasa Manila pa sya. Kung ano ang dahilan nya.  Kung kailan sya babalik o babalik pa ba sya.




Lumipas ang isang linggo, wala parin si Yvan. I keep on texting and calling him but his phone is off. Still no reply.  



Si Hans ang nandito para sa akin araw-araw. I don't know why is he doing this but I'm thankful sa lahat ng effort, oras at pagaalaga nya sakin. He didn't need to but he insist He did all of that. 



It shouldn't be him. I never imagine that someone else will take care of me other than Yvan. That wasn't the plan. Pero anong magagawa ko? Bigla nalang syang nawala. Iniwan nya ko.


Kaila and Nami visit me when they have time. I told them they don't need to because i know they are busy in school but still hindi sila nagpatinag.




"Nadine Millie pagnandito ka lagi kang may kavideocall dyan pero never kang nagkwento. Pasalamat ka ay may sakit ako kung hindi tumayo nako dito at sinabunutan kita." pinagsabihan ko sya. 



Lagi syang may kausap kapag nandito sya. Every single time. I'm not kidding at video call pa. Hindi naman sya nagsasalita at panay lang ang ngiti. Parang tanga lang. Baka bitter lang ako?Sobrang dalas din nya bumisita at minsan ay dito pa natutulog at magkatabi kami sa kwarto ko.


"Wag kana maingit dyan, Igoghost ko lang kase to agad kaya hindi na dapat ipakilala sa inyo."




Kaila rolled her eyes. "You're ghosting someone now hu?"




Ngumuso si Nami. " Hindi naman ako sineseryoso e. Ah! Basta!"

His IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon