Chapter 33

58 1 0
                                        

Nakayuko lang ako habang pinapakinggan lahat ng mga sigaw nya. Hindi ko na kayang panoorin ang ganoong sitwasyon. Panoorin syang nakaluhod habang nasasaktan at napagod. Panoorin ang mga pag agos ng kaniyang luha. 


Panoorin kung paano sya  manghina sa harap ng kapatid at magulang nya. 


Panooring sumuko sa lahat.


Ayokong umalis. Gusto kong marinig ang lahat. Alam kong masasagot nya na ang mga tanong na pilit akong binabagabag sa bawat araw at gabi na lumilipas.


"Masisisi mo bako K-Kuya?" nanginginig na bulong ni Hans.


Namutawi ang katahimikan. Walang nagsalita.


Sinubukan kong sumilip kahit mahirap. Nakatalikod si Hans pati ang matandang lalaki at ganon parin ang posisyon ni Yvan. Hinang hina at hindi makatayo sa pagkakaluhod habang si Tita Beatrice ay hawak ang bibig para pigilan ang malakas na tunog ng pagiyak.


Tumakas ang luha sa aking mata habang pinapanood ang unti unting pagharap ni Hans sa kapatid. 


His eyes looks hurt but he keep the tears stays in his eyes. Nakakuyom ang kamao habang nakatingin sa kapatid.


"M-mabait si L-lyle. H-habang t-tumatagal na...n-nakakasama ko sya..." huminga sya ng malalim at pumikit. "u-unti unti nalang a-akong nahuhulog."


Lumakas ang iyak ni Yvan at tinakpan ko muli ang aking bibig.


"S-sorry, K-kuya." halos bulong nalang yon na napuno ng hangin dahil nabalutan na ng sakit ang puso.


Tumaas baba ang kaniyang balikat habang unti unting lumapit sa kapatid. Napahawak si Tita Beatrice sa kaniyang dibdib habang tinitingnan ang dalawang anak.


I didn't expect to witness all of this. Ang plano ko lang ay umuwi para surpresahin sila...pero mukhang ako ata ang nasurpresa. 


Dahan dahang lumuhod si Hans para pantayan ang kapatid. Napapikit si Hans at nakagat ang labi habang mabigat ang paghinga. 


"S-sorry," Yun lang ang nakayanan nyang sabihin at humagulgol habang nakayuko.


Mas lumuhod sya at nagpatuloy sa paghingi ng tawad. "S-sorry, d-dahil lagi a-akong m-mahina. Na l-laging i-ikaw a-ang s-sasalo ng mga s-suntok na p-para sakin. " Matunog syang umiiyak at napapikit naman ako. Hindi sya sinagot ni Yvan at nagpatuloy.


"S-sorry,  d-dahil sa d-dami ng n-nagawa mo... t-trinaydor pa kita." pumiyok sya pagkatapos ng huling salita. "T-tama ka i-ikaw naman talaga ang b-bumuhay s-samin...h-habang w-wala ka d-dito...S-sorry..." napalunok sya at nasasaktang tumingin sa kapatid. 


"S-sorry...S-sorry k-kuya..." huminga sya ng malalim at napapikit. "S-sorry h-hindi ko s-sinabi kay L-lyle." 


Unti unting napaangat ang tingin habang may luha  at naguguluhang tumingin sa kanya. Umiling iling si Hans habang umiiyak at nakatingin sa kapatid. 

His IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon