Ken's POV
"Brent tama na!" naririnig ko ang pahiyaw na sigaw ni Rita mula sa bintana na kinasasandalan ko. Ang pader sa tabi nito ang tangi kong harang para hindi nila ako mapansin.
Nadudurog ang puso ko sa naririnig ko. Bandang huli ay sinikap ko nang sumilip mula sa posisyon ko.
"Bakit pa ako sayo maaawa? Matagal mo na pala akong niloloko. May paplano-plano ka pang nalalaman diyan pero si Ken pa rin naman talaga ang gusto mong iligtas. Nagpakatanga na naman ako sa mga kasinungalingan mo!"
Anong ibig niyang sabihin? Tungkol ba ito sa narinig ko sa bahay nila noon? Para sa akin kaya nagsusunud-sunuran si Rita sa kahit anumang sabihin ni Brent sa kanya?
Hayooooop ka Brent!
Pilit na iniiwasan ni Rita ang bawat hampas na pinapakawalan ni Brent. I can't imagine Rita having this kind of life behind the camera.
Hindi na tama ito. Kailangan ko nang kumilos.
Nakaisip ako ng strategy.
Narinig ko na lamang na tumunog ang telepono ni Brent. Okay nagwork ang plano ko. Sino ba namang makakahindi kapag trabaho mo na ang tumatawag sayo lalo na't napakahalaga ng pera pagdating sa lalaking ito.
Kailangan kong maging maingat. Every move and every action count.
Rita's POV
Nakakarinig ako ng kaluskos sa may gilid ng bintana namin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung ano ito, I mean sino pala ito.
"Chow, anong ginagawa mo dito?" pabulong kong banggit dahil alam kong hindi pa masyado nakakalayo si Brent.
"Shhhh" tugon niya habang isinisiksik ang sarili sa bintana upang makapasok sa kwarto.
"Paano ka nakarating diyan?"
"Dumaan ako sa fire exit. Nakita kong may access pala yun sa bintana mo kaya tumuloy na ako."
"Hoy ang kitid ng daan na yun."
"Choi, ano ba yung nakita ko?" pag-iiba niya ng usapan.
"Kung anuman ang nakita mo, pwede ba kalimutan mo na lang. Umalis ka na dito please. Baka maabutan ka pa ni Brent dito" pagmamakaawa ko.
"Choi" paglapit niya sa akin sabay hawak sa mga kamay ko at pisnging may bahid ng kaunting dugo dulot ng pagkakasampal, "Anong buhay ito?"
"Chow, please. Umalis ka na. Pag inabutan ka ni Brent, mapapatay ka talaga nun"
"No hindi ako aalis dito nang hindi ka kasama. Halika na habang may pagkakataon pa"
Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahatak niya, "No hindi ako sasama sayo. Dito lang ako kay Brent"
"Ritaaaa???" bahagyang tumaas ang boses niya. Nangingilid na rin ang luha sa mga mata ko.
"Tell me, yung mga pasa mo bang nakita ko sa ospital, yung mga gasgas mo sa braso last month, yung pag-ika-ika mo sa paglalakad last week, si Brent ang dahilan diba?"
YOU ARE READING
Filming Love
RandomCan you still love him even if he cannot take you out of the camera's limits? Take this another journey with them as I unfold their story behind those lenses. Will it be as bright as the flickers or will it be as dark as the tripods?