Ken's POV
Napalabas ako bigla ng kwarto pagkareceive ng tawag mula kay Mang Cardo. Naririnig kong umiiyak si Mommy sa background.
"Tell me Kuya what happened?"
Narinig ko namang ibinigay niya ang telepono kay Mommy at naririnig ko rin si Mama Osang na pinapatahan siya.
"Anak sorry. Ako yung nagbabantay sa apo namin eh. Dito kami ngayon sa lounge ng ospital. Nagutom daw kasi siya kaya ikukuha ko sana ng makakakain sa cafeteria. Si Mama Osang mo naman din kasi nagpapahinga din kaya di ko na ginising. Si Mang Cardo naman kakaalis lang para sa coffee namin ni Osang. Sinabihan ko siya na wag umalis at alam kong nakikinig naman siya. Mali ako Ken. Sana sinama ko na lang siya. Sana kinarga ko na lang siya papuntang cafeteria. Sana hindi ko lang siya iniwan edi sana....."
"My, relax. Hindi mo kasalanan okay? We can find a solution for this. Kalma ka lang diyan. Pupunta ako sa admin ha, papacheck natin yung CCTV. Valid naman reason natin"
"Anak pasensya ka na. Hindi ko naingatan si Dani. Hindi ko...." sambit ni Mommy na lalong ikinadurog ng puso ko. Hindi ko naman siya masisi dahil alam kong di naman niya sinasadya pero nag-aalala na talaga ako.
"Veron, tama na yan. Tama si Ken, walang may gusto nito kaya wag mo nang sisihin ang sarili mo. Ipagdasal na lang natin na sana nasa magandang kalagayan naman ang apo natin. Wag ka nang umiyak" narinig kong pagpapakalma ni Mama Osang sa kanya.
Ibinalik naman ang telepono kay Mang Cardo, "Kuya, samahan mo ako sa admin. Kita tayo sa lobby" banggit ko.
YOU ARE READING
Filming Love
De TodoCan you still love him even if he cannot take you out of the camera's limits? Take this another journey with them as I unfold their story behind those lenses. Will it be as bright as the flickers or will it be as dark as the tripods?