Ken's POV
Medyo hindi ko nagugustuhan ang pagngiti ni Rita sa Nathan na ito.
"Sino siya, Mahal?"
"Ah Chow, si Nathan. Kababata ko. Actually naalala mo yung kinikuwento kong may kababata akong Kevin? Magpinsan yan sila"
"Kevin?"
"Oo yung nasa province. Yung anak nina Tita Connie and Tito Frank"
Inaalala ko kung sino nga ba. May naalala kasi akong Tita Connie and Tito Frank noon sa neighborhood namin sa probinsiya pero imposible naman yatang same na tao yun diba? Kasi ang pagkakaalala ko ay hindi Kevin ang pangalan niya eh. Enteng ang tawag ko dun sa anak nila eh.
"Sorry hindi ko maalala Choi"
"It's fine hehe" sabay baling ulit ng tingin kay Nathan, "Uy kamusta ka na? Nakita ko pala sina Tita and Tito nung umuwi kami sa probinsiya para kay Ate"
"Ay oo kakauwi lang nila from Canada"
"Oo nga daw. Balita ko pala nagkaroon pa pala ng kapatid si Kevs? Babae daw yung bunso na nina Tita"
"Ha? Eh alam ko hindi na pwedeng magkaanak si Tita after ni Kevs kasi medyo hindi na daw kakayanin ng katawan niya. Alam mo na signs of old age"
"Uy grabe ka naman. 47 pa lang naman si Tita"
"Kahit na. Mahirap na daw siya magbuntis eh kaya imposibleng nagkaroon pa ng kapatid si Kevin"
"Talaga ba? Hindi ko alam eh. Yun lang naman kasi ang sinabi nila"
Naputol ang usapan nila ng pumasok na sa kwarto ang events coordinator.
"Ma'am complete na po yung guests. We can start anytime you want po"
"Ah ganun ba? Sige. Paannounce na in 10 mins ha, papagandahin muna namin ulit yung prinsesa namin"
"Sige po Ma'am, Sir. Happy birthday ulit baby girl" sabay nagpaulan ng flying kiss. Dahil nga sobrang hands-on ni Rita para sa birthday na ito ay halos araw-araw nang bumibisita sa condo itong events coordinator kaya naging close na rin sila ni Dani.
"Sige Nathan. Pasensya ka na. Kailangan na rin naming magprepare na MAG-ASAWA" may pagdiin kong banggit. Bahagya naman akong hinampas ni Rita sa likod pero hindi naman siya nagpumiglas sa paghapit ko sa bewang niya.
Aba dapat lang. Akin lang si Rita. Akin lang ang asawa ko.
Correction po. Hindi pa po kayo kasal kaya hindi niyo pa po siya officially asawa.
Ikaw author, napakadaldal mo talaga. Basta asawa ko siya.
Sobrang ganda ng pagkakaayos ng event. Iba talaga kapag babae ang gumalaw at mag-asikaso ng party.
Sumunod naman ang lahat sa mga pastel colors. Ang gandang tingnan lalo na sa mga kaibigan at kaklase ni Dani na dumalo. Para tuloy kaming nasa isang fairytale sa party na ito.
As expected, families pa lang namin ni Rita eh halos puno na ang venue. Kumpleto ang lahat kaya parang naging isang malaking family reunion ang nangyari na rin.
YOU ARE READING
Filming Love
RandomCan you still love him even if he cannot take you out of the camera's limits? Take this another journey with them as I unfold their story behind those lenses. Will it be as bright as the flickers or will it be as dark as the tripods?