Chapter 21

48 3 0
                                        

Narating namin ang Tierra Alta Light house. Wala nang araw pero may mga ilaw sa daanan na napakagandang tignan. It's a resort actually and the fee is so cheap.



We're holding hands while walking towards the church. Dito ko sya gustong dalhin at sabihin ang tungkol sa operasyon. I choose this place para makapagpray din kami together. Buti nalang din dito ko sya inaya dahil ang romantic din nung pailaw. Madalas may kinakasal dito dahil ng may church at resort. Meron kasing pagiistayan.



Hindi naman malamig pero ewan ko ba't naka sweater sya. I look at him and he look lost and bothered. Malayo ang tingin nya at parang may bumabagabag sa kanya. Magkasalubong ang kilay at hindi man lang napapansin na nakatingin nako and that's so unlike him. He used to notice everything and always pay attention to me.



"What's wrong?" I asked in a worried tone.



Napakurapkurap sya at tumingin sakin. Itinaas ko ang kilay ko. Matagal pa bago sya umiling at kinuha ang kamay ko para halikan.



"Wala." saad nya tsaka tumungin sa paligid at patuloy kami sa paglalakad. "Why did you want to go here?" pag-iiba nya ng usapan.



Nakatingin lang ako sa mata nya at napansin nya yon kaya tumigil kami saglit.  Malakas ang kutob kong may problema kaya tiningnan ko ang buong katawan nya. Tiningnan ko ng mabuti ang kamay at mukha pero wala naman akong nakitang kakaiba. Am I overthinking again?



I sighed and shook my head. I gave him smile bago kumapit sa braso nya at hinila para maglakad uli. " This is church, madalas dito ginaganap ang ibang kasal." sabay turo ko sa harap namin.



Nagtaka ako sa biglang pagbitaw nya ng kamy ko at pumewang. He raised his brows to me. "So, dinala mo ko dito dahil gusto mo ng magpakasal ganon ba?" tanong nya.



Inabot ko sya at hinampas hampas. Tawa lang sya ng tawa. I rolled my eyes. "Hindi! Sinabi ko lang!"



"Tss. Aminin mo na Lyle. That's okay but ako ang magpopropose hindi ikaw ha." biro nya.



I scoffed. " Tsk. Malamang Duh!" maarte kong sabi.



Bumungisngis sya bago lumapit at yumakap. Nanlambot naman ako sa ginawa nya. "Don't worry, someday tayo naman ang ikakasal. I'm sure na ikaw na ang pakakasalan ko. "



Umismid ako. "Tss. Ilang buwan palang tayo nagkasama at kelan lang kita sinagot ako na agad ang nakikita mong babaeng pakakasalan?"



Nagsalubong ang kilay nya bago ngumuso. "It's not about the time. My love for you is so pure. My love for you is overflowing. Kahit maubos ako basta lunod ka sa pagmamahal ko ay okay lang. Ganon kita kamahal." 



Binaklas nya ang kamay sa pagkakayakap at pagkatapos ay hinarap ako. "Ikaw ang unang taong minahal ko at wala akong mapili kumparahan pero i know, ako ang nakakaramdam kaya alam ko na hanggang sa pagtanda at hanggang sa huling tibok ng puso ko ay ikaw parin ang laman nito." mariin at punong puno ng emosyon nyang saad.



"Ikaw ang pakakasalan ko Lyle. Ikaw lang. Kahit pa dumating ang araw na ayaw mo na sakin at pagtabuyan mo ko ay babalik at babalik ako sayo. So, don't question my love for you again. Do you understand baby?" he said softly. 



Nakonsensya naman ako. I nod and hug him so tight.



Pagkatapos ay inaya ko sya ng umupo sa damuhan. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat nya at awtomatikong ipinakot ang kamay at nilagay sa aking balikat. Hinalikan nya ko sa ulo at ipinikit ko naman ang aking mata.



His IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon