Cam 007: Background

146 8 27
                                    

Ken's POV


"Choi!!!"



Sobra-sobra talaga yung excitement ko kapag nakakausap ko siya, whether personally or sa phone lang. Hayy hindi ko na naman kasi nasagot yung text niya kaya ito nagtatampo na naman. Suyuan time na naman today. Okay lang, kahit araw-araw ko pa siyang susuyuin, hindi ako susuko sa kanya.



Teka, oo alam kong wala kaming label. Three years na kaming magkaloveteam pero wala pang label.



Mahina ba kami pareho? Takot? Hindi. Nag-iingat lang na magbitaw ng mga salitang baka bawiin din namin sa huli. Mabuti nang umamin kami in public pag sure na ang lahat. Pag sure na kami sa isa't isa.



"Ewan ko sayo Chow!" sagot sa akin sa kabilang linya.



Hindi alam ni Rita na nandito na ako sa harap ng bagong condo unit niya. Finally, hindi na siya nagrerent. Sarili na niya itong condo unit niya so I am happy for her. Nagbunga na ang lahat ng pinaghirapan niya since she was 10 years old.



"Choi, sorry na nga. Dali na alis tayo. Labas ka na diyan"



But I am here waiting already sa pintuan niya.



Pagbukas niya ng pinto ay nagulat siya nang makita ako. I pushed her back inside. I kissed her, not on the lips. Friendly kiss na kami lang ang pwedeng gumawa sa isa't isa. I respect her too much that I really don't kiss her lips offcam lalo na if kaming dalawa lang magkasama. I know it was very hard for me to resist her tempting lips pero tsaka na kapag naging kami na nga.



Hindi niya pa rin ako pinapansin. I hugged her from behind, tightly as I could. We are already looking at the same direction, to the sunset.



I kissed her cheeks again.



"Choi, dali na sorry na. Look oh I bought you your favorite, Max's Chicken"



Tiningnan niya muna nang matalim sabay bumitaw sa pagkakayakap ko.



"Bakit ngayon mo pa lang sinabi na may roasted chicken ka? Gutom na gutom na ako oh"



Natawa naman ako. She's so cute. Kahit na she's turning 26 next week, she's still cute.



"Hmm alam mo talaga kung ano ang pangsuhol sa akin no?"



She motioned her hands to direct me na umupo sa tabi niya. Pagkaupo ko ay pinisil-pisil niya ang pisngi ko.







"Chow, saan ka sa 15?"



It is her birthday. But ughhh may business trip ako.



"Choi...."

 


"Oo sige na. Wala ka dito sa 15 kasi po may business trip ka with your iGas family right?"



"Oh paano mo nalaman yun?"



Filming LoveWhere stories live. Discover now