Ken's POV
I turned off my alarm. 7am na pala.
Patayo na sana ako ng higaan nang may makapa akong parang papel sa gilid ng unan ko.
"Sorry for last night. I promise, it won't happen again" said the letter.
Nadurog ang puso ko. Akala ko sa muling pagniniig ng mga puso at kaluluwa namin kagabi ay ang makakapagpahilom ng mga sugat ng aming nakaraan pero nagkamali ako.
Bakit kailangan niyang humingi nang tawad gayong ako naman itong di napigilan ang sarili? Pinagsisisihan niya ba?
But there was no resistance last night kaya ako nagtataka.
Nag-ayos na ako ng sarili, naligo at nagbihis.
Paglabas ng kwarto ay naamoy ko ang kape at silog. Mukhang nagluto ito bago umalis.
Kinain ko naman agad. I looked up my phone and opened it. May text from Ms. Tracy.
"Baby boy, invited ka pala as guest sa sitcom ni Rita together with Alton and Jon. Sorry short notice lang pero sana pumunta ka. Next week pa naman yung briefing, just wanted to tell you sooner"
Talaga? Meron na naman palang project si Rita. Sa isang taong mahigit na naming pagbabalik-tambalan, normal na rin sa amin ang makita ang isa't isa na iba ang kaeksena.
Naalala ko pa dati, ayaw na ayaw kong may kahalikang ibang lalaki si Rita kahit na alam kong para lang ito sa eksena.
Bakit ba? Nagseselos ako eh.
Pero ngayon ba, may karapatan pa rin ba akong magselos? Wala na siguro. Maliban na lang sa bagay na yun.
"Sige po Ms. Tracy. Pupunta po ako"
Binilisan ko na ang pagkain ko at siyempre hinugasan ko rin yung pinagkainan ko after para hindi na maghugas si Rita mamaya.
Pareho lang yung sinuot kong polo shirt na natuyo na sa balconahe ng unit niya. Pati yung pantalon ko ay natuyo na rin after masampay.
Paglabas ko ay bumungad sa akin ang isang condo staff na parang kanina pa yata naghihintay.
"Good morning po Sir. Pinabibigay po pala ni Ma'am Rita at pinapasabi po niya na sorry daw po sa kagabi" sabay abot sa akin ng susi ng sasakyan ko.
So anong sinakyan niya nung umalis siya? Teka saan nga ba siya pumunta ng ganitong kaaga?
Paalis na si kuya staff when I again called him out, "Ay Kuya, saglit lang. Anong oras po ito pinabigay ni Rita po sa inyo?"
"Ah mga 4am siguro iho"
Nagulat ako. Saan siya pupunta ng 4am?
"Kuya, di ba kayo nagulat na ako yung nakita niyong lumabas dito sa unit niya?"
"Hindi naman Sir. Minsan na rin naman po kayo sinama ni Ma'am Rita dito. Tsaka ayoko na pong manghimasok sa buhay ni Ma'am."
Napatungo si kuya staff. Napansin kong may gusto yata siyang sabihin pero hindi niya masabi sa akin.
"Kuya, may problema po ba?"
YOU ARE READING
Filming Love
RandomCan you still love him even if he cannot take you out of the camera's limits? Take this another journey with them as I unfold their story behind those lenses. Will it be as bright as the flickers or will it be as dark as the tripods?