Lianne's POV
Naglalakad-lakad ako dito sa may beach nang maaninag kong nakatayo si Rita sa may veranda ng kwarto namin. Matalim ang mga tingin nito pero kitang-kita ko ang lungkot kahit malayo ako. Sinundan ko naman kung saan lang ito nakatitig at nakita ko't naintindihan. She's longing for him.
Naalala ko nung lock-in taping namin ng Ang Dalawang Ikaw, hinding-hindi mo mapaghiwalay sina Rita and Ken. Napapagalitan na nga sila minsan ni Direk kasi diba kailangan naming sumunod sa protocols pero minsan talaga nakakalusot yung harutan nung dalawa.
All those times akala ko magseseryoso na si Ken kay Rita because I witnessed how he cared for her pero mukhang mali kaming akala ni Rita. They were all for promotion and publicity. He's thinking that showbusiness is just a game and ang marunong makipaglaro ang siyang mananalo. You may think that he won but he didn't. Talong-talo siya sa larong siya mismo ang nagsimula.
I decided na umakyat na sa room namin at ginulat si Rita from behind.
"Mars, matutunaw yung bundok sa titig mo" biro ko.
Napalingon naman siya sa akin habang nakakunot ang noo, "Mars, di ko gets"
Tinabihan ko siya sa veranda, "Joke lang haha. Sasabihin ko sana baka matunaw yung dagat sa titig mo kaso nga lang paano naman matutunaw yung dagat eh liquid na yan. Kaya doon na lang tayo sa bundok sa dulo"
Umiling-iling siya. Napapangiti ng kaunti. Buti naman.
Maya-maya ay nagring ang phone nito.
"Dani baby ko" bati niya when she answered the video call.
Sumilip ako sa phone niya and there I saw a cute baby girl. Kamukha niya, I'm so sure.
"Mommy, I miss you na. When will you go home?"
Nakita ko kung paanong biglang gumaan ang ekspresyon sa mukha ni Rita. Ang galing talaga magpagaan ng loob ng mga bata ano. They're really angels.
"Next month baby. Don't you worry, Mommy's gonna be home soon."
"Mars, baka gusto mo naman ako ipakilala sa cute na yan" singit ko habang nakanguso sa phone niya.
"Ayy oo nga pala Mars" hinila niya ang kamay ko para dumikit sa kanya.
"Dani baby. Look oh. She's your Tita Lianne. She's Mommy's friend as well. Say hi."
"Hi po Tita Lianne. You're pretty like Mommy"
Ang cute naman ni Dani. And tama talaga yung kasabihan ano, hindi nagsisinungaling ang mga bata. Nagandahan siya sa akin, wow!
Biglang naputol ang usapan nang sumigaw yung PA namin sa baba, "Actors' cue na daw po in 10 minutes. Be ready Rita and Lianne ha"
Nagpaalaman na ang mag-ina. Kinuha ni Rita ang script namin. Since it's our scene, nagpractice muna kaming dalawa sa room bago bumaba.
Mga ilang oras din kinunan yung scene namin. Pero mas mahaba pa rin ang oras ng paghihintay namin. Dati-rati maya't maya kong naririnig ang, "Ms. Rita next sequence na daw po" or "Ms. Rita, kayo po ulit sa next" or "Ms. Rita, shoot natin yung buong sequence niyo ni Sir Ken". Buong araw busy si Rita pero ngayon, back to basic. And now, it's Ms. Bettina na.
YOU ARE READING
Filming Love
RandomCan you still love him even if he cannot take you out of the camera's limits? Take this another journey with them as I unfold their story behind those lenses. Will it be as bright as the flickers or will it be as dark as the tripods?