Cam 025: Bestfriend

140 10 8
                                    

Lianne's POV



"OA ng gulat mamsh ha" she said as she sat down in front of us.



"Sorry Marga. Sobra lang akong nagulat and nagtaka. Actually, that day when she cried her heart out kung gaano siya nasaktan sa sinabi mo, nagalit din ako sayo"



"I know. Kaya nga super akong nakonsensya. But everything was that man's plan oh"



"Okay saglit. Kanina pa ako naguguluhan eh. Tell me, bakit ba kayo may plano? Tsaka bakit nasasama ako sa inyo?"



"Because you are one of Rita's bestfriend?"



"Babaw na dahilan mars ha"



"Fine. Kasi ikaw lang ang most trusted person ni Rita sa industry natin. And we need that trust na hawakan siya sa leeg"



Napailing na natawa ako, "OA ng last line mo ha. Saang drama mo yan nahugot?"



"HAHAHA sa drama ng buhay ni mami. Bati na tayo ha"



"Fine. Basta siguradong part ng plan yan ha"



"Oo naman. Rita had been my first ever showbiz bestfriend kaya sobrang importante siya sa akin. Special siya sa akin eh"



"And ang special mo rin daw sa kanya"



"I know. So ano na ang gagawin natin?"











We started our plan na nga. Kinakabahan na naeexcite ako. Para kaming mga private investigators sa gagawin natin.



"Wait" Marga said, "to carry out our plan, kailangan din na may alam tayo sa kalaban. Pero sino naman kaya?"



Everyone thought.



He butted in, "Si Trish"



Nagkasabay kami ng tingin sa kanya, "Trish?"



"Yes, Trish is one of Rita's fans na naging close friend niya. Kung makapagtanggol yun kay Rita, grabe. Nang-aaway ng bashers yun eh"



"So? What's with her?" tanong ni Marga.



"Actually, nakita ko siya sa grocery....with Bettina"



"Ha?" nanlaki ang mga mata namin ni Marga, "Oh eh akala ko ba wagas na fan ni Rita yung si Trish. Bakit na kay Bettina na siya?"



"We actually talked. Sabi niya ay huwag ko daw pabayaan si Rita. Lagi ko daw siyang protektahan. So I know na side pa rin siya ni Rita. Kung di lang daw sila magpinsan ni Bettina eh"



Mas lalo pang lumaki ang mga mata namin ni Marga.



"What? Magpinsan pa nga? Paano tayo makakasigurado na papanig sa atin yun?"



"Nakita ko ang sincerity sa mga mata niya"



Di ako ganoon kaconvinced pero sige na nga.



"Then? Ano magiging papel niya kung sakaling pumayag siya?"



He took a deep breath, "Patuloy lang siya sa pagpanig kay Bettina. To make her feel na nawalan na ng kakampi si Rita"



Filming LoveWhere stories live. Discover now