Rita's POV
Gosh gosh gosh. Bakit ganito naman yung caption ni Alex, kaloka!
Hindi naman siguro magpapaapekto si Ken para sa isang caption na ito diba? Diba?
"Mamshie Ivan" I called her out when I see her passing by my cottage.
"Yes baby girl?"
"Have you seen Alex's post? Bakit ganon naman yung caption, baka magkaissue"
"Bakit ano ba yun? Busy pa ako with my boys eh kaya di pa ako nakakaopen ng IG"
Lumapit ako kay Mamshie and showed her yung post ni Alex with that caption. "See?"
"Medyo nakakaintriga nga 'yan baby girl. Wrong timing naman, ongoing na yung showing ng movie niyo ni Ken. Baka makaapekto sa viewers"
"Exactly. Pero hindi naman siguro sinadya ni Alex yun diba? I mean wala lang naman siguro for him? And sinunod naman niya ako na wag akong imention"
"Baby girl, hindi ka nga minention, may R naman sa may camera icon oh. And with your IG stories together na pareho kayong nasa La Union, mag-iisip na mga fans mo yan beh"
"I know. Ano kayang pwede kong gawin? Hindi pa siguro nakikita ni Ken ito kasi di pa naman siya tumatawag"
"Ah alam ko na. Stand there sa balcony baby girl" she grabbed my hand at pumunta kaming pareho sa balcony. Kinuha ni Mamshie ang phone ko.
"Pose there. Look at the beach my love then post mo sa IG mo"
"Oh tapos? Hindi ba mas lalong manghihinala mga fans yan mamsh. Pareho kaming pose ni Alex and wala rin akong imemention na name kasi ayaw din naman ni Ken magpamention"
"Hmmm ano kayang pwedeng maging clue ni Ken na siya yung gusto mong paratingan?"
Iniisip ko rin eh. Sigurado kasi akong magtataka at magagalit yun pagkauwi ko. There was nothing wrong naman kaso nga lang mas nagiging careful na sana ako this time para hindi na kami masira ni Ken.
YOU ARE READING
Filming Love
RandomCan you still love him even if he cannot take you out of the camera's limits? Take this another journey with them as I unfold their story behind those lenses. Will it be as bright as the flickers or will it be as dark as the tripods?