Cam 030: Bettina

124 5 3
                                    

Ken's POV



I was driving to Bettina's home when I received a call from Rita.



"Choi? Yes? Nakauwi ka na ba?"



"Ah hindi pa Chow. I just felt like calling you lang, to inform you na may guesting pa pala ako this afternoon. Kasasabi lang ni Ms. Tracy"



"Ah kasama mo ba siya?"



"Nope eh. May dental appointment pa daw siya. HAHAHA."



"So paano ka pupunta? Saan ba?"



"I'll book a car ride na lang. An hour from here lang naman daw"



"Sure ka Choi? Sige tawagan mo ako after niyo diyan. Susunduin na lang kita ha"



"Ah sige. Naks, baby mo ba ako? Chow ha, linawin ko lang, magkaibigan lang tayo"



Alam ko naman. Pero gusto ko lang na iparamdam sa kanya yung mga namiss kong gawin sa kanya noon. Hatid-sundo ko kasi siya kahit saan pa siya pumunta. Si Kuya Roy lang kasi naman ang may sasakyan sa kanila eh ginagamit pa naman din sa trabaho kaya madalas nagcocommute si Rita, which is pinakaayaw ko kasi nagwoworry lagi ako sa safety niya though nagdadamit naman siya as commoner. 



But still.



"Alam ko Choi. Hindi ko nakakalimutan naman. Ingat ka ha. See you later"



"Saan ka na ba ha? On your way to her?"



"Oo eh. Malapit na rin naman. Sige Choi ha, love you!"



Natigilan yata siya kasi there was some amount of silence. I was about to take back kung anuman ang sinabi ko pero biglang... "I love you Chow"



Ako naman ang natigilan.



"Hello? Chow? Huyyy nagdadrive ka ha. Baka malimutan mong nagdadrive ka pa"



"Nanggugulat ka kasi Choi eh. Okay lang, in-auto drive ko na muna. Ano ulit sinabi mo?"



"Hmmm. I only said it once. No repeats na. Bahala ka kung di mo narinig"



"Narinig ko with both ears. Gusto ko lang maverify"



"Ano ako? Documentary requirement na need iverify. Pasaway ka"



"Verified ka na sa puso ko, matagal na"



"Sus, ayan ka na naman Chow. Sige na. See you na talaga mamaya. Manual driving ka na ulit huyyy. Sige na. Ibababa ko na, bye" sabay putol ng linya.

















Pagdating ko sa bahay nina Bettina ay biglang nagbukas na ang gate nito. Sobrang laki ng bahay nila pero siya lang lagi ang tao rito. Pinascan na rin niya noon ang sasakyan ko sa sensor ng gate nila kaya naman automatic na itong nagbubukas pag pumupunta ako.



Agad naman akong sinalubong ni Manang Fe sa main door. 



"Manang, nasaan po si Bettina?"



"Nasa taas hijo. Sa kwarto na lagi niyang pinagtataguan"



"Sige po. Puntahan ko po muna ha. Salamat"



Filming LoveWhere stories live. Discover now