Chapter 29

52 2 0
                                    

Kanina ko pa napapansin na parang nauulit lang ang mga nangyari... bago pa ang lahat... kung saan kami una kaming nagkakilala. 


Magkatitigan lang kaming dalawa...sya ay walang emosyon habang ako ay irita. Katulad ng dati...


"Why are you here?" I whispered. Baka marinig ako sa baba at pagalitan ako. Bisita sya dito ngayon kaya dapat maayos ang trato ko.


Umayos sya ng tayo at tumingin sakin. "I'm looking for th-" I cut him off. I snorted. "Rest room? Cr? Palikuran?" I said and laughed sarcastically.


Hindi naman nagbago ang itsura nya kaya inirapan ko. Naiinis ako sa presensya nya, sa itsura nya kahit gwa-, s-sa  tingin... BASTA! NAIINIS AKO SA KANYA!


"For you. I'm looking for you," seryosong sagot nya.


I laughed before looking at him again. "For me? Why?"


"Let's talk-"


"Lyle," biglang sumulpot si Hans sa likod nya kaya sabay kaming napabaling don.


He smiled at me and pass by his brother like he wasn't there. "Can I talk to you now?" 


Nagpapabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa habang parehas naman silang naghihintay sa sasabihin ko. I coughed. "ahm.."


"We're still talking," mariing ani ni Yvan.


Tumingin naman sa kanya ang kapatid. "It's important, Kuya."


Inilagay ni Yvan ang kamay sa bulsa bago tumingin sa kapatid at ngumiti. "Ako ang nauna," malamig na sabi nya.


"This is more important, though."


Yvan licked his lips and his face turn into grim. Natakot naman ako para kay Hans. Walang kasing seryoso ang mukha nya. 


"Ahm..." putol ko sa tensyong namamagitan sa kanila. 


I look at Yvan with no humor. "Excuse us," sabi ko at hinawakan ang kamay ni Hans bago sabay kaming bumaba at nilagpasan ang lalaki.


Nauna akong umoo sa kanya kaya dapat lang na syang ang piliin ko. I don't know if I can still talk to him and just the two of us. Wala na din kaming dapat pagusapan dahil... handa nakong kalimutan ang lahat kahit hindi naririnig ang eksplanasyon nya. Napagod siguro ko. Napagod akong maghintay.


Hindi lang sya ang hindi tumupad sa pangako... ako din... napagod ako bago sya nakabalik. Natapos na atang kumain ang lahat dahil hindi ko na naabutan sila Mommy at Tita Beatrice sa dining area. Nang makababa sa hagdan ay inalis ko na ang pagkakahawak sa kamay nya.


Nilingon nya ako at itinuro ko ang garden area para doon kami magusap. Naglakad kami papunta at umupo sa isang bench paharap sa pool. Maliwanag kahit gabi na dahil sa ilaw. Umiihip ang hangin at sumasabay ang buhok ko dito. Matagal bago sya nagsalita.

His IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon