Ken's POV
Kinaumagahan, paggising ko ay agad kong hinanap kung nasaan si Rita nang hindi ko siya nakita sa kamang pinaghigaan ko sa kanya kagabi.
"Choi?" pero walang sumasagot.
Mabilis akong tumayo mula sa pagakakahiga at sumilip sa labas. Agad din naman akong napanatag nang nakita ko siyang nakaupo sa bamboo na upuan sa labas ng bahay at mukhang malalim ang iniisip nito dahil ang layo ng tingin niya sa kawalan.
"Choi?" nilapitan ko siya at tinapik sa balikat. Mukhang napahinto naman siya sa iniisip niya at umanagat ang tingin sa akin.
"Chow, gising ka na pala. Good morning!" she smiled.
"Aga mo naman nagising Choi?"
"Actually hindi nga ako masyado nakatulog kagabi" she's answering me pero balik sa damuhan ang tingin nito.
"Bakit?" napaupo ako sa gilid niya, "May sumasakit pa ba sa mga pasa mo? Patingin?"
Akma ko na sanang titingnan ang mga braso niyang natatago sa ilalim ng sinuot niyang long sleeves pero agad niya itong binawi sa pagkakahawak ko.
"Hindi naman physical ang sakit. Emotional"
I understand her. "Choi, if kailangan mong ilabas yan, ilabas mo lang lahat ha. Andito lang ako makikinig ako sayo"
A moment of silence until Rita replied.
"Chow, mahiwaga ang buhay no? Just how this house had been mystical"
Oo nga pala. Hindi ko pa sa kanya natatanong kung bakit may bahay dito sa gitna ng damuhan at punong-puno ng pictures namin together pati yung mga regalong ibinigay ko sa kanya noon.
"Choi? Kaninong bahay ba ito?"
"Actually hindi ko rin alam. One night nang sinaktan ako ni Brent, I don't know pero parang nagliwanag ang isang maliit ng pintuan sa dulo ng hallway ng 22nd floor ng condo. Dahil hindi ko na alam kung saan ako pupunta para makatakas lang kay Brent ay doon ako dumaan nang hindi alam kung saan papunta. Diniretso ko lang ang daan na yun and it ended me up sa isang damuhan"
She pointed the fields.
"Matagal ka nang napunta sa bahay na to?" tanong ko.
"Ahmm when Dani was three years old. Umuwi kami dito kasi gusto ko ako yung sumama sa first chemotherapy ni Mama"
Nagulat ako, "Umuwi kayo? Bakit di alam ng press? Hindi ko nabalitaan."
"Well, kasi patago yun. Ayaw ko pa kasing bumalik sa showbiz noon kaya nakiusap ako kay Brent na gamitin yung private plane ng family niya and pumayag naman siya."
"Then ilang taon kayo nagstay dito?"
"Ahmm siguro 3 months lang din. After na makatatlong cycles si Mama ng treatment, bumalik na rin kami sa Canada"
Napatango-tango ako. Nag-iisip ako. Three years na rin mula nung umalis si Rita nung nag-umpisa akong managinip about a weird bahay kubo.
YOU ARE READING
Filming Love
RandomCan you still love him even if he cannot take you out of the camera's limits? Take this another journey with them as I unfold their story behind those lenses. Will it be as bright as the flickers or will it be as dark as the tripods?