Rita's POV
It's this time of the year again.
"Ma?" I said as I approached her while she's staring blankly on that picture frame once again.
Tumingin ako sa kalendaryong nakasabit sa tabi ng ref namin. Nakabilog na naman ang October 18.
"Ma, alam ko namimiss mo na naman si Ate. Birthday na niya sa Tuesday no?"
Niyakap ko si Mama but I know that she's still hurting. Mga 20 years na rin kasi when that incident happened na hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko.
"Anak, mas masaya siguro tayo if andito ang ate mo no?"
"Mama, sorry talaga ha. I know it was my fault"
"Nak, hindi. Aksidente naman ang nangyari. Hindi mo naman kasalanan yun at hindi mo naman ginusto yun"
**FLASHBACK**
Rita's POV
"Ate, halika. Ligo tayo sa ilog oh!"
"Bunso wag na. Medyo malakas ang agos ngayon"
"Sige na Ate. Di naman tayo sa malayo eh. Sa may batuhan lang tayo"
"Tata naman. Alam mo namang hindi ka marunong lumangoy eh."
"Sus, nandiyan ka naman Ate para iligtas ako diba?"
Pinipilit ko pa rin si Ate para samahan akong maligo sa ilog. Kararating lang din ni Mama galing sa pamamalengke.
"Oh, ano namang pinagtatalunan niyo ng Ate mo?" tanong ni Mama habang sinasalansan ang mga pinamili niya.
"Kasi Mama si Ate oh. Ayaw ako samahan sa ilog. Gusto ko nga kasi magtampisaw"
"Eh Mama" pagsingit ni Ate, "Medyo malakas ang agos ng ilog. Baka may mangyari pa"
"Hay naku. Kesa mag-away kayo dyan, samahan mo na lang Carla itong kapatid mo pero Tata, diyan lang kayo sa may batuhan. Hindi na bababa sa tubig. Nagkakaintindihan tayo?"
"Yehey sige na nga. Opo Mama"
Pumasok ako sa kwarto at sinuot ang kwintas na binigay ng bestfriend ko. Napansin naman nina Mama na sinuot ko ito.
"Oh anak. Bakit suot mo pa yan? Sa ilog lang naman kayo pupunta ng Ate mo"
"Wala lang. Namimiss ko na kasi talaga si Nenet Sana makabalik sila dito ng pamilya niya no kahit bakasyon lang"
"Oo nga nakakamiss nga naman yang batang yan. Napakabait. Pero anak doon na kasi sila sa Pampanga nakatira kaya imposible pang babalik sila dito lalo na't binenta na rin nila ang bahay nila dito"
YOU ARE READING
Filming Love
RandomCan you still love him even if he cannot take you out of the camera's limits? Take this another journey with them as I unfold their story behind those lenses. Will it be as bright as the flickers or will it be as dark as the tripods?